Chapter 9: Foul Play

72 4 5
                                    

"Laban lang! Ayokong makitang ganyan ka. Iba ang kilala kong Steph, matapang at walang inuurungan. Please, lumabas ka na d'yan sa kwarto mo!" wika ni Dranreb na kanina pa kumakatok sa pinto ng kwarto ni Steph. "Hayaan mo muna 'kong mapag-isa!" pasigaw na tugon ng dalaga. "Pero bukas na ililibing ang daddy mo!" sambit ng binata. Saglit na namayani ang katahimikan at muli na namang nagsalita si Dranreb, "Kung nasaan man ang daddy mo, ayaw niyang makitang nagkakaganyan ka. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kakampi, ng makakausap at ng maiiyakan!" Nabigla ang binata nang binuksan ni Steph ang pinto na kanina niya pa kinakatok. Niyakap siya ng dalaga at nagwika, "Salamat kasi hindi mo hinahayaang makalimutan kita. Salamat kasi pinagtyatyagaan mo ang mga sumpong ko. Salamat kasi hindi mo ako sinusukuan. Salamat kasi mahal mo ako!" Sumagot nang malumanay ang binata, "The more you push me away from you, the more I chase you. Do you see the irony of how I love you? It's not being stupid because I'm just showing you how important you are to me. I don't easily lose hope. I am fighting for you, to stay, to love me too!" Labis na ikinagulat ni Steph ang pagsasalita ni Dranreb gamit ang wikang Ingles. Hindi niya tuloy napigilan ang pagngiti. "Ayan! Napangiti na rin kita sa wakas!" masayang pahayag ng lalaki. "Sino ba naman ang hindi mapapangiti? Ngayon lang kaya kita narinig magsalita nang hindi wrong grammar!" tumatawang sagot ng babae. "Asan ka kagabi?" tanong ni Dranreb. "Common sense naman! 'Di ba nagkulong lang ako sa kwarto ko? Gusto mo bang tawagin ulit kitang Poor Idiot?" sagot ni Steph. "Nasa kwarto ka lang? Weh? 'Di nga?" wika ng binata. "Oo nga! Bakit ayaw mong maniwala?" naaasar na turan ng dalaga. "Kasi hindi kita makita sa panaginip ko!" nakangiting sagot ni Dranreb. "Dinadaan mo na naman ako sa pick-up lines mo!" sambit ni Steph.

Nagtungo sina Dranreb at Steph sa Our Lady of Fatima Chapel kung saan nakaburol si Don Arthur Perucho. Nadatnan nila si Kiana na nakaupo sa tabi ng kabaong ng yumaong ama. Tumayo ito nang makita sila. Dali-dali itong lumapit sa kanila at malakas na nagsalita, "Masaya ka na ba, My Dearest Sister? Wala nang kokontra sa pagmamahalan ninyo! Namatay si Dad dahil nalaman niyang magkarelasyon kayo ng stepbrother natin. Nakakahiya ka!" Lahat ng mga tao sa loob ng chapel ay nakatingin sa kanila. Hindi pa ito nakuntento sa pamamahiya sa kapatid. Nakuha pa nitong haltakin ang buhok ni Steph. Pinilit naman ni Dranreb na protektahan ang nobya. Napaluha na lang si Steph sa ginawa ng kaniyang ate. Hindi na siya nakapagsalita dahil sa labis na kahihiyan. "Alam mo Kiana, mas nakakahiya ang ginawa mo sa kapatid mo! Talagang ipinakita mo pa sa maraming tao ang kagaspangan ng ugali mo!" galit na wika ni Dranreb kay Kiana. Lumapit naman si Teresa kina Dranreb at Steph upang ayain ang mga itong umuwi muna sa mansyon. "Magsama-sama kayong mga hampaslupa!" sigaw ni Kiana sa kanila. Gusto pa sanang ipagtanggol ni Dranreb si Steph kaso ay nagpumilit si Teresa na umalis muna sila sa chapel.

Kinagabihan, sinamahan muna ni Dranreb si Steph sa veranda ng mansyon upang ito'y mahimasmasan hanggang sa magdesisyon na itong matulog sa kwarto. Nagtungo na rin sa kaniyang kwarto ang binata at dinatnan niya roon si Kiana na mukhang naghihintay sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" bungad niya. "Gusto ko lang sanang mag-sorry sa 'yo kasi nadamay ka pa sa galit ko kay Steph!" pahayag ni Kiana. "Hindi ka dapat sa 'kin mag-sorry! Ipinahiya mo ang kapatid mo!" nakasimangot na tugon ng binata. Tumayo ang dalaga malapit kay Dranreb. Nagulat ang binata sa sumunod na ginawa ng babae. Bigla siyang niyakap nito. Pilit niyang inalis ang mga bisig ng babae na nakakapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo? Kung ginagawa mo lang 'to para bwisitin ang kapatid mo, hindi ka nakakatuwa!" sigaw ni Dranreb. Naupo si Kiana sa kama at nagsalita, "Gusto kita, hindi dahil sa gwapo ka, hindi rin dahil sa maraming nagkakagusto sa 'yo at nakikiuso lang ako sa kanila. Gusto kita dahil mabait ka, mabuti kang tao. Nakikita ko 'yon, nararamdaman ko. Masipag ka, thoughtful, caring, sweet. Ikaw yung lalakeng marunong ng mga gawaing-bahay kaya medyo nakakatuwa. Maasikaso ka, magaling makisama at super friendly. Hahaha... Nakakakilig ka. Ang swerte ni Steph sa 'yo. Yun lang, crush lang talaga kita. Kasi parang mas gugustuhin ko pang friends tayo, at least hindi ako naiilang sa 'yo. Walang nakakaalam nito. Ayoko rin kasi ng gulo, lalo na't pinagseselosan ako ng gf mo. Crush lang naman kita eh, 'yon lang. Wala kang dapat ipag-alala." Nakangising sumagot si Dranreb, "Ang dami mo pang sinabi eh wala naman akong pakialam sa lahat ng sasabihin mo!" Bigla na lang hinatak ni Kiana ang kamay ng binata, dahilan upang madaganan siya nito sa kama. Sakto namang pagpasok ni Steph sa kwarto ni Dranreb. Nang makita ni Kiana si Steph ay hinalikan niya agad si Dranreb. "Mga walanghiya kayo!" sigaw ni Steph. Mabilis na bumangon si Dranreb at nagwika, "Steph, magpapaliwanag ako!" Mabilis na lumabas sa kwarto si Steph at hindi na niya pinansin ang pagsunod ni Dranreb. Nagkulong muli sa kaniyang silid ang dalaga. Hindi na niya pinagbuksan ng pinto si Dranreb. Samantala, masayang-masaya naman si Kiana dahil nagtagumpay siya sa kaniyang planong sirain ang relasyon ng dalawa.

Nang gabi ring iyon ay nagtungo si Kiana sa kwarto ng katulong na si Karen Manahan. "Anak, kamusta naman ang acting mo kanina? Mala-Julia Montes ba?" tanong ni Karen. "Syempre naman, Mama! Sa tingin ko, malapit nang mapunta sa atin ang lahat ng kayamanan ng mga Perucho!" sagot ni Kiana. "Manang-mana ka talaga sa 'kin! Buti na lang hindi ka nagaya sa katangahan ng mga umampon sa 'yo!" masayang pahayag ng katulong. "Paano po kung mapatunayan nina Teresa, Steph at Dranreb na may foul play sa pagkamatay ni Dad? Paano kung malaman nila na sinadya ninyo ni Papa na alisin ang preno ng kotse ni Dad?" nangangambang wika ni Kiana. Dumating naman ang bodyguard ni Arthur na si Benito at nagsalita, "Mamamatay muna sila bago nila malaman 'yon!" Sabay-sabay silang nagtawanan.

Kinabukasan ay araw na ng libing ni Don Arthur Perucho. Kinausap ni Yaya Rina si Steph upang makita man lang nito kahit sa huling pagkakataon ang ama. "Hindi ko kayang makitang inihahatid sa huling hantungan si Dad! At hindi ko rin kayang makita sina Dranreb at Ate Kiana!" malungkot na pahayag ng dalaga. Niyakap ni Yaya Rina si Steph sabay sabing, "Anak ka ni Don Arthur at ikaw ang dapat na nandoon sa libing niya! Kung naiinis ka naman sa dalawa, ipakita mo sa kanila na 'di ka apektado para sila ang masaktan!"

Dumalo nga sa libing si Steph pero 'di pa rin naiwasan ang awkward moments na kasama sina Kiana at Dranreb. Pilit niyang iniwasan ang dalawa, ni hindi niya kinausap man lang. Nang matapos ang libing ay nagpaiwan muna siya sa tabi ng puntod ng kaniyang ama. Nais niyang sumigaw dahil sa galit niya sa mundo. Nais niyang humagulgol nang humagulgol kaso ubos na ang kaniyang lakas sa pagdadalamhati nang isang linggo na sinabayan pa ng mga tagpo sa kwarto ni Dranreb na kinainisan niya nang sobra.

Samantala, si Dranreb naman ay humingi ng payo sa matalinong kaibigan na si Erick. Nagbigay ng mga payo si Erick, "Kapag nag-walk out siya, habulin mo. Kapag tinitingnan niya lips mo, halikan mo. Kapag tinulak ka niya, yakapin mo at 'wag kang bibitaw. Kapag sinumpa ka niya, halikan mo at sabihin mong mahal na mahal mo siya. Kapag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya. Kapag nakikita mo siyang pagod na pagod, sabihin mo sa kaniya na maganda siya. Kapag umiiyak siya, 'wag kang magsasalita at yakapin mo lang siya nang mahigpit. Kapag nakikita mo siyang naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo siya sa likod. Kapag natatakot siya, protektahan mo. Kapag sinandal niya ang ulo niya sa balikat mo, itaas mo ang ulo niya at i-kiss mo siya sa ilong. Kapag inaasar ka niya, asarin mo rin siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon. Kapag kinakausap mo siya at matagal siyang sumagot, siguraduhin mong ayos lang siya. Kapag tiningnan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sa kanya ang totoo at 'wag na 'wag kang magsisinungaling. Kapag sinabi niyang mahal ka niya, nagsasabi siya nang totoo at galing sa puso niya. Kapag kinuha niya ang kamay mo, hawakan mo rin ang kamay niya. Kapag nagsabi siya sa 'yo ng sikreto, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya na 'wag mong sasabihin kahit kanino. Kapag tiningnan ka niya sa mata, 'wag kang lilingon hangga't hindi siya lumilingon. Kapag nami-miss ka niya nang sobra, nasasaktan siya kaya iparamdam mo sa kanya na kahit 'di kayo magkasama ay siya pa rin ang laman ng isip at puso mo. Kapag nasaktan mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Kapag sinabi niyang ayaw na niya, gusto ka pa rin niyang maging sa kanya. Tawagan mo siya bago ka matulog at paggising mo. 'Wag kang matutulog hangga't hindi siya nakakatulog lalo na kapag may sakit siya. Panoorin n'yo ang paborito niyang movie kahit na ayaw mo. Hayaan mong suotin niya ang damit mo. Patunayan mong importante siya sa 'yo. Halikan mo siya sa ulan. At higit sa lahat, 'wag na 'wag kang magsasawa sa kanya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang parang prinsipe niya." Napanganga na lang si Dranreb sa dami ng sinabi ng kaibigan. "Humingi lang ako ng payo sa 'yo pero ang dami mo nang sinabi!" wika ni Dranreb. "That's what friends are for!" turan ni Erick. "Pare, maraming salamat! Na-appreciate ko from the bottom of my small intestine!" biro ni Dranreb sa kaibigan.

Hindi na napigilan ni Dranreb ang kaniyang sarili kaya nilapitan niya na si Steph na mukhang nagmumukmok sa tabi ng puntod ni Arthur. "Wala kang dapat ipaliwanag sa 'kin! Nahuli ko kayo!" bungad ni Steph. "Hayaan mo akong magpaliwanag. Kilala mo ako at kilala mo rin ang kapatid mo. Hindi ka dapat magselos. Sinadya kang asarin ng kapatid mo!" paliwanag ni Dranreb. "At nagpagamit ka naman? Ayokong makipaglokohan ngayon! Hindi ako nagseselos!" galit na sagot ng dalaga. Muling nagpaliwanag ang binata, "Selos? Ang selos na minsan sumisira sa relasyon ng magkarelasyon. Selos na minsan hindi mo makontrol kapag nararamdaman mo ito. Gusto mong mang-away, gusto mong sumigaw, gusto mong umiyak o hindi kaya, gusto mo na lang manahimik. Kung nagselos ka kasi may kahalikan akong iba, pag-usapan natin, iklaro mo yung mga bagay-bagay na pwede namang pag-usapan. Hindi yung aalis ka na lang d'yan at magagalit habang hindi naman inaalam ang dahilan!" Lumakad na lang palayo kay Dranreb si Steph. Gusto muna niyang mapag-isa dahil alam niya sa sarili niya na hindi ganoon kadaling umasa na muling babalik ang lahat sa dati.

My POOReverWhere stories live. Discover now