Chapter 10: Secret Plan

75 4 5
                                    

"Nagmahal. Nasaktan. Nag-focus sa pag-aaral. Ganyan ka na Steph buhat nang mamatay ang tatay mo at lokohin ka ni Dranreb!" sambit ni Mildred sa kaibigang si Steph. "Nagmahal ng bakla. Nasaktan dahil nag-assume. Ngayon, nganga na lang! 'Yan ka Mildred!" bwelta ni Steph. "Luh, ang hard! Anong klase kang kaibigan? Basag na nga ang puso ko, dudurugin mo pa!" biro ni Mildred. "Ikaw nga ang nauna d'yan eh! Naka-move on na 'ko kaya 'wag mo na 'kong asarin. Okay? Nakakain na 'ko ng burger sa tabi ng salamin ng fastfood chain kaya siguradong tuloy pa rin ang awit ng buhay ko!" pahayag ni Steph. "Hindi mo sinabi sa 'kin na nahawa ka na sa pagiging overacting ko!" masayang reaksyon ni Midred. "Mamayang gabi na nga pala ang debut ko. Gusto mong ilibre kita ngayon sa tindahan ni Ate Lovi?" anyaya ni Steph. "Huh? Wala bang celebration sa inyo mamayang gabi? Ikaw pa naman ang pinakamayaman sa ating magkakaklase. I'm expecting na kabog na kabog at palong-palo ang debut mo. Anyare?!" pagtataka ni Mildred. "Alam mo namang two weeks pa lang ang nakakalipas mula nang ilibing si Dad. Sa tingin mo, madali para sa akin na sumayaw sa debut na wala ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko?" malungkot na turan ni Steph. "Oo nga. Isa pa, baka manggulo ang santa-santita mong kapatid na hindi man lang nabigyan ng mana ng daddy mo!" wika ni Mildred. "Siguro, alam talaga ni Dad na maldita si Ate. Umasa pa naman si Ate Kiana nang sobra dahil buong akala niya ay sa kanya lahat ng mana. Yun pala, magkahati kami ni Tita Teresa sa ari-arian ni Dad. 'Yan ba ang tinatawag na karma?" sambit ni Steph. "Hala ka! Lumalabas na naman ang sungay mo. Frennie, 'wag ganun! Don't celebrate the failure of others!" payo ni Mildred. "Okay! Fine! Whatever!" tugon ni Steph. Maya-maya ay naglapitan na kay Steph ang kaniyang mga kaklase upang siya ay batiin. Nagtaka ang dalaga kung bakit absent si Dranreb gayong masigla ito nang makita niyang nagdidilig sa kanilang hardin. "Mildz, bakit wala si Dranreb?" bulong niya sa kaniyang kaibigan. "Frennie, kokoranahan kita bilang Stalker ng Taon! Gusto mo ba?!" pang-aasar ni Mildred. Nanahimik na lang si Steph. Napalingon siya sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. "Happy birthday! Sana masaya ka na!" bungad ni Jayvee. "Masarap din palang maramdamang hindi na kita mahal. Pakiramdam ko malaya na ako!" nakangiting tugon ni Steph. "Nga pala, may gustong makipagkaibigan sa 'yo!" wika ni Jayvee na lumihis upang makita ni Steph ang nasa likod niya na si Trisha. "Pwede ba tayong maging magkaibigan?" tanong ni Trisha. "Oo naman. Matagal ko nang gustong maging close tayo!" masayang sagot ni Steph sabay yakap kay Trisha. Pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang pait sa kaniyang pagkatao. Ang kaniyang matigas na puso ay malapit nang lumambot pero nais niya pa ring ipakita na hindi siya mahinang babae. Sinasabi ng utak niya na tama na ang pagpapanggap na isa siyang maldita pero iba ang dinidikta ng kaniyang puso. Minsan, kahit ilang beses pang sabihin ng utak mo na tama na, pilit pa rin sinasabi ng puso mong konting tiis pa.

Lingid sa kaalaman ni Steph ay nagplano pala ng malaking sorpresa para sa kaniya si Dranreb na lumiban muna sa klase. Kakuntsaba rin ng binata sina Teresa, Yaya Rina at ilang estudyante ng Dalton University. Buti na lang ay naisipan ni Kiana at ng iba pang kasambahay na magbakasyon sa Baler. Wala tuloy panggulo.

Kinagabihan, matutulog na sana si Steph pero naingayan siya sa mga taong nangangaroling sa labas ng kanilang mansyon. Nagtaka siya kung paano nakapasok ang mga iyon sa gate nila gayong mahigpit na nagbabantay ang guard na si Mang Ruben. Napilitan tuloy siyang lumabas hanggang makalapit siya sa mga nangangaroling na pawang mga nakamaskara. "October pa lang po! Excited kayo sa Pasko!" sigaw niya. Nagtawanan lang ang mga taong nakamaskara at sinimulan siyang basain gamit ang water guns. Kitang-kita sa mukha ni Steph ang pagkaasar pero biglang lumapit sa kaniya ang isang babae at sinuotan siya ng isang pulang kapa at malaking korona. "Sa gabing ito, ikaw ang aming prinsesa. Isa kang palabang babae. Marami ang nanlalait sa 'yo at nagsasabing maldita ka. Pero sa mata ng mga taong tunay na nakakakilala sa 'yo, ikaw ay isang mabuting tao! Ikaw ay invictus, ibig sabihin ay undefeatable ka! Sana ay magustuhan mo ang oratorical speech ni Dranreb na Invictus ni William Ernest Henley!" pahayag ng babae. Lumiwanag ang buong paligid. Maraming nagliparang paruparo sa harap ni Steph. Maraming rosas ang nakapaikot sa kaniya. Pakiramdam niya ay nasa isang paraiso siya. Nagulat siya nang masaksihang ang kaninang mga nakamaskara ay sina Teresa, Yaya Rina, Mildred, Jayvee, Trisha, Homer, Erick, Aila, Gelo at hardinerong si Ronaldo. Nagmasid siya sa paligid upang hanapin si Dranreb at laking-gulat niya nang makitang nakaupo ito sa isang animo'y trono ng hari.

Sinimulan ni Dranreb ang pagbigkas sa paboritong tula ni Steph:

Out of the night that covers me

Black as the pit from pole to pole

I thank whatever gods may be

For my unconquerable soul

In the fell clutch of circumstance

I have not winced nor cried aloud

Under the bludgeonings of chance

My head is bloody, but unbowed

Beyond this place of wrath and tears

Looms but the Horror of the shade

And yet the menace of the years

Finds and shall find me unafraid

It matters not how strait the gate

How charged with punishments the scroll

I am the master of my fate

I am the captain of my soul

Napaluha na lang si Steph sa mga kaganapang hindi niya inasahang mangyayari. Maya-maya ay inakay siya nina Yaya Rina at Teresa palapit sa lalaking nakaupo sa animo'y trono ng hari. Pinaupo siya ni Dranreb sa trono upang suotan ng glass shoes na katulad ng kay Cinderella. "Hindi ka ba naiingayan?" bulong ni Dranreb kay Steph. "Bakit?" tanong ng dalaga. "Kasi maghapon ka ng isinisigaw ng puso ko!" sagot ng binata. "Hindi na kita babalikan!" sambit ni Steph sa lalaki. "Bakit?" pagtataka ni Dranreb. "Kasi hindi naman kita iiwan!" mabilis na sagot ng dalaga. "Kapag kasama kita, mayaman ako, kasi mahirap kapag wala ka!" muling banat ng binata. "Huwag ka ngang umasta na parang ang yaman-yaman mo, eh isa ka lang namang hamak na tambay dito sa puso ko!" masayang tugon ng dalaga.

Naging masaya ang gabi ni Steph. Hindi niya inakalang masosorpresa siya nang ganoon. Alam niyang nakamasid lang sa kaniya ang amang si Arthur, nakangiti at pumapalakpak sa labis na galak. Tumugtog ang kantang Dance With My Father. Halata sa mukha ni Steph ang pangungulila sa ama. Nabahala si Dranreb kaya't nagsalita siya, "Kung hindi ka makakilos, hubarin mo muna ang glass shoes at tapakan mo ang mga paa ko. Ako na ang bahalang magdala sa 'yo at handa rin akong dalhin lahat ng nagpapabigat sa kalooban mo. Mahal na mahal kita, aking prinsesa!" Sumagot naman si Steph, "Mahal na mahal din kita, aking prinsipe!" Napayakap sila sa isa't isa nang marinig ang awit na Dadalhin na pinasikat ni Regine Velasquez. Sumabay pa si Dranreb sa pagkanta sa first two lines ng kanta, "Ang pangarap ko'y nagmula sa 'yo. Sa 'yong ganda ang puso'y 'di makalimot."

Kinaumagahan, habang naglilinis sa Maid's Room ay natagpuan ni Yaya Rina ang isang liham ng katulong na si Karen. Na-curious si Rina na buksan ang liham dahil sa mga nakita niyang nakaipit na pictures ni Don Arturo Perucho at isang estranghera. Sinimulan ni Rina ang pagbabasa sa liham, "Emma, malapit ko nang maipaghiganti ang pagkamatay ng nanay natin. Napatay ko na ang half brother natin dahil inalis ko ang preno ng sasakyan niya. Ang tanga niya namang anak na panganay ay paniwalang-paniwala na anak ko siya. Buong akala ni Kiana ay ampon lang siya nina Arthur at Liza. Ang anak niya mismo ang sumisira sa pamilya nila..."

My POOReverWhere stories live. Discover now