Cloud Kevin Pov,
Nandito na ako ngayon sa gym kasi naman nakakainis kahit kaming officer hindi nasabihan nung about sa sched ng PE namin tsk
Inaantay kong dumating ang section A dahil inaantay ko ang mahal ko mg biglang lumapit sakin si mitch
"Babe!" Sabi nito kaya naman inis ko syang tinignan
"Did I told you to stop calling me that? Nakakarindi!" Inis na sabi ko kaya naman napa pout ito
"Date tayo maya!" Biglang aya nito kaya mas napasimangot ang mukha ko
"Matagal na tayong tapos kaya tigilan mo na ako maawa ka sa sarili mo!" Sabi ko dito in a cold tone at kita ko naman ang iritasyon sa mukha nito
"Hindi ako papayag na dun kalang sa pipitsugin na gaya ni hershey mapunta hmp!" Sabi nito bago ako talikuran at pumunta sa mga kaibigan nya
Tss as if naman mapipigilan nya kami? Hell No matagal ko ng inantay na mapasakamay ko uli si sky mula bata kami hanggang ngayon alam ko na sya ang gusto ko at sya lang ang mamahalin ko wala ng iba
"Wohoooooo lakas mo mitch ikaw naa!" Napatingin ako dahil dun at nagulat ako ng makita kong hawak na ni mitch ang kamay ko at makalapat na ang labi namin, at dahil sa gulat ay hindi agad ako nakapag react
"Clouuuuuud tanginaaaaaaa kaaaaa!!" Shit, dahil dun sa sigaw nayun ay natauhan ako at agad kong hinanap ng mata yung sumigaw nayun at halos lumaki ang mata ko ng makita ko si sky
Kita ko sa mata nya ang sakit at gulat at damn halos gusto kong durugin ang mukha ni mitch dahil sa nangyari
Agad kong tinulak si mitch ng di inaalis ang tingin kay sky at nagmamakaawa ako na wag syang umalis
Pls sky let me explain!
Pero nung naglalakad na ako papunta sa kanya ay bigla syang humakbang paatras kaya naman nabigla ako at napahinto tinignan ko sya nang may pagmamakaawa at gusto kong patayin ang sarili ko ng makita ko syang umiling pagkatapos ay tinalikuran ako
"Damn sky!" Sigaw ko ng bigla itong tumakbo kaya agad ko syang sinundan kasunod ko din ang mga kaibigan nya
Paulit ulit ko syang tinawag ganun din ang mga kaibigan nya pero para syang bingi ni hindi sya lumingon o huminto
Hanggang sa nung nasa labas na kami ay nakita ko yung sasakyan na humaharurot papunta sa direksyon nya
"Skyyyyyy!" Sigaw ko pero huli na parang huminto yung mundo ko ng makita ko yung pagtalsik nya at pag- gulong-gulong nya
Dali dali akong pumunta sa kanya at agad ko syang inalalayan. Puno na ng dugo yung damit ko dahil sa kanya pero wala akong pake
"S-sky hon wake up pls s-sky parang awa mo na Im sorry!" Umiiyak na sabi ko at pilit syang ginigising pero hindi sya nagreresponse
"Tumawag kayo ng ambulansya bilisan nyo!" Sigaw ko at nakita ko naman na ginawa ito ng ilan
"S-sky pls wake Up baby honey pls wake up hon wag ganto! Mahal ko!" Sabi ko kasabay ng pag hagulgol ko at paghingi ko ng tawad sa kanya
Habang naiyak ako at yakap sya ay narinig ko na ang ambulansya at nakita ko naman na binaba na nila yung stroller nun para masakay na si sky
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan sila tita kahit na umiiyak parin ako, hawak hawak ng isang kamay ko yung kamay ni sky sa abulansya at yung isa ay sa cellphone ko
Makailang ring ay sinagot na ni tita yung telepono
"Oh ijo napatawag ka!" Sabi ni tita hindi pa man ako nakakapag salita ay napaiyak na ako
"Ijo anong nangyari bakit umiiyak ka?" Tanong ni tita sakin
"T-tita patawarin n-nyo po a-ako si s-sky po s-sinugod sa hospital n-nabangga po sya!" Hirap na hirap na sabi ko at hindi na ako nakarinig ng kahit anong sagot sa linya kaya binaba ko na. Mukhang alam na ni tita kung saan isusugod si sky
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa hospital agad syang binaba at pinasok sa hospital
Hawak hawak ko yung kamay nya habang dinadala sya sa kung saan hanggang sa bigla nalang akong pigilan ng mga nurse na pumasok
"Kailangan ako ng gf ko dun papasukin nyo ko!" Naghihysterical na sabi ko
"Sir bawal po talaga sila na po ang bahala kay ms. Holster mag intay nalang po kayo!" Sabi nung nurse kaya naman kumalma ako at umupo dun sa upuan na nasa tabi lang din
Tinignan ko yung sign sa labas at nakita ko na nasa Emergency Room pala kami
"Cloud ijo anak!" Agad akong napatayo ng marinig ko ang sigaw ni tita kaya dali dali akong sumalubong sa kanila pero isang suntok ang nagpabagsak sakin
"Nathan ano ba!" Saway ni tito sa kanya
"Gago ka may nabalitaan ako, gusto ko pang basagin yang mukha mo pero kailangan mong mag explain sakin dahil baka hindi kita matansya makalimutan ko pinagsamahan natin!" Malamig na sabi ni kuya nathan
"Hayaan muna natin mag explain ang bata nathan!" sabi ni tito kaya naman pinahidan ko yung dugo na nasa labi ko bago ako mag umpisang magkwento sa kanila ng totoong nangyari
At ng matapos ako mag kwento ay buong akala ko galit parin sila sakin pero hindi naman na.
"Hindi mo kasalanan yun ijo yung babae ang may kasalanan nun masyado syang obssess sayo!" Sabi ni tita kaya naman tumingin ako sa kanya ganun din kay tito at kuya nathan
"Patawad po talaga tita kasalanan ko rin naman po hindi ko sya naalagaan, a-alam ko pong galit kayo sakin k-kaya humihingi po ako ng tawad pero parang awa nyo na po w-wag nyo pong ilayo sakin si sky hindi ko po kakayanin kung magkakahiwalay uli kami!" Lumuluhang pakiusap ko sa kanila at naramdaman ko naman na niyakap ako ni tita
"Hindi kami galit sayo at hindi namin sya ilalayo sayo!" Sabi ni tita kaya naman yumakap ako pabalik at nagpasalamat sa kanila bago namin nakita na lumabas yung doctor na gumagamot kay sky
A/N:
Ohemgeeeee ano na kayang mangyayari! Hayst sana po nagugustuhan nyo pa keep reading guys Luv U mwah Keep safe!!
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy
Teen FictionNaranasan mo na bang ma engaged sa taong kinasusuklaman mo? Yung tipong mabait ka naman wala ka namang kasalanan pero bakit parang sinumpa ka? Yung sa dami dami ng magiging future hubby mo eh kaaway mo pa!! Yung hindi mo naman ginusto pero kailanga...