Chapter 8: Wrong Thought

68 5 3
                                    

Half-day lang ang klase sa Dalton University dahil sa faculty meeting ng mga guro. Masaya si Dranreb dahil may oras pa siya para makipagkita sa kaniyang kapatid. Binisita niya ang kakambal na si Garrett sa Knights University kung saan ito nag-aaral. Samantala, nauna nang nakauwi sa kanilang mansyon si Steph. Nadatnan ng dalaga ang kaniyang amang si Arthur na hindi man lang siya nakuhang kamustahin dahil sa kausap sa telepono. Mula nang mamatay ang ina ni Steph, pakiramdam niya ay marami nang nagbago sa samahan nilang mag-ama. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit namatay ang ina niya. Nadatnan siya nito na binubulyawan ang ateng si Kiana kaya inatake ito sa puso. At mula rin nang araw na nangyari iyon, nag-iba na ang samahan nila ng kaniyang ama. Nang mapansin ni Steph na wala nang kausap sa telepono ang ama ay lumapit siya dito at nagsalita, "Dad, kasama po ako sa top 10 ng first sem sa room and this coming Friday na po ang recognition. Kaya sana po makarating kayo!" Ngumiti lamang ang daddy niya sa kaniya. Ganoon lang palagi ito tuwing may achievement siyang nagagawa sa school. Pakiramdam niya tuoy ay wala itong halaga sa ama dahil wala siyang naririnig kahit isang papuri man lang buhat dito.

Kinabukasan, habang nagkaklase ay nagulat na lamang si Steph nang ipatawag siya sa Principal's Office. Kinakabahan siya nang mga oras na iyon sa 'di malamang dahilan. Pagdating sa office ay nabigla na lamang siya nang yakapin siya ng school principal nila habang umiiyak. "Bakit po kayo umiiyak?" tanong niya. "Iha, ang daddy mo nasa ospital. Naaksidente siya. Bigla kasing nawalan ng preno ang sinasakyan niyang kotse. Dead on arrival daw!" malungkot na pahayag ng principal. Bigla na lamang tumulo ang mga luha ni Steph sa narinig.

Pagdating nina Steph at Dranreb sa ospital ay naabutan nilang umiiyak si Teresa. Inabot nito sa dalaga ang mga gamit ni Arthur. Lumabas muna si Steph sa emergency room dahil hindi niya kayang tingnan ang bangkay ng ama. Tulala siyang naupo sa nakitang bakanteng upuan. Naisipan niyang tingnan ang mga gamit na iniabot kanina sa kaniya. May nakita siyang papel na nakaipit sa bag ng daddy niya. Out of curiosity, binuksan niya ito. Nagulat pa siya nang mabasang sulat iyon ng daddy niya para sa kaniya:

Dearest Princess Stephanie,

Anak, hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit ko ginagawa ang sulat na ito. Parang may nagtulak sa akin, siguro dahil na rin sa nakikita kong ginagawa mo sa sarili mo. Alam kong wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Marami akong pagkukulang sa 'yo at hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo. Noong minsan kasing gusto kitang kausapin, bigla ka na lang umiwas sa akin na para bang ayaw mo akong makausap. Nasaktan ako lalo na at mas napansin kong naging mailap ka sa akin simula nang mamatay ang mommy mo. Hindi naman kita ma-confront dahil sabi ng doktor ay maaaring dumaranas ka pa ng shock dahil sa pangyayari. Kaya naman hindi kita makompronta kahit noong 'di ka man lang tumawag o nag-text para magpaalam na meron kayong group study. Hindi ako mapakali dahil 'di ka umuwi nang gabing iyon. Mabuti na lang at naisipan kong tawagan ang magulang ng isa sa mga classmate mo. Kaya't napanatag ang loob ko nang malaman kong doon kayo natulog nang gabing iyon. Anak, 'di ko rin matanggap na natuto kang uminom ng alak, lalo na tuwing uuwi kang lasing, pero naisip kong doon mo inilalabas ang mga sama ng loob mo sa akin kaya hinayaan na lamang kita. Mas lalo tuloy akong na-guilty sa pagkamatay ng mommy mo. Kung naging mabuting ama sana ako sa inyo ni Kiana ay hindi sana namatay ang mommy ninyo. Kung ako na lamang sana ang namatay at hindi ang mommy mo, siguro maayos ang kalagayan mo ngayon. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat...

Napahinto si Steph sa pagbabasa dahil hilam na siya ng mga luha niya. Nagsisikip ang dibdib niya sa mga nababasa. Ang akala niya ay hindi siya mahalaga sa daddy niya. Akalang gusto niyang pagsisihan. At lalo pa siyang napaiyak sa nabasa niyang inakala niyang hindi nararamdaman ng daddy niya sa kaniya, "Anak, I'm sorry sa mga pagkukulang ko. Sana kapag nabasa mo ito ay maging maayos na ang lahat sa atin. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita!"

Nadatnan ni Dranreb ang labis na pagdadalamhati ni Steph. Gusto niya sana itong kausapin ngunit mukhang hindi pa ito handang makipag-usap kahit kanino. Lumapit na lang siya dito at niyakap ito nang mahigpit. Kahit napapaos na sa paghagulgol ay nagsalita pa rin si Steph, "Yung ama na palaging nand'yan para pasayahin ako, nand'yan para tanggapin ang kamalditahan ko, nand'yan para maging sandalan ko kapag parang galit na sa akin ang mundo, siya yung tipo na kahit binabalewala ko minamahal pa rin ako. Siya yung tipo ng ama na kahit hindi ko kinakausap ay handa pa ring intindihin at alagaan ako. Yung amang kahit na ang dami kong kalokohang pinaggagagawa ay minamahal pa rin ako. Siya yung amang nagmamahal sa akin at naghihintay na maglambing ako. Oo, naging magkalayo ang loob namin, pero hindi ko alam na sa sobrang pagmamahal niya sa akin ay nakalimutan na niya kung paano mahalin ang sarili niya. Gumagawa siya ng paraan para magkasama kami pero ako, ako mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi kami magkita o magkausap! Dad, sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ko!"

My POOReverWhere stories live. Discover now