Ah 2

15 3 0
                                    

K A B A N A T A 2:


Makalipas ang ilang minuto na humupa na kahit papaano ang kilig at sayang nararamdaman ko matapos ang matagumpay na plano, kinailangan ko na rin ang bumalik sa barkada.

Papalapit palang ako sa grupo, nakatutok na ang mata ko kay Brent na kapansin-pansin ang makailang ulit na paggala ng paningin sa paligid. Lihim akong kinilig nang maalala ko ang nangyari kanina lang. At mukhang iyon din ang dahilan ng malalim na pag-iisip nito.

"Mira!"

Bigla kong iniwas ang pagkakatitig kay Brent at bumaling sa taong tumawag ng pangalan ko. Si Camille na halatang hindi maganda ang tono.

"Bakit?" tanong ko sa kanya na halatang salubong ang dalawang kilay.

"Ba't hindi mo tanungin ang sarili mo?!" galit na saad niya at sadyang binangga ako sa pag-alis niya.

"Anong nangyari kay Camille?" walang kaide-ideyang tanong ko. "May nagawa ba ako?"

Tawa ang sinagot ni Kyle na malambing na nakaakbay sa girlfriend nitong si Annie. "Sinisisi ka lang naman niya sa dalawang kadahilanan. Una: Hindi siya umabot sa countdown dahil daw sa kabagalan mo, Pangalawa: Break na sila ni Art dahil nga sa hindi siya umabot sa countdown na dahil nga sa kabagalan mo. Nakuha mo?"

Kunot-noo ang unang reaksyon ko. "Kasalanan ko? Sa'kin talaga napiling isisi ang lahat?!" napapataas na ang tono ko sa inis. "Ako ba ang may hawak ng paa niya? Ako ba ang nagdesisyon na hiwalayan siya? Ang babaeng yun, sabi na nga ba maldita talaga!"

"Cool down Miranda!" saad naman ni Art na may pagngisi. "Pero mukhang ikaw rin nga talaga ang dapat kong sisihin. Loveless ang isang Art Fuentanilla sa mismong araw ng mga puso."

"Tigilan mo nga ako Arthur!" Nananaas na kilay na saad ko sa kanya. Kahit kailan, hindi ko maintindihan ang pangongolekta ni Art ng numero ng babaeng dini-date niya. "Ano naman ngayon kung nabakantehan ang isang Art Fuentanilla sa mismong araw ng mga puso?"

Lumapit si Art sa'kin at inakbayan ako. "Alam mo ba kung anong problema? Walang exciting na nangyari sa'kin sa gabing ito. At tinalo pa ako ni Brent na single ngayon, pero nakakuha ng matamis na halik sa countdown."

Bigla akong napalunok sa sinabi niya, pero wala akong balak magpahalata. Bumaling ako kay Brent na kasalukuyang umiiling-iling habang maluwang ang ngiti.

"Totoo ba yon?" pa-inosenteng tanong ko kay Brent. Lumilingon-lingon din ako sa paligid para sa mas natural na reaksyon. "Nasaan siya Brent?"

"Yun nga eh, di ko alam!" sagot nito.

"Huh?" sinisikap kong maging natural ang bawat reaksyon. "Hindi ko maintindihan."

Si Art na nasa tabi ko ang sumagot. "Isang mysterious kisser. Hindi nag-iwan ng bakas ang babae kung sino siya. Well, baka kung sino lang na nakabitaw sa partner niya at nagkamali ng labing lalapatan dahil madilim nga."

"Hindi." agad na sambit ni Brent. "Sinadya niya... Malinaw kong narinig nang binulong niya ang pangalan ko. Sigurado akong sinadya niya, at kilala niya ako... And I have a feeling na kilala ko rin siya."

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Kinabahan ako. "Pa-paano mo naman nasabing kilala mo siya? May.. may pinaghihinalaan ka ba?" Halos mautal-utal ako sa pagtanong kaya parang gusto ko tuloy na kurutin ang sarili ko.

"I don't know.. pero.. She has a familiar scent."

Awtomatikong nagpanic ako. Ang perfume na gamit ko ba?! Kailangan kong dumistansya kay Brent bago niya ako maamoy at pagdudahan.

Tumikhim si Kyle na bumitiw na rin kay Annie at sumali sa usapan. "Wala man lang bang sapatos na naiwan tulad ng kay Cinderella? Paano natin mahahanap ang prinsesa mo kung ang amoy lang niya ang pinanghahawakan mo."

Biglang may dinukot si Brent sa bulsa niya at nilabas ang isang hikaw. "I have this. Sa kanya 'tong hikaw."

Halagapak ng tawa ang pinakawalan nina Kyle, habang kabog ng kaba ang epekto niyon sa'kin. "Wow... Nice one Brent. Are you a clepto?!" Halos sigaw ni Art. "This is getting interesting. You really have to find her..."

Hindi ako makapaniwala nang makita ko mismo sa palad ni Brent ang pares ng hikaw ko. Habang walang nakatingin sa'kin, mabilisan kong inalis ang hikaw ko sa kabilang tenga bago pa man may makapansing pagkakaparehas nito sa hawak ni Brent.

Kaso ang malaking problema ay kung paano ko 'yon mababawi kay Brent. Siguradong malalagot ako sa kapatid ko kapag nalaman niyang nawala ko ang pares ng mamahaling hikaw niya.

"Nasaan nga pala si Alex?" Biglang natanong ni Brent na bumaling sa'kin. Kami ni Alexa ang madalas na magkadikit kaya hindi kataka-takang ako ang hinahanapan niya ngayon.

"Hindi ko alam." Sagot ko sa dumidiretso na ring dila dahil sa wakas wala ng kinalaman sa mysterious kisser ang usapan na sadyang nagpapakaba sa'kin. "Kanina lang nang tinawagan ko si Alex, nandito na raw siya. 'Yon 'yong bago pa magsimula ang countdown... Kaya hindi ko alam kung nasaan na ang babaeng yon! Nahihirapan siguro tayong mahanap. Mabuti pa tata-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang matanaw ko na rin si Alexa na papalapit na sa kinaroroonan naming pwesto.

"Hi Guys!" hinihingal na bati ni Alexa nang makalapit dahil sa ginawang lakad-takbo. Gaya ng dati, naka-faded pants, simple black shirt, converse at red cap ang ayos nito. Kahit may pagka-boyish manamit at kumilos si Alexa, nagkakasundo kming dalawa sa lahat ng bagay.

"Ba't ngayon ka lang?" nangungunang tanong ni Brent. "Sabi ni Mira kanina ka pa nandito.. Saan ka sumuot?"

"Ahhmm..." hindi agad nakasagot si Alexa na parang umiiwas sa tanong. "Ah, naligaw lang ako, hindi ko kayo mahanap e."

"Pero alam mo naman na dito talaga ang pwesto natin diba, tulad lang noong isang taon..." muling saad ni Brent na kapansin-pansin ang pag-usisa kay Alexa na hindi naman nito madalas gawin.

"Nakalimutan ko na nga. Nalito na ako sa sobrang dami ng tao. Bakit? May nangyari ba habang wala ako?"

"Meron." Maagap na sagot ni Kyle. "At mukhang ikaw ang pinagdududahan ni Bre-"

Di na natuloy ni Kyle ang sinasabi nang sikuhin siya sa tagiliran ni Brent. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang makahulugang kilos at tinginan ng dalawa.

Pakiramdam ko tuloy pinaghihinalaan ni Brent si Alexa.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Alexa pero agad na rin akong sumingit para matigil ang mga pag-uusisang nangyayari.

"Hindi pa ba tayo aalis para kumain? Naghihintay na sa'tin ang luto ni manang!" pagtutukoy ko sa madalas at paborito naming tambayan sa bahay ni Art kung saan lagi kaming pinagluluto ni manang Inday.

Nakaw Halik IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon