~Part Eight~

625 18 0
                                    

Hershey Sky Pov,

Nandito ako ngayon sa parking lot waiting for cloud to be here. Napaka tagal naman kasi ng lalaking iyon!

"Sorry si mam kasi ang ligalig!" Sabi ni ulap pag dating nya pero sinamaan ko lang sya ng tingin

"Pangit mo!" Sabi ko at sumakay na sa kotse nya since binuksan naman nya ito. Kaso hindi parin sya nagalaw kaya naman tinignan ko sya at nakatitig lang sya sakin

"Problema mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya at isa pa medyo naiilang din ako sa titig nya

"W-wala!" Sabi nya at umikot na pakabila para nakasakay na at ako ito natatawa parang shunga naman kasi sya

"Paano mo nalaman bahay ko?" Sabi ko sa kanya ng mag umpisa na syang magmaneho ng kotse nya. Infairness sana all may kotse, well meron naman ako kaso tinatamad ako gamitin

"Malamang sinabi ni tita isip din langit!" Masungit na sabi nito kaya naman tinuktukan ko

"Aray! Inaano kita?" Sabi nito at saglit akong tinignan tapos ay binalik ang tingin sa kalsada baka daw kasi masagasaan kami at mauna pa syang mamatay sakin

"Nagtatanong ako ng maayos eh!" Naiinis na sabi ko at nakita ko naman toh na napa smirk

"Galit kana nyan?" Nang aasar pang tanong nya at tutuktukan ko sana uli ng umilag sya

"Oh oh hindi na hindi na lintek laging naka tuktok amp!" Sabi nya ng naiinis kaya natawa ako

"Tawa pa!" Inis na sabi nya kaya naman napangiti ako at tumitig sa kanya and there I saw how handsome he is. Well gwapo naman talaga sya his reddish lips, a handsome and perfect pointing nose and oh dont forget that white skin of him.

"Alam kong gwapo ako but not need to stare like that or kung gusto mo picturan mo nalang ako para mas matagal mong matitigan!" Sabi nito at tinignan ako saglit ng nakangiti kaya naman sinamaan ko sya ng tingin at tumingin na sa kalsada

"Gwapo daw mukha nga syang kulog!" Bulong ko at narinig ko naman na natawa ito

"Were here my sky!" Sabi nito sakin at ito na naman yung feeling na ambilis ng tibok ng puso ko at parang may kumikiliti na kung ano sa tyan ko

"Hoy ikaw nga ulap tawagin mo kong hershey hindi sky ok? Mas maganda yun!" Naiinis na sabi ko sa kanya habang nakahinto kami sa harap ng bahay namin

"Ayoko ikaw nga hinahayaan kong tawagin akong ulap kaya dapat may karapatan din akong tawagin kang sky o langit!" Sabi nito sakin at ngumiti, yung ngiting totoo at walang halong peke kaya naman napatulala ako. Shet bakit ang gwapo nya?

"Tsk, laway mo!"agad akong napahawak sa gilid ng labi ko at sinamaan ko sya ng tingin ng wala naman akong makapang basa

"Wala naman ahh grrr!" Sabi ko at pinaghahampas ko sya kaya naman tawang tawa sya habang sinasalo yung mga palo ko na natatanggap nya kahit kailan talaga itong taong toh wala ng nagawang matino sa buhay nya badtrip nakooo nakooo sya talaga ang mortal enemy ng buhay ko

"Hahaha ok ok stop stop tara na sa bahay nyo bumaba na tayo gusto ko rin makapasok sa bahay ng future ko!" Sabi nya at naunang bumaba at ako ito napatulala sa sinabi nya

Bahay ng future ko

Bahay ng future ko

Bahay ng future ko

Paulit ulit na nag echo sa isip ko yung sinabi nya at sa hindi malamang dahilan ay napahawak ako sa dibdib ko! Bakit ganto?. Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko at b-bakit parang umiinit yung magkabilang pisngi ko?

"Hoy baba na dyan sky masyado kang natuwa ah!" Bumalik sa pagiging kunot yung noo ko ng marinig ko ang boses ng hudas kaya agad akong bumaba at akmang hahampasin sya ng tumakbo sya papasok ng bahay kaya naman hinabol ko sya

"Ikaaaaaw papatayin kitaaaaa!!" Sigaw ko at naghabulan kami hanggang sa umakyat sya ng second floor kaya naman tumakbo din ako papaakyat at nakita ko na pumasok sya sa kwarto ko kaya hinabol ko sya hanggang dun at pagpasok ko nakita ko sya na nakangiti sakin kaya naman lalong sumama ang timpla ng mukha ko kaya nilock ko ang pinto at dinambahan ko sya

"Ikaw grrr!" Sabi ko at natumba naman sya sa kama ko kaya naman tatawa tawa sya kaya naman sinakyan ko sya at pinagsasabunutan

"A-aray aray tama na hahaha hindi na hindi na lintek a-aray!" Sabi nya kaya tinigilan ko na at boOm mukha ng pugad ng ibon ang itsura nya pero di parin ako naalis sa pagkakaibabaw sa kanya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin

"Gulo na ng buhok mo mas pangit kana sakin!" Pang aasar ko pero nakita ko na nakatitig lang ito sakin kaya naman nailang ako bigla

"T-titig na titig ka ano alam mo na ngayon na maganda ako?" Nang aasar na sabi ko sa kanya at bigla naman syang napangiti

"Hmmm ngayon ko lang napagtanto na mas pangit ka p-!" Di na nya natapos ang sasabihin nya ng sabunutan ko na sya bigla kaya ito tawang tawa na naman sya habang ako eh tuwang tuwa na sinasabunutan sya at dahil sa tawa nya nahawa din ako kakatawa

"Stop hahahaha masaya kana lintek ka baba dyan!"sabi nya pero di ko sya pinakinggan hanggang sa nakarinig kami ng nabasag na baso at pagtingin namin nakita namin ang nanlalaking mata ni mama at papa

"Jusmiyo mahabagin!" Agad akong lumayo kay ulap ng makita ko si mama at papa

"Di nyo naman sinabi na gagawan nyo na kami ng apo anak!" Sabi ni dad kaya naman sinamaan ko siya ng tingin

"Dad!" Naiinis na sabi ko kaya naman natawa sila pati si ulap narinig ko na tumawa kaya tinignan ko to at nakita ko na nakaupo na ito at inaayos ang buhok nya

"Ambigat mo amp!" Sabi nya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin at akma na naman kaming mag aaway ng magsalita si mom

"Tama nayan kayong dalawa mula pagkabata hanggang ngayon nagtatalo parin kayo bumaba na kayo at kumain muna, ijo dito kana rin muna maggabihan!" Sabi ni mama at umalis na sila ako naman eh napakunot ang noo

"Mula pagkabata?" Sabi ko at tumingin ako kay ulap nakita ko naman na napasmirk ito at ginulo buhok ko bago humakbang papalayo pero bago sya umalis at may sinabi muna sya sakin na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko

"Sana ay maalala mo na uli ako,sky mahal ko!" Sabi nito at tuluyan ng umalis sa kwarto ko at ako ito naiwan na namang nakatulala. Did I heard he said sky mahal ko? Tama ako diba?

"What the heck bakit ganto yung puso ko?" Naiusal ko nalang habang dinarama ang pagbilis ng tibok ng puso ko at sa hindi ko malaman na dahilan ay napangiti ako

"Ulap!" Naiusal ko nalang bago ako lumabas ng kwarto ko ng nakangiti. Mamaya na ako nagbibihis tinatamad pa ako! Kaya ang ginawa ko bumaba nalang ako at dumeretso ng kusina!

















A/N:
So ayun na ngaaaa chingu hahahaha kamusta ba?! Maganda po ba? Hahahahahaha hindi ko alam kung anong irereact nyo pero sana po nagustuhan nyo aheeee! Dont forget to click the vote and share botton chinggu and if you have something to say just comment it owoo. Goodluck readers Luv U mwah!!

Engaged With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon