Rhea's POV
"Comeback!" rinig kong sabi ni Yanna dahilan para lingunin namin siyang dalawa.
"What the f*ck, Yanna." rinig kong mura ni Kairon.
I rolled my eyes. "Asa!"
"Nako, kapag kayo nagkabalikan. Ewan ko na lang." rinig ko pang sabi niya.
"Pwede ba, Yanna? Stop it." inis na sabi ko.
"Tsk." singal ni Kairon.
Tumayo na ako at kinuha yung bag ko dahilan para mapatingin sila sa akin. "Aalis ka na?" He asked.
"Alangan." medyo pabara na sagot ko.
"Ihahatid na kita." rinig ko pang sabi niya.
"Ayieee... Magkakabalikan talaga kayo n'yan." asar ni Yanna dahilan para lingunin ko siya at samaan ng tingin.
I looked at Kairon. "Hindi na kailangan, Kaya ko na. Tska susunduin naman ako ni Ryan."
"Kayo na pala..." mahinang sabi niya dahilan para hindi ko masyadong marinig.
"Ano sabi mo?" I asked.
"Wala, ang sabi ko mag-ingat ka." sabi niya dahilan para hindi ko na lang isipin kung ano ba talaga yung sinabi niya.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa harapan ng Village nila Yanna. Doon ko kasi hihintayin si Ryan, ayaw kasi akong pauwiin na mag-isa. Akala mo bata ako na hindi alam kung saan yung uuwian. Ilang saglit lang akong nakatayo dito nang biglang may tumabi sa akin, hindi ko ito pinansin.
"Wala pa rin sundo mo?" rinig kong tanong ng isang lalaki, pamilyar ang bosses niya. Nilingon ko naman ito at nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino siya. "Gulat na gulat?" he chuckled. "Parang magkasama lang tayo kanina sa iisang bahay ah."
"Bakit andito ka?" nakataas ang kilay na sabi ko.
"Chineck ko lang kung nakaalis ka na, pero sure akong hindi ka pa nakaalis kasi andito ka pa at kausap kita ngayon." sabi niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.
"Kairon, pwede ba? Layuan mo ako. Mamaya may nakakakilala pala sayo dito, tapos mapicturan pa tayong dalawa. Ayokong malagay sa kapahamakan yung buhay ko, kaya pwede ba? Umalis ka na lang." mahinahong sabi ko sa kanya.
"Tsk, no way. Wala pa ba yung sundo mo?" tumingin siya sa paligid, he hold my hand. "Wala pa yung sundo mo, sumama ka na lang sa akin at ihahatid na lang kita."
"No." pagmamatigas ko.
Hihilain na sana niya ako paalis nang may humawak sa kabila kong kamay, nilingon ko naman iyon at nakita ko si Ryan na masama ang tingin sa kamay naming magkahawak ni Kairon. "Let her go." rinig kong mariing sabi ni Ryan.
I looked at Kairon. "Please, bitawan mo yung kamay ko."
Binitawan naman na niya ang kamay. "Aww, andito na pala ang boyfriend mo." he looked at Ryan and he smiled. "Buti dumating ka, bro. Kung hindi mo pa kami naabutan, siguro inihatid ko na si Rhea sa bahay nila."
Hindi siya pinansin ni Ryan, tska ako hinila papuntang sasakyan. "Tara na." rinig kong sabi niya.
****
"Bakit magkasama kayo nung lalaking 'yun?!" galit na tanong niya."Ryan, bumisita ako kay Yanna. Hindi ko naman alam na bibisita rin siya sa bahay nila Yanna." sagot ko sa tanong niya.
"Really?" He smirked. "Ang sabihin mo, alam mo na bibisita yung ex mo pero pumunta ka pa rin dahil gusto mong makita yung sikat mong ex. Sabihin mo na lang na namiss mo yung ex mong si Kairon."
BINABASA MO ANG
When A Badboy Fall Inlove (Forever Series #2) EDITED
Romance"It's a story about a bad boy who fell in love with a girl who hates badboys." ***** Kairon Everson, The Badboy who is not expected to fall in love with a girl. A girl who hates playboys, especially him. He met Rhea Flamesworth because of his bestf...