"Mariandra."
Kung hindi pa 'ko tinawag ni Nanay ay hindi ako magigising sa katotohanang nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Manila. Wow, how long has it been since my feet stepped here? Five years? Kumusta na kaya siya?
"Tara na at naghihintay na sila Tita Caroline mo," pag-aaya sa'kin ni Nanay. Habang nilalakad namin ang pasilyo papunta kung saan sila kikitain ay hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata at mamangha sa ganda ng paliparan ngayon. Although, ganoon pa din naman ang itsura nito. Ngunit kung ihahambing naman noon, napansin kong mas maayos na ang pamamalakad ngayon at mas malinis na din ang kabuuan ng lugar. Ang tagal din pala talaga ng limang taon. Siguro sadyang mabilis lang ang panahon kaya hindi ko namalayan.
"Keesh, kumusta?"
Salubong ni Liah saakin sabay yakap ng mahigpit. Hindi ko ikakaila na namiss ko 'tong babaitang ito. Liah is one of my closest cousins. Sasama dapat siya saamin ni Dimple kaso mas pinili niyang manatili dito dahil mag-aaral pa siya ng Law. I want to study Law too before, but then shit happened. I really need to fly away and settle sa Singapore. Wala naman din akong pinagsisihan. Mahirap nang una pero kinaya ko, kinaya namin ni Pol. Ngayon, nandito ulit ako pero alam kong hindi ako magtatagal dito. Pansamantala lamang ito, for the sake of business then I need to go back.
"Okay lang ako, Liah. Ikaw?" tugon ko sa tanong niya.
"Merliah, mamaya na 'yan. Sa bahay na ulit kayo magkamustahan, tignan mo pagod na sila," singit ni Tita. Nauna siyang maglakad saamin bago lumingon muli. "Let's go, naghihintay si Kiel sa parking lot."
Iyon nga ang nangyari, pinuntahan namin si Kuya Ezekiel sa parking lot. "Tita Elina, welcome back. Hi, Keesh. How's life? Asan ang pasalubong ko?" natatawang sabi ni Kuya. Still the same, huh. Na'ko talaga. Buti na lang at nag-uwi ako ng best-selling pastries namin. I hope magustuhan nila since they haven't tried it yet. Never kasi silang nakadalaw saamin, the same goes for us. Never din kaming nakauwi dito kahit saglit. Busy, iyon lagi ang dahilan. Kuya having his own family, and us dahil nga sa business pero we maintained to have regular video calls with the family especially on important events. It's a must.
"Nasa balik-bayan box Kuya. I have gifts for Miguel too," I replied.
"Ayan gusto ko sa'yo, Keesh. You never forget me and Miguel. He misses you, you know. Lagi niyang hinahanap ang napakagalante niyang Tita," sa sinabi ni Kuya ay hindi ko malaman kung matutuwa ba 'ko or what. If I know, nakikipaglokohan lang 'to. "Stop it, Kuya. Mga sinasabi mo puro kasinungalingan 'eh. Baka magaya pa sa'yo pamangkin ko," kontra ni Liah sa Kuya. At ito na naman po sila, magbabangayan na. Kailan ba sila magtitino? Hays.
"Merliah, tama na 'yan. Nakakahiya sa mga tumitingin oh. Pumasok na nga tayo at ikaw naman Kiel, mas matanda ka, may pamilya na. Pwede umayos ka? Ang lalaki niyo na pero sakit pa din sa ulo," naiinis na sabi ni Tita. Ang kulit naman kasi ng magkapatid na ito. Parang hindi nauubusan ng pag-aawayan.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionThis is the first installment of At Last Trilogy. A story of friendship, tragedy, and love. Tune in to the story of Mariandra Akeesha, our first San Juan lady. Updates every week. Start: September 26, 2020 Finish: