Hershey Sky Pov,
Nagising ako na masakit ang ulo. Shemay ano bang nangyari?
"Di naman ako nag iinom pero bakit parang feeling ko may hang over ako?" Medyo inis na sabi ko
*Tok* *tok*
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito at pumasok naman ito pagkakatok
"Mom!" Sabi ko and I smiled weakly
"Ok kana ba nak?" Tanong nito sakin pagkakalapit nya
"Not yet mom parang nanlalambot parin po ako pero kery naman!" Sabi ko at ngumiti ng pilit and she just smile back
"Mom ano pong nangyari kahapon?" Nagtatakang tanong ko dito at nakita ko naman na napakunot noo ito
"Wala ka ba talagang maalala?" Sabi nya kaya naman binalik ko yung nangyari kahapon well after ko mahimatay sa school ay sabay kaming umuwi ni ulap tapos may binanggit sya at yun ay halaaa, nanlaki ang mata ko na tumingin kay mommy
"Ano naalala mo na?" Sabi nya kaya naman tumango ako
"Mom bakit po ganun? Bakit may mga nabalik na ala-ala sakin ano po bang nangyari noon matapos ko gumising na nasa hospital ako?" Naguguluhang tanong ko at narinig ko naman na napabuntong hininga si mom
"Hindi pa kasi ito yung oras nak eh gusto namin unti-unti kang maka-alala lalo na sya!" Sabi nya at ngumiti sakin kaya lalo akong naguluhan
"Sya?" Sambit ko habang nakayuko at katabi si mom. Sino yun? Sino yung taong dapat maalala ko?
"Mom diba po ngayon kami lilipat ng bahay?" Pag iiba ko nalang ng topic, well maalala ko din naman iyon
"Yeah mag impake kana!" Sabi nya at ngumiti
"Si ulap po mom?" Tanong ko dito at nakita ko naman na ngumiti ito
"Nag lilipat bahay na nak!" Sabi ni mom. Eh? Ang aga pa ah
"Di naman excited yun mom ano? Ang aga pa po kasi!" Sabi ko dito at kumunot ang noo nito
"Tignan mo ang oras nak!" Sabi nito sakin kaya naman sinunod ko sya at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras
"Hala ala una na?" Nagugulat na sabi ko at narinig ko naman na tumawa si mommy kaya naman napasimangot ako
"Buti nalang di kami papasok ngayon shemay!" Sabi ko at napakagat labi ako
"Sige na mag impake kana at bumaba kana sa kusina para makakain kana pagkatapos ay tawagan mo si cloud kung sakaling tinatamad ka magmaneho ng sasakyan mo!" Sabi ni mom at tumayo na kaya naman ngumiti ako at tumango
"Ay ay captain!" Sabi ko at sumaludo pa kaya naman natawa si mom bago isara ang pinto ng kwarto ko
"Sooooo here we gooo tayo'y mag impake naaaa selp at titira kana kasama ang ashawa mo!" Pagkausap ko sa sarili ko kaya tumayo na ako at pumunta munang banyo para maghilamos at mag toothbrush
Pagkatapos kong maghilamos at toothbrush ay nag-umpisa na akong mag impake. Binuksan ko yung walk in closet ko pagkatapos ay nilabas ko ang dalawang maleta ko at kinuha ang mga damit na gusto kong dalhin.
Kailangan ko mag iwan ng gamit dito ayoko rin na iwan tong kwarto ko na ito kaso kailangan na dahil ako'y mag-aasawa na
"Seriously bakit ang aga kong mag asawa?" Tanong ko sa kawalan matapos kong masara ang unang maleta. I look at the side of my bed and there I saw my family picture smiled widely
*Tok* *tok*
Kalagitnaan ng pag iisip ko ng marinig kung may kumatok sa pinto ko!
"Pasok!" Sigaw ko at narinig ko naman na bumukas ito kaya't tumayo na ako at kumuha uli ng mga gamit ko. Mga damit syempre tulad ng dress, shirts, shorts, pants and ofcourse underwears.
"Are you done?" Napahinto ako sa pagkuha ng damit ng makarinig ako ng pamilyar na boses kung kaya't tinignan ko ito at nakakita ako ng ulap na malapit ng mapunta sa noo ang kilay sa sobrang taas
"Bulag kaba?" Sarcastic na tanong ko narinig ko naman ito na nag tss bago tuluyang pumasok at mahiga sa kama ko
"Ayt yes ang kapal ng mukha!" Sabi ko dito at namaywang sa harap nya kaya naman tinignan nya lang ako ng masama
"You love black huh!" Sabi nya bigla kaya sinuyod ko yung mata ko sa buong kwarto and yeah his right panay black nga naman kasi
"Well I love dark color but not in a dark places!" Sabi ko dito bago talikuran at kumuha uli ng mga gamit. Syempre hindi na damit iba namang gamit
"Why?" Tanong nya kaya kunot noo akong tumingin sakanya
"What?" Tanong ko dito ng nakakunot ang noo
"I mean you love black then why are you scared of dark places?" Tanong nito sakin kaya napabuntong hininga ako at umupo sa sahig bago kalikutin yung box na nakita ko sa ilalim ng damitan
"I dont know I just know!" Sabi ko dito at ngumiti naman ako kaya naman napatango sya
"How about you? Where are you scared of?" Tanong ko dito at nakita ko naman na napayuko ito at humawak sa baba kaya naman napatulala ako. He looks like a vin, I remember ganyan na ganyan si vin pag mag iisip ng isasagot sa tanong!
"I dont know maybe by loosing someone!" Sabi nya lang in a cold tone
"Lahat naman nasasaktan pag may nawalang tao shunga lang?" Tanong ko dito at sinamaan naman ako nito ng tingin
"Tapos kana ba? Ang daldal mo hindi kapa daw nakain sabi ni tita bilisan mo dyan at kumain kana muna bago tayo umalis!" Sabi nito sakin sa paraang yamot na yamot kaya naman napangisi ako
"Creepy mo hoy!" Sabi nito kaya natawa ako at nakita ko naman ang pag-ngiwi nito kaya naman tumayo na ako at baka masampal ko lang ito
"Ok na tapos na tara na nagugutom na ako baka ikaw pa ang sakmalin ko!" Naiinis na sabi ko at narinig ko naman na nag 'tss' ito bago kunin yung dalawang maleta ko at lumabas ng kwarto kaya ako ito dinala ko yunf dalawang back pak ko! Syempre may iba ding nakalagay dito yung maleta kasi damit lang itong back pack mga bagay- bagay na naandito sa kwarto ko.
Pagbaba ko ng hagdan dumeretso muna ako sa sala para ibaba yung bag pakatapos ay pumunta na akong kusina at nakita ko si ulap na nakain!
"Sila mom?" Tanong ko ng maabutan ko na parang sya lang ang tao
"Nung tinawagan nya ako ay nakaalis na sya kasama si tito tas si kuya nigel naman ay pumasok syempre!" Sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain kaya naman napangiwi ako. Parang mas gutom pa sakin toh ahh
"Gutom ka?" Tanong ko dito at sinamaan naman nya ako ng tingin kaya umupo nalang ako sa katapat nya at nag umpisa na ring kumain. Aba mahirap na pag nagkagera kami dito dapat malakas din ako
"Bilisan mo ng kumain pangit at aalis na tayo!" Sabi nito habang nanguya ako kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Opo na pangit karin!" Usal ko at kumain na habang pinapatay sya sa isipan ko. Jusko magka fiance ka nga naman ng siraulo!!!
A/N:
AyiEeee hahahahahaha so ayun ngaaa kamusta ba readers? Ok po ba? Hahahaha just comment if something is wrong! And dont forget to vote and share this story if you like it. Mwah Luv U readers!!
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy
Novela JuvenilNaranasan mo na bang ma engaged sa taong kinasusuklaman mo? Yung tipong mabait ka naman wala ka namang kasalanan pero bakit parang sinumpa ka? Yung sa dami dami ng magiging future hubby mo eh kaaway mo pa!! Yung hindi mo naman ginusto pero kailanga...