CHAPTER 11

31 3 0
                                    

Yanna's POV

"Rhea! I missed you!" sabi ko habang naka-skype. Ganun pa rin naman siya, may nagbago lang sa kanya ng unti. Straight hair pa rin naman siya kaso nga lang may highlight na yung buhok niya, mukhang matured na rin siya.

"I missed you too, Yanna!" she said. "By the way, how are you?"

"Still moving on?" medyo patanong na sagot ko na dahilan para mapataas yung kilay niya.

"Oh bakit parang hindi ka sure?" Nakataas ang kilay na tanong nito, napa kibit balikat na lang ako.

"Nevermind, so ikaw?" sabi ko dito tska ngumiti.

"Anong ako?" kunot noo'ng tanong nito.

"I mean, ikaw kamusta ka?"

"Wala na akong gusto sa Bestfriend mo." napatingin ako sa kanya dahil doon. "May Ryan na ako eh." sagot niya at nag kibit balikat.

Bigla naman akong napabilang gamit ang mga daliri ko. "3 years of love?! Gosh, naka move on na din sa wakas!" sabi ko.

"Hindi ako kagaya mo, Yanna. Na ilang months hindi pa mawawala ang pagmamahal sa isang tao." sabi nito na dahilan para umirap ako. "Na ilang months rin, babalik yung nararamdaman mo. Wag mo kasing sabihin na wala na kung alam mong meron pa."

"Pfft, so Ano na?" tanong ko sa kanya. "Wala na talaga?" tanong ko na dahilan para tumango siya. "What?!" kawawang Kairon.

"Anyway," panimula niya. "Sabi sa akin ni Denzel boyfriend mo na daw si Jabez?" sabi nito at tumawa pa.

"Nag-uusap naman pala kayo ng kapatid ko," tumango siya. "So ayun, Hindi ko pa boyfriend si jabez. Palagi lang talaga kaming magkasama." sagot ko sa tanong niya.

"Pa?" patanong na sabi niya. "So may pag-asa." sabi niya na may unting manunukso.

"Shut up!" inis na sabi ko.

"Oh bakit inis ka?" humagalpak naman siya ng tawa. "Hindi mo pa boyfriend pero balak mong sagutin?"

"Oo nga, ang kulit!" sagot ko.

"So ayun na nga, nabalitaan mo na ba yung tungkol sa kanya?" pabitin na sabi niya.

"ANO?"

"Wala!" sabi nito at i-end na yung Skype.

Inis na napasambunot naman ako sa buhok ko. "Grrr, Rhea!! Kahit kailan talaga." inis na sigaw ko.

****

Two years na rin ang lumipas ng ligawan ako ni Jabez. Magkatabi kami ni Jabez habang nakaharap sa laptop ko, tumawag kasi sila Xaryan sa akin. Syempre nakikibalita.

"Hoy babae anong balita sayo? I mean sa inyo?" patanong na sigaw sa akin ni Kaellyn, ngumiti naman ako bago itinaas ang kamay naming naka-intertwined. Napa hawak naman si Xaryan sa bibig niya, animoy parang gulat na gulat ito. "OMG.. OMG... For Real?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumiti naman ako at tumango. "For Real." Nakangiting sabay na sabi namin ni Jabez.

"WAAHHHHH, masaya kaming lahat para sa inyo. Sa wakas!! Naging totoo na rin ang JabNa." kinikilig na sabi niya dahilan para matawa kami ni Jabez sa kanya.

"Baduy." pang-aasar ko sa kanya dahilan para matigilan ito at mapatingin sa akin.

"Anong baduy dun? Ang ganda kaya. JabNa Official Fan Page." sabi niya at nag crossed arms.

"Baduy mo!" asar sa kanya ni Jabez dahilan para samaan niya ito ng tingin.

"Che! Magsama kayo ni Yanna." sabi niya at sinamaan kami nang tingin, natawa naman kaming lahat sa kanya. Mahahalata mo talaga sa kanya na inis na inis siya.

When A Badboy Fall Inlove (Forever Series #2) EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon