Kabanata 2

35 3 7
                                    


Umuwi akong gulong-gulo. Dapat ba hinabol ko siya? Kung hinabol ko nga, nasa tamang katinuan ba ako para mag-usap kami? Paano kung magtanong siya? Maghanap ng rason? Handa na ba akong sagutin siya?



"This is driving me crazy," hindi ko alam ang gagawin. Should I ask Liah for his whereabouts?



Pag-uwi ko ay wala pa ang pinsan ko kaya nagpasya akong magpalit muna ng pantulog. I took a half bath dahil nainitan ako. Sakto naman paglabas ko sa banyo ay nandoon na din si Liah at nagtatanggal ng kolorete sa mukha. 



"How did your dinner went?" I asked, curious about what happened to her dinner. 



"Fine. You?" kinuwento ko sa kanya ang nangyari kasama ang hindi inaasahang pagkikita namin ni Israel. Oh, wait. I don't know. Did he saw me too? Or I just assume?



"Wow. What are your plans? Mukhang tadhana na ata ang gumawa ng paraan para sa inyo." 



"I really don't know. Of course, I want to talk to him. But I don't know how and I'm not sure if it's okay with him. Marami na ang nagbago sa nakalipas na taon. We're not the same anymore you know. We mature and what if our differences grew bigger? Baka mapahiya ako," I answered her truthfully. Ang dami kong gustong gawin pero madami din ang dahilan na pumipigil saakin.


"Just try, cous. By the way, he's working as an Accountant sa Accounting Department ng Court of Appeals," so tumuloy pala siya sa government. Pupuntahan ko ba siya bukas? Babiyahe ako? 'Eh kung busy siya, edi nganga na ako? I'm torn.



Hanggang sa humiga kami ay hindi maalis sa isipan ko kung anong hakbang ang gagawin. Ano ba. Ba't ba gulong-gulo ako? Puro tanong na 'tong isip ko. Bahala na nga bukas. 



I woke up early na mukhang sabog dahil hindi naging mahimbing ang tulog. Paputol-putol ba naman. "What happened to you, Keesh?" 



Oh, even Tita notices my puffy face. Do I really look horrible? Nakakainis naman kasi. He kept me awake again. 



"I'm fine, Tita. Hindi lang ako nakatulog ng maayos," may gumambala ho kasi sa isipan ko. Gusto ko sana ituloy kaso baka tadtarin nila ako ng tanong. 



Buong araw akong tambay sa bahay. Umalis si Liah para kunin ang card niya samantalang pumasok naman si Tita sa opisina. Naiwan tuloy kami ni Nanay kaso busy din, busy manood ng Kdrama. I tried calling Dimple out of boredom pero hindi niya nasagot. It's either dagsa ang tao sa shop o kasama na naman ang boyfriend niya. Kaya ito ako ngayon, nakahiga at paikot-ikot sa kama. Nangalikot na nga ako sa kusina nila para sana magluto ng pasta kaso kulang 'yung ingredients for Pesto. Though, I can go to mall but I am too lazy to even take a bath.



Ano na, Akeesha. Hihiga na lang tayo? Gusto ko na lang tuloy umidlip.



"Keesh," and there I saw my cousin holding a Mcdo paper bag. Nag-abala pa 'tong babae na 'to. Nagpasalamat ako bago kinuha sa kanya 'yung paper bag. Nang silipin ko ang laman nakita ko ang box ng nuggets at big mac. Hindi lang 'yon may bff fries pa.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon