𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 11
Sa bawat araw na lumilipas kinakaya ko wala akong magagawa kundi ipagpatuloy ang buhay ko.
Hindi na ako umaasa na mag ttext pa siya.
Hindi na ako umaasa na tatawag pa siya.
Gabi na nandito ako ngayon sa park na lagi naming pinupuntahan ni Mytt dati, nakaupo lang ako sa swing habang pinagmamasdan ang kalawakan.
"Malamig na dito baka magkasakit kapa" napatayo ako at tumingin sa nagsalita.
"M-mytt!" ngumiti ako kahit ramdam ko ang pag bagsak ng nga luha ko.
"Can we talk?" malamig na tanong niya mas dumoble tuloy ang lamig na nararamdaman ko.
"K-kamusta kana? L-long time no see" pinilit kong maging matatag kahit hindi ko na kinakaya.
"I'm sorry" hindi niya pinansin ang tanong ko pinunasan ko ang pisngi ko.
"Hoy ano kaba seryoso mo naman HAHAHAHAH" pinilit kong tumawa para maitago ko ang lungkot na nararamdaman ko na konti nalang ay lalabas na.
"I'm sorry Lirzine" di ko na napigilan napa hikbi nako gusto ko siyang tanungin ng sorry saan? sorry kasi ginago moko? Sorry kasi bigla kang nawala? Pero mas pinili kong iba nalang.
"M-minahal m-mo ba k-ko?"
"Sorry mas mahal ko siya Lirzine" napatawa ako ng mapakla.
"Pano? Kelan?" tanong ko sakanya.
"Siya yung nanjan nung walang niisang taong nanatili sakin" sagot niya.
"Tangina naman Mytt ano ako? Display? Ako yung nandito ako yung nanjan palagi sa tabi mo mula noon hanggang ngayon! Pero nakita mo ba? Hindi dahil busy ka sakanila! Naramdaman mo bang mahal kita? Hindi! Kasi busy kang lumandi"
"Akala mo ba madali sakin to? Hindi Lirzine!" sigaw niya buti nalang walang ibang tao dito.
"Paano mo malalaman kung madali lang o mahirap eh hindi mo nga ako nakikita" sambit ko sakanya.
"Forget about me, kalimutan moko kalimutan mo lahat ng pinagsamahan natin. Magiging masaya ako kapag ginawa mo yun" tumalikod siya atsaka naglakad papalayo.
Ilang minuto akong nanatili sa ganung posisyon at inalala lahat lahat ng meron kami na ngayon ay gusto niyang kalimutan ko.
Akala niya ba madali lang kalimutan ang lahat lahat ng ganun lang?
Shit mas masakit to kesa nung nag break kame ng boyfriend kong ewan.