Hershey Sky Pov,
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, teka? Bakit panay puti? Nasa langit ba ako?
"Ulap!" Mahinang tawag ko at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto pero dun ko lang napansin na nasa hospital pala ako
"Buti naman at gising kana!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si ulap. Ngumiti sya sakin pero bakas ang lungkot sa mata nya
"A-anong nangyari?" Nanghihinang tanong ko dito
"Pumunta tayo sa mall kahapon remember? Kaso hinila mo ko dun sa isang shop na panay gown and then nagkukwento ako tapos maya maya nahimatay ka nalang kaya sinugod kita dito!" Mahabang paliwanag nya kaya naman pilit kong inalala yung nangyari kahapon
Yung boses kahapon unti unti ko ng naalala. Yung boses ni vin yung mga pangako nya at yung mga salita nya!
"I-ikaw y-yun?" Nagugulat na tanong ko habang nakatingin kay ulap. Hindi ako pwedeng magkamali sa kada may mababanggit sya na salita may mga ala-alang bumabalik sakin patungkol kay vin at kung hindi ako nagkakamali kung pagsasama samahin ko lahat yun napagtanto ko na si cloud at vin ay iisa! Pero bakit? Bakit nakalimutan ko yun?!
"Ang ano?" Naguguluhan na tanong nito
"I-ikaw si v-vin!" Sabi ko sa kanya at kita ko ang gulat sa mukha nya! Pinagkatitigan ko sya kung tutuusin hindi ko na maalala ang mukha ni vin pero lahat ng salita at pangako nya ay unti-unti kong naalala sa tulong ni ulap
"N-naalala mo n-na!" Utal utal na sabi nito at halata sa mukha nya ang saya
"Ang totoo hindi pa sadyang napagtanto ko lang na ikaw at si vin ay iisa! Pero bakit? Bakit kita nakalimutan? At bakit buhay ka? A-akala ko iniwan mo na ako? A-akala ko p-patay kana!" Sunod sunod ang patak ng luha ko habang sinasabi yun sa kanya at sa hindi malamang dahilan parang bumalik yung pangungulila ko kay vin yung mga bagay na dapat nagagawa na namin
"Shhh Im sorry pls let me explain!" Sabi nya pagkatapos ay niyakap nya ako
"The day after the incident diba nagpaalam ako sayo?! Umiyak ka pa nga eh kaya hirap ako na iwan ka kasi kahit ako umiyak din!" Panimula nito sa sasabihin nya. Nakatingin lang ako sa kanya at inaantay ang paliwanag nya
"I cant remember anything!" Malungkot na sabi ko at nakita ko naman ang sakit sa mata nya kaya maging ako ay nasasaktan! Bakit ganun? Bakit parang kasalanan ko na nakalimutan ko sya?
"After that we went to airport para makasakay na sa eroplano papuntang france but then in the middle of our flight something bad happen. Yung makina ng eroplano nagkaproblema hanggang sa yung isang pakpak ng eroplano ay nasunog at unti unti kaming bumagsak! Buti nalang sa dagat kaso nawalan parin ako ng malay nun!" Sabi nya kaya naman napahawak ako sa kamay nya ng madiin at mukhang napansin nya yun kaya naman ngumiti sya na parang sinasabing ok lang ang lahat
"Na comatose kami nila mom, sila tita ang umasikaso samin hanggang sa nagising si mommy at daddy but im still in a coma stage kaya nag antay pa sila para gumising ako hanggang sa after a year nagising din ako at binalak ko ng bumalik dito kaso huli na ang lahat!" Sabi nya sakin kaya naman tinignan ko sya at base sa nakikita ko, lungkot at pangungulila ito.
"Nung pagbalik ko sa inyo nakita na kita nung una akala ko kaya hindi mo ko pinapansin ay dahil galit ka pero hindi kinausap ko sila tita nun nagulat pa nga sila ng makita nila ako sa harap nila kasi ang alam nyo ay patay na kami gawa nga ng balita pero hindi nakaligtas kami at nagpapasalamat ako sa Diyos for my second life!" Huminto sya sa pagsasalita at tinitigan ako
"Hanggang sa inexplain nila tita sakin na, nung nabalitaan mong nawala na ako ay halos patayin mo na sarili mo! Lagi kang umiiyak tapos hindi ka narin makausap ng maayos at makakain ng ayos kaya ang ginawa nila pina psychiatrist ka at yung gamot ka iniinom mo noon ay nakakapagdulot ng stress reliever pero habang natagal yung mga bagay na gusto mong kalimutan ay mawawala at ang masakit dun isa ako sa mga taong nakalimutan mo. Oo nga at hindi mo nakalimutan ang mga ala ala mo sakin pero yung mukha ko at pagkatao ko nakalimutan mo!" Mahabang paliwanag sakin nito kaya naman naluha ako
"I-im s-sorry!" Mahinang hingi ko ng tawad dito kasabay ng paghikbi
"Shh hindi mo kasalanan ok? Kung tutuusin ako dapat ang humingi ng tawad sayo kasi nung pumasok ako sa school natin hanggang tingin lang ako sayo ni hindi ako nagpakilala at nagsungit pa nga ako tapos nag gf pa ng baliw!" Sabi nya kaya naman natawa ako kahit papaano at niyakap sya
"Im happy that you're alive!" Sabi ko at niyakap ko sya ng sobrang higpit
"Hindi ko man maalala ang nakaraan natin gamit ang isip ko tandaan mo naalala ka naman ng puso ko!" Sabi ko sa kanya habang titig na titig at kita ko naman ang saya at kislap sa mata nito
"I love you sky!" Sabi nito bago ako halikan sa labi and I kissed him back
"Ehem!" Agad kong naitulak si ulap nang makarinig ako ng pagtikhim at pagtingin ko nakita ko sila mom,dad,kuya,tito, tita, xia,lyn at boyfriend ng mga kaibigan ko
"Wala pang kasal ijo tinutuka mo na anak ko!" Sabi ni dad kaya naman pinamulahan ako ng mukha
"Im sorry tito natuwa lang po ako kasi finally akin na sya uli!" Sabi ni ulap habang nakatitig sakin kaya naman napangiti ako habang nakatitig din sa kanya
"Ohemgee congrats ijo anak mabuti naman kung ganun salamat at nagawa mo syang antayin!" Sabi ni mom sa kanya
"Wala po yun tita its all worth it!" Sabi nya kaya naman ngumiti ako at tumingin sa kanila. Nakita ko naman ang saya sa labi nila at kislap sa mata!
A/N;
YiEeee konting chapters nalaaaang ohemgeee matatapos na HAHAHAH goodluck readers sana po nagustuhan nyo keep safe pooo mwah!
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy
Novela JuvenilNaranasan mo na bang ma engaged sa taong kinasusuklaman mo? Yung tipong mabait ka naman wala ka namang kasalanan pero bakit parang sinumpa ka? Yung sa dami dami ng magiging future hubby mo eh kaaway mo pa!! Yung hindi mo naman ginusto pero kailanga...