Hershey Sky Pov,
Pagpasok ko ng room ay nakatingin agad sakin ang mga kaklase ko kaya naman ngumiti nalang ako at dere- deretsong naupo sa upuan ko.
"Oh anyare?! Ano daw kasalanan nyo ni pres?" Sabi agad ni xia pagka-upong pagka upo ko. Kaya naman napabuntong hininga ako at tinignan ko sila na parehong titig na titig sakin
"Wala sabi lang nila ikakasal kami ni ulap!" Bored na sabi ko sa kanila at tumingin uli ako sa harap na parang inaantok. Bat ganun parang napapagod na naman ako eh naglakad lang naman ako?!
"WHAT?!!" Halos atakihin ako sa puso sa gulat ng marinig ko ang sigaw ni xia at lyn kaya naman gulat na gulat akong napatingin sa kanila habang nakahawak sa dibdib ko, jusko kung pwede lang ako mamatay ay nangyari na
"A-ano bayun?" Nagugulat na sabi ko sa kanila at sila nakanganga lang sakin
"I-ikakasal k-ka kay p-pres?" Di makapaniwalang saad ni lyn kaya naman tumango ako
"H-how?" Naguguluhan na tanong ni xia and I was about to answer the question ng biglang tumunog ang studio namin na naka connect sa lahat ng bawat room dito
Ladies and gentlemen good morning everyone my name is risa elena holster and I know you know me and I want to announce properly that my daughter which is Hershey Sky Holster in Section A stem student and My future Son-In-Law in section B which is Cloud Kevin husher are Officially engaged to each other! Goodbyeee everyone goodluck on your school days I love you!!
Halos manlambot ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni mama sa studio kaya naman tumayo ako agad at lumabas ng room at saktong labas din ni ulap
"Seriously bakit kailangan iannounce?" Naiiritang sabi ko at nakita ko naman na nagsmirk ito at sumandal sa may pintuan nila
"Well thats good para wala nading umaligid sayo, ayoko ng may kaaway lagi tsk tsk!" Sabi nito ng nakangiting nakakaasar kaya naman tinarayan ko ito
"Bukas na pala tayo lilipat ng bahay so I fetch you tomorrow sky!" Sabi nito at tumalikod na kaya naman nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Parang huminto din yung mundo ko ng banggitin nya ang pangalawang pangalan ko
"V-vin!" Naiusal ko nalang at bigla nalang kumirot yung ulo ko kaya naman napahawak ako sa noo ko at biglang nanlambot yung tuhod ko kaya unti unti akong natumba hanggang sa may boses nalang akong biglang narinig
"Magpapakasal pa tayo ah pangako mo yan " rinig kong sabi ng batang lalake, sino yun? B-bakit b-bakit parang si vin yun?
"HERSHEY!" napamulat ako ng mata at agad akong tumingin sa sumigaw ng pangalan ko at saktong si lyn ang nakita ko at kita ko bigla ang takot sa mata nito kaya naman kumunot yung noo ko
"A-anong nangyare?" Naguguluhan na tanong ko dito at nakita ko ang ibang kaklase namin na nakatingin sakin
"What happen?" Napatingin ako sa nakahawak sakin. W-weyt paanong nangyari na nakatumba ako at salo salo ako ni ulap?
"A-anong nangyare?" Nanlalambot na sabi ko inayos naman muna ako ng pwesto ni ulap bali ini-upo nya ako at sinandal sa dibdib nya and Im comfortable with that kasi parang nanlalambot ako
"Lumabas kami at nakita nalang namin na bigla kang natumba and pagtingin namin wala kang malay then sakto lumabas si pres kaya naman sya na yung umasikaso sayo dito tas pinipilit ka namin gisingin kasi nagsasalita ka!" Explain ni lyn kaya naman napatitig ako sa kanya at bigla nalang nagsimulang mag unahan yung luha ko sa pagtulo
"Si v-vin I s-saw him!" Sabi ko at nakita ko naman na napa amang ang bibig nito
"Hush shhh andito lang ako!" Sabi ni ulap at bigla nalang nya akong niyakap kaya naman mas napaiyak ako at yun ay hindi ko alam kung bakit! Parang namiss ko bigla ng sobra si vin
"Tara na pasok muna tayo sa loob!" Sabi ni xia kaya naman tumango ako at tatayo na sana ako ng maunahan ako ni ulap at nagulat ako ng bigla nya akong binuhat
"O-oyy ok na a-ako!" Sabi ko dito ng nahihiya pero nakita ko naman na nakatitig lang ito sakin
"I will take care of you ok? Tinakot mo ko kanina ng sobra sky and thats the second time na tinakot mo ko!" Sabi nya sakin ng mahinahon at parang ingat na ingat kaya naman hindi na ako nagsalita at pumasok nalang kami sa room ko at inuupo nya ako ng maayos sa may upuan ko. Napansin ko naman ang pagiging tahimik ng mga kaklase ko kaya naman tinignan ko sila and they all busy again
"Are you sure ok kana? O dadalhin na kita sa hospital?" Napatingin ako kay ulap at nakita ko naman na nakatitig ito sakin at sinusuri ang bawat kilos ko
"Im fine hush sorry nag alala ka!" Sabi ko dito at bigla naman itong napabuga ng hangin
"Mag iingat ka kasi aish pangit kana nga papangit kapa!" Sabi bigla nito at yung parang lambot ng puso ko kanina ay nawasak at tinignan ito ng masama
"Ikaw ang ganda ganda ko sabi ng lahat tapos pagdating sayo pangit? Bulag kaba?" Sabi ko ng naiinis sa kanya habang hinahampas kaya naman natawa nalang sya bigla
"O-ouch ok ok fine hahaha hindi na sorry na!" Sabi nito habang sinasalag yung palo ko kaya naman tinigilan ko na at napapagod na ako pero masama parin ang tingin ko sa kanya pero ang kumag ngumiti lang sakin
"Ihahatid na kita sa bahay nyo mamaya langit!" Sabi nya sakin kaya naman napakunot noo ako
"Saan mo naman napulot yang langit nayan?" Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya
"Sa name mo na sky hahaha ang ganda langit nalang!" Sabi nya kaya naman napabusangot ako, ampangit kaya
"Ampangit kaya!" Nagrereklamong sabi ko kaya naman lumaki mata nito na parang gulat na gulat. Kala mo naman talaga lalaki mata nya eh singkit sya
"Eh pangit karin naman ah? So its a tie!" Sabi nya kaya naman pinaghahampas ko uli
"Argh bwisit kang ulap kaaaa!" Nangigigil na sabi ko
"Ehem ehem!" Napatigil kami sa ginagawa namin ni ulap ng may biglang nag ehem at nakita ko naman na nakatingin lahat samin at may teacher na pala. Shet nakakahiya
"Baka naman mr.husher pls go back to your proper room na explain na sakin kanina ni ms.xia ang nangyari at mukhang ok naman na si mrs mo pwedeng mamaya na kayo maglambingan?" Sabi ni mam kaya naman napangiwi ako at tinignan ko si ulap at nakatitig lang ito. Ang cold naman
"Goodbye langit mamaya susunduin kita wag mong tangkain tumakas itatali talaga kita!" Pagbabanta nito sakin at tumayo na
"Opo na ulap lakad na lumayas kana shoo shoo!" Pagtataboy ko dito nag smirk naman ito at naglakad na papalabas ng room
"Sorry sa istorbo mam goodbye po!" Sabi ni ulap at tumungo naman ito bago sumagot and then umalis na kaya kami ito umayos narin ng upo dahil nag umpisa ng magturo ang teacher namin!!
A/N:
So ayun ngaaaa chingu! Hahahaha anyare kaya kay hershey? Bakit biglang ganun? What do you think chingu?oh well lets go for the next chaptie uwuu dont forget to click the vote and share bottom chingu and if something is wrong you can comment it then Ill responce about it! Luv you readers!
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy
Novela JuvenilNaranasan mo na bang ma engaged sa taong kinasusuklaman mo? Yung tipong mabait ka naman wala ka namang kasalanan pero bakit parang sinumpa ka? Yung sa dami dami ng magiging future hubby mo eh kaaway mo pa!! Yung hindi mo naman ginusto pero kailanga...