Madaming chismis ang kumakalat tungkol sa mga rivas
Mangkukulam
Bampira
Manananggal
Cannibal
Usap usapan din sa lugar na ito na lahat ng nawawalang tao dito ay dahil sa mga rivas
Xavier pov
Bata palang ako pinagbabawalan nako ng mga magulang ko lumabas ng bahay kahit na sa gate lang namin
Kung bakit, diko din alam
Gusto ko magtanong sakanila
Kaso tuwing nagtatanong ako ang lagi lang nilang sinasagot"Malalaman modin ang lahat xavier sa tamang panahon"
Isang araw ng nakasilip ako sa labas ng bintana namin
May matandang babae ang biglang tumingin sa bahay namin at nanlaki ang mata ng nakita ako
At tsaka ito nagmadaling maglakad palayo
Pinuntahan ko ang kwarto ng mga magulang ko
Araw araaw nasa bahay lang kami lalabas man sila ama at ina gabi lang at balot na balot pa ang mukha nila
"Ina pwede poba akong makalabas kahit jan lang sa bakuran natin please ina" pagmamakaawa ko
"Sige xavier pero wag na wag kang lalabas ng gate" bilin ni ama
Hinayaan nila akong maglaro sa bakuran
Lumalaki nalang akong hindi alam kung ano bang mayroon ang labas
Magisang anak lang ako simula daw ng pinanganak ako sabi ni ina dito na daw kami nakatira
Naglalaro ako sa bakuran ng may nakita akong mga batang naglalakad kasama ang mga nanay nila
Habang nakatingin ako sakanila napapansin kong lahat sila nagmamadali
Nagmamadaling maka alis sa harap ng bahay namin?
Ewan ang wiwierd nila
Simula ng nagkaisip ako hindi pako dinadala ni ina sa paaralan para ienroll
Nakakalungkot na diko nararanasan yung mga nararanasan ng mga kabataan ngayon
12yrsold nako pero hanggang ngayon andito padin ako sa napakalaki at lumang bahay nato
Umakyat nako para sana matulog ng may naririnig akong sigawan galing sa kwarto nila ina at ama
"Hindi pwedeng malaman ni xavier na pumapatay tayo ng tao" sigaw ni ama
PUMAPATAY?
pumapatay sila ama
Sa sobrang gulat ko sa narinig ko diko na napigilang buksan ang pinto nila para ma klaro ko kung tama ba ang narinig ko
"Xavier" gulat na tawag sakin ni ina
"Ina ama p-pumapatay kayo?" gulat pading tanong ko sakanila
"Anak makinig ka mali yung narinig mo hindi yun totoo" pagtanggi ni ama
"Hindi ama rinig na rinig ko kaya ba di nyoko pinalalabas kaya ba takot na takot sa bahay natin yung mga tao?"
Ilang segundo akong nakatulala di nila ako sinasagot oras na para malaman ko ang totoong estado namin sa buhay
Kung bakit ilag kami sa ibang tao
Kung bakit takot silang dumaan sa harapan ng bahay namin
Bakiit?
Dahil ba talagang pumapatay ang mga magulang ko?
Pero bakit naman nila gagawin yun?
ArrrRrggh........