Rhea's POV
Kailangan ko ng masanay na wala ka na talaga, kailangan na kitang hayaan na maging masaya kahit hindi na piling ko.
Cause baby you look happier, you do
My friends told me one day. I'll feel it too And until then I'll smile to hide the truth.Baby, you look happier. Now and
I knew one day you'd fall for someone new, You do.I need to move on, I need to forget all the things about you.
Masakit man na makita kang may kasamang iba, at lalong mas masakit malaman na yung babaeng kahalikan mo nung araw na anniversary natin. Girlfriend mo na pala, girlfriend mo na pala siya ngayon.
Susuko na ako dahil ayun yung tama, yung dapat na gawin ko.
Hindi ibig sabihin na kapag sumuko ka, Talo ka. Minsan sumusuko ka kasi ito yung tama, ito yung dapat na gawin mo. Hindi naman ibig sabihin kapag sumuko ka, mahina ka na. Tska lahat naman tayo sumusuko dahil hindi lahat ng bagay kaya nating lumaban o ipaglaban.
Ipaglalaban mo yung isang tao kahit alam mo namang mali siyang ipaglaban, at wag mo na rin ipaglaban yung isang relasyon kung alam mo na ikaw lang lumalaban. Minsan kailangan rin nating mag let go, kailangan rin nating hayaan yung isang tao na umalis sa buhay natin. Na kailangan niya rin mawala sa buhay natin.
At dito na nagtatapos yung kwento natin, kwento nating dalawa. Dito na nagtatapos dahil impossibleng magkaroon pa ng susunod na kabanata. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag nagmahal ka, magiging masaya ka na. Minsan kasi pag nagmahal ka, masasaktan ka. Kasi nalaman mo na yung taong minamahal mo, may minamahal naman pa lang iba.
Minsan rin kung sino pa yung minahal mo, ito pa yung iiwan ka, sasaktan ka, lolokohin ka. Minsan kailangan na rin talaga nating bumitaw, kailangan nating bitawan yung isang tao. Kailangan natin palayain yung taong masaya na sa iba.
Sana maging masaya ka na, na sana hindi ka niya saktan. Sana siya na talaga yung babaeng nakatadhana para sayo. Sana mahalin mo siya nang totoo, sana wag mong iparamdam sa kanya yung sakit na naramdaman ko sayo.
Oo nasasaktan pa rin ako ngayon, hindi ako masaya dahil wala ka sa tabi ko. Pero darating rin yung araw na sasabihin ko na.. 'I'M HAPPY WITHOUT YOU'
After that party or we'll say Prom. Babalik ulit ako sa Canada pero babalik ako with Ryan, sabi niya kasi gusto niyang samahan ako sa Canada.
****
Andito na ako sa loob ng bahay, pero bakit ang dilim? Anong meron? Wala si Ryan? Akala ko ba nauna na siyang pumunta dito?Mamaya maya ay biglang bumukas yung ilaw. "WELCOME BACK, RHEA!" malakas na sigaw ni Ryan na dahilan para magulat ako.
Ngumiti naman ako at nilapitan siya tska niyakap ng mahigpit. "Thank you, Ryan"
"Did you missed me?" He asked and smiled.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Anong miss ka d'yan? Magkasama lang tayo last week, wag ka nga. Nauna ka lang pumunta dito sa Canada eh."
He laughed. "Panira ka, Rhea. Hindi mo na lang sinabayan yung trip ko."
"Ewan ko sayo." natatawang sabi ko sa kanya.
Hinila niya ako papalapit sa kanya at mahigpit akong niyakap. "Kahit magkasama lang tayo last week, namiss pa rin kita." nung humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya, ay agad na kinuha ng malalalim na dimples niya ang atensyon ko. "May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya na dahilan para tumingin ako sa mga mata niya. "Kanina ka pa kasi nakatitig,"
Umiling ako at sumagot. "No, yung dimples mo kasi."
"You love dimples tho?" tanong niya at ngumisi.
BINABASA MO ANG
When A Badboy Fall Inlove (Forever Series #2) EDITED
Roman d'amour"It's a story about a bad boy who fell in love with a girl who hates badboys." ***** Kairon Everson, The Badboy who is not expected to fall in love with a girl. A girl who hates playboys, especially him. He met Rhea Flamesworth because of his bestf...