Rhea's POV
Tumayo si Yanna sa tabi ko, sinundan niya pala ako dito sa labas. She looked at me. "Rhea, anong nangyayari sayo?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "May problema ka ba?"
"Yanna, alam kong mali." sabi ko at yumuko. "Anong mali?" nagkakatakang tanong niya. "Na magustuhan ko siya." sagot ko sa kanya.
"Sino?" tanong niya. "Si Kairon?" tumango ako bilang sagot. "Alam mo kung bakit? Dahil alam kong international playboy siya, at alam ko ring ni minsan hindi siya nag seryoso sa isang relasyon." sabi ko at bumuntong hininga. "Yanna, Natatakot ako. Natatakot ako na masaktan nang dahil kay Kairon."
Hinawakan niya ang aking kamay dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Kung gusto mo siya, then go. Go for it, iparamdam mo sa kanya na gusto mo siya." sabi niya dahilan para mapa-iling ako.
"Nakakabaliw, Yanna. Kasi sabi ko noon, never akong magkakagusto sa kanya. Na hindi ko siya magugustuhan, pero ano ngayon? Bakit ngayon gusto ko na siya?" paliwanag ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin bago nagsalita. "Rhea, hindi natin mapipigil yung nararamdaman natin. At hindi rin tayo makakapili kung sino lang yung dapat nating mahalin, we can't control our hearts. For loving someone."
"Alam mo? Sabi ko dati, mali na mahalin ko si Kalix. Bakit? Kasi alam ko na dadating yung araw na bigla ko na lang siyang iiwan, ayoko nang ganun. Pero wala akong magagawa dahil ganun talaga, ayun yung nakatadhana sa aming dalawa." sabi niya at ngumiti.
"Yanna, Can you promise me?" sabi ko sa kanya at ngumiti. "Promise what?" she asked. "Na sa ating dalawa lang 'to, na dapat walang ibang makakaalam nang nararamdaman ko para kay Kairon. Ngayong maaga pa lang, pipigilan ko na 'tong nararamdaman ko dahil alam kong mali. Dahil yung taong minamahal ko, Hindi naman kayang magmahal nang seryoso." sagot ko.
Hinawakan niya ako sa braso at diretsyong tinignan sa mata."Rhea, nasasabi mong hindi kaya ni Kairon na mag seryoso sa isang tao o sa isang relasyon. Dahil hindi mo pa masyadong kilala si Kairon. Pero alam mo, Rhea? May tiwala ako kay Kairon, he can. Kaya niyang mag seryoso, lalong lalo na kung mahal niya talaga yung babaeng ka-relasyon niya." napatitig ako sa kanya.
"Rhea, hindi mo pa masyado kilala si Kairon. Hindi mo pa alam kung paano siya magmahal." sabi niya pa at nginitian ako. "Paano ko nasasabi 'to? Dahil matagal ko nang kilala si Kairon, matagal ko na siyang kasama. Kasama ko na siya simula nung bata pa lang kaming dalawa, kaya kilalang kilala ko siya."
Siguro tama siya, hindi ko pa nga masyadong kilala si Kairon para husgahan ko agad. Paano kung seryoso pala talaga si Kairon sa isang babae, na dumating yung araw na mag mamahal siya. Mag mamahal siya nang totoo. Siguro napaka-swerte nang babaeng yun, yung babaeng mamahalin ni Kairon.
Napangiti ako bigla sa naisip ko, Sobrang swerte nung babaeng mamahalin niya sa tamang panahon. Pero hanggang maaga pa, hanggang hindi pa lumalalim yung pagka-gusto ko sa kanya. Aagapan ko na agad dahil ayokong dumating sa punto na iiyak ako dahil sa kanya, Dahil nasaktan niya ako, dahil nalaman ko na hindi pala ako yung babaeng gusto niya, Na hindi pala ako yung babaeng type niya at yung babaeng sinisigaw nang puso niya. Paano nga ba kung hindi pala talaga ako yun? Yung babaeng para sa kanya.
BINABASA MO ANG
When A Badboy Fall Inlove (Forever Series #2) EDITED
Roman d'amour"It's a story about a bad boy who fell in love with a girl who hates badboys." ***** Kairon Everson, The Badboy who is not expected to fall in love with a girl. A girl who hates playboys, especially him. He met Rhea Flamesworth because of his bestf...