Kabanata 4

25 2 4
                                    


Maaga akong nagising dahil nadama kong may kumukulit saakin. Ayoko pa sana buksan 'yung mga mata ko but I can't resist the noise. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumungad saakin ang mukha ni Miguel. Aww, my baby's here already.


"Good morning, Miguel!"


Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at binuhat siya para paupuin sa mga hita ko. "Where's your daddy, baby?"


"Nasa baba sila Kuya. Kausap sila Mommy at kumakain ng almusal," singit ni Liah saamin. Tumango ako sa kanya bago niyakap si Miguel at hinalikan sa pisngi. Ahh, ang cute talaga ng pamangkin kong ito. Nakakagigil.


"Tati, tama na po. Masakit na 'eh," Aww. Masyado ata akong nanggigil. Tinigilan ko siya at saglit na pumunta sa banyo upang maghilamos. After washing my face I went back inside our room at binuhat muli si Miguel para bumaba kung saan naabutan namin sila Kuya kasama sina nanay na masayang nagkukwentuhan sa kusina.


"Oh, you're awake. Hi, Keesh."


Bumati ako pabalik at humalik sa pisngi ni Kuya at Ate bago binaba si Miguel para umupo sa silyang katabi ni Liah. Nakikinig lang ako sa kanila habang nagbibilin si Ate Kors na bantayan mabuti ang anak. So as a responsible tita, Liah and I promised her to take care of Miguel. We also told them our plans for the day. Hindi naman sila tumutol dito. Pagkatapos ng agahan ay nagpaalam na din sila Kuya at baka mahuli pa daw sila sa flight.


Umakyat agad kami ni Liah pagkaalis nila Kuya dahil gusto na naming makapunta sa Kidzoona. We really want to maximize our time especially that we're with Miguel. We want him to enjoy. I ended up wearing a jumper with white top under it partnered with Stan Smiths. When satisfied, sabay-sabay na kaming bumaba sa garahe at sumakay sa kotse ng pinsan ko.


"Please behave, Miguel. 'Wag makulit at baka mahulog ka," saway ko lalo ng makita kong imbis na nakaupo lang ay tumatayo siya sa upuan sa likod. Gladly, he obliged. We were silent for the few minutes of our ride not until Miguel played a soundtrack from his favorite show.


Pagdating namin sa Alabang ay halata ko ang saya sa mukha ng pamangkin ko. I'm happy that I'll get to spend this day with him. A breath of fresh air.  Dahil mukhang kailangan ko na ng makalimot. Keep moving forward, self. No turning back, please.


Tumatakbong pumunta si Miguel sa Kidzoona pero buti na lang ay naabutan siya ni Liah at pinigilan  dahil hindi pa kami nagbabayad ng entrance fee. "Juan Miguel, please stay put. Tati, needs to pay first for our entrance fee," I told him where he nodded as a response.  Pumila na 'ko at hinintay ang pagkakataon na ako naman ang magbabayad. The line wasn't that long so I guess this will not take long. Habang nasa pila, naaninag ko ang dalawa kong kasama na nakatayo sa isang tabi at nag-uusap.



Hindi din nagtagal ay nakabayad ako. Lumapit ako sa kanila upang sabihin na maaari na kaming pumasok. Miguel didn't waste any minute. He hurriedly went inside and removed his shoes leaving him on his socks only. This cute baby is really excited, huh. I can't wait to spend time with him. Mabilis na umikot ang mata ko sa buong lugar at kitang-kita ko ang ngiti ng mga bata mula dito. I can see they're exhilarated that they cannot hide it. So precious. Lia and I were relishing our marvelous moment with Miguel. Surely, this day is something I will never forget and would definitely miss when I go back to Singapore.


"Hey, bibili muna ako ng makakain at maiinom natin baka maghanap bigla si Miguel 'eh," sabi ko bago umalis sa palaruan at hinanap ang supermarket.


I went inside the supermarket and search for our snacks and drinks. Sa huli bumili ako ng bottled water, macarons, and muffins. Siguro naman these will be enough. I paid for it and returned to where I left my fam. Malapit na sana ako sa entrance ng palaruan nung may mahagip ang dalawa kong mata. Isang larawan ng masayang pamilya.


TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon