Ah 4

11 4 0
                                    


KABANATA 4:

Dahil ako ang may pinakamalayong bahay, ako ang huling maihahatid ni Brent habang nauna ng binaba si Alexa sa bahay nito.

"Sige... Salamat Brent. Bye Mira." Pagpapaalam ni Alexa na isang beses lang kumaway saka tumalikod para pumasok ng bahay.

Kahit hindi ganoon kaliwanag ang paligid, kitang kita ko kung paano titigan ni Brent ang kaibigan namin. At sa mga oras ring 'yon, muling nakaramdam ako ng selos. Ngayong alam ko ng may gusto si Brent kay Alexa, hindi ko mapigilang mainggit.

Boyish si Alexa at hindi mapag-ayos sa sarili 'di tulad ko. Pero kahit na gaano siya kasimple o walang kaayos-ayos sa katawan, hindi naman talaga makakaila ang kagandahan nito na may dugong german na nakuha nito sa di pa nakikilalang dayuhang ama.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko kay Brent na parang wala pang balak kumilos.

Mula sa kawalan, nalipat ang malalim na pagkakatitig niya sa'kin. Sa ginawa niyang iyon, parang gusto kong matunaw na lang sa epekto niya.

"Ba-bakit?" nauutal na tanong ko habang ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan, hindi man lang nawawala o pumapalya ang ganitong klaseng epekto niya sa'kin.

"Mira.." hindi pa rin inaalis ni Brent ang tingin sa'kin. "May.. may tatanungin sana ako sayo.. May alam kaba sa kung sino ang mysterious kisser kaninang countdown?"

Mula sa malakas na kabog ng puso ko kanina, bigla't biglang nauwi sa halos parang pagtigil nito. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yon na parang magbibigay sa'kin ano mang oras ng heart attack.

"W-wala. At la-long hi-hindi ko a-lam." Nagkabuhul-buhol na ang salita ko na animo'y nagsisimula palang matutong magsalita.

Biglang parang mas may namuong pag-asa kay Brent dahil sa nakikita niyang reaksyon ko. Sa pagkaka-utal ko, mukhang nahuhulaan niyang nagsisinungaling ako.

"Mira.." pagpapatuloy ni Brent sa nakikiusap na tono. "Kung.. kung si Alexa 'yon, pwede bang aminin mo na lang sa'kin... Si Alex ba?"

"Hindi! Hindi siya." Agarang sagot ko. Ayaw kong isipin niyang si Alex 'yon, dahil hindi naman talaga. Dahil ako 'yon.. Pero mas lalong hindi ko naman ibubuko ang sarili ko. Hinding-hindi.

"Come'on Miranda..." Kahit anong tigas ng pagtanggi ko, parang nabuo na sa isip ni Brent na tama ang sarili niyang hinala. "Hindi mo na kailangan pang magsinungaling o pagtakpan siya. I knew it. Siya talaga yon... 'Diba?"

Isang ngiti ang gumuhit sa mukha ni Brent kahit wala naman akong sagot na binigay sa kanya.

"Naiintindihan ko kung pinagtatakpan mo man si Alex. Pero kung ang inaalala mo na pwedeng magalit siya sayo, don't worry Mira, hindi ko sasabihing alam ko na. Magpapanggap ako na walang alam."

Isang napakaseryosong mukha ang ipinakita ko kasabay ng pag-iling. Babawiin ko ang maling akalang lumason sa paniniwala nito.

"Makinig ka Brent," sinalubong ko ang tingin niya saka nagpatuloy sa kalmadong tinig. "..nagkakamali ka. Ako na mismo ang nagsasabi sayo na hindi yun si Alex dahil napaka-imposible. Wala siyang gusto sayo.. dahil may ibang nagugustuhang lalake si Alex.. at yun rin ang dahilan kung bakit wala siya kanina sa countdown.. kasama niya ang lalakeng 'yon.. Ayaw nga lang ipaalam ni Alex ang tungkol sa kanila."

Walang katotohanan ang mga pinagsasabi ko, pero sa mukha ni Brent mukhang napaniwala ko din siya kahit papaano. Halatang bumagsak ang panga nito na parang ayaw tanggapin ang narinig.

"Totoo ba ang sinabi mo?"

Napalunok muna ako bago tumango. "Oo.. Pero sana huwag mo na lang sabihin kay Alex na sinabi ko sayo ang mga bagay na 'to. Alam mo namang masyado siyang malihim at siguradong magagalit siya sa'kin kapag nalaman niyang pinangunahan ko siya."

Nakaw Halik IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon