CHAPTER FOURTEEN (KIDNAPPED)

111 16 0
                                    


Continue

🥀🥀🥀

Lily POV

Nasa labas ako ngayon ng subdivision at panaka nakang lumilinga linga sa paligid. May nagpadala kasi sakin ng mga mensahe, sinabe nitong kilala kosiya at lumabas muna daw ako para magkausap kami. Hindi naman ako naniwala agad pero ang mga pinapadala nitong mensahe ay napaka detelyado tungkol sakin.

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone habang ang mata ay inililibot sa paligid. Napapansin kong walang masiyadong dumadaan na sasakyan at tao rito dahil nga kagubatan narin ang sasalubong sayo kapag makalabas ka ng Subdivision. Napatingen ako sa kalsada at doon ay nakita ang isang Van na nakaparada sa hindi kalayuan mula sakin

"Nasaan kaya siya?" Nagtataka ako. Sabi nito ay nasa labas siya ng subdivision at hintayin nalang daw niya akong lumabas pero hanggang ngayon ay hindi ko parin ito makita. Napabuntong hininga akong napatingen sa ibanh deriksiyon

"Siguro'y walang magawa ang taong iyon at pati ako ay inabala. Tsk" tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok sa subdivision pero hindi paman ako nakakalayo ay may tumawag na sa pangalan ko

"Ye-" naputol ang sasabihen ko ng may humigit sa braso ko at kaladkarin ako nito papasok sa may Van.

"Let me go!" Pagpupumiglas ko sa taong may hawak sakin. Pinilit nitong isiksik ako sa gilid pero nagpumiglas ako pero gayon nalang ang sakit na naramdaman ng magawa nito akong sikmurahan. Pakiramdam ko ay isusuka ko lahat ng nakain

"Tumigil kanga! Susuntokin na kita eh" namilipit parin ako sa sakit.

"Tara na!" Utos ng nanikmura sakin sa lalakeng nasa driver set.

Parang hindi nawawala ang sakit sa tiyan ko. Pati ata bituka ko ay naapektuhan na sanhi upang umubo ako at doon ay may lumabas na dugo. Napapikit ako, i don't even know why i'm here. Naiiyak ako sa sandaling iyon, kong sana ay hindi ako naniwala edi wala sana ako rito.

"Ano bang kilangan niyo sakin? P-pakawalan niyo ako pakiusap" naiiyak na saad ko sa katabe kong lalake ngunit umamba lang ito sakin

"Wag munang saktan. Patay tayo kay boss diyan sa ginagawa mo" napalingon ako sa lalakeng nasa driver set.

'Sinong boss?'

"Pakawalan niyo na ako! I can give you money, just please let me go" naiyak na saad ko. Bumibilis narin ang tibok ng puso ko at unti unti akong kinakabahan na baka sumpongin ako bigla ng sakit

"Sorry Miss. Napag-utosan lang" magsasalita pa sana ako nong sigawan na ako ng lalakeng katabe ko

"PWEDI BANG MANAHIMIK KA! GUSTO MONG MAMATAY!?" natakot ako sa kaniya. Nanlilisik ang mata nito at namumula-mula pa sa gilid nito kaya naman umiyak nalang ako at hinayaan ang sariling matakot sa mga lalakeng kumuha sakin.

🥀🥀🥀

Tinted ang salamin ng Van mula sa Loob ni hindi ko maaninag sa labas ngunit alam kong malayo na ako sa bahay. Tinignan ko ang dalawang lalakeng nasa loob ng Van, ang katabe ko ay may malaking katawan. Ang mukha nito ay sadyang nakakasindak, nakakatakot. Habang ang nasa driver set naman ay payat at may itchura pero masama siya at ang lalakeng katabe ko.

'Tulong..'

Sa sandaling iyon ay parang naiisip kona ang pwedi nilang gawin sakin at natatakot ako sa posibilidad na iyon. Hindi nag tagal ay huminto na ang sasakyan, naunang lumabas ang driver sunod naman ang katabe ko

PAIN IN MY HUSBAND HER POV ||COMPLETED✔||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon