unang klase

4 6 0
                                    

Papunta nako sa paaralan na papasukan ko

Ang sabi ng guro ay naka pasa ako sa test na pinasagutan nya kaya kahit hindi ako naka elementarya ay makakapasok padin ako bilang  secondarya ngayong taon

Gusto kong tapusin ang secondarya 

Gusto ko umangat sa buhay

Iaangat ko sila ama at ina
Hindi sila magsisising pinag aral nila ako

Tama dapat patunayan kong di ako magiging pabigat sakanila

Ako ang poprotekta sakanila,

Napahinto ako sa paglalakad ng may makabangga akong babae dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin na padaan sya sa harapan ko

Bigla kong naisip yung sinabi nila ina at ama kaya tinitigan ko ng masama yung babae sabay lakad ko ng derederetso papunta sa sinabi ng guro na seksyon ko

Nasa tapat nako ng seksyon na papasukan ko

Papasok na sana ako kaso nag alangan ako masyadong magulo sa klaseng to sobrang ingay at sobrang kalat, magulo

Ganto ba lahat ng mag aaral dito na mga kabataan na tulad ko,

Inantay ko na may dumating na guro marami ng nakakapansin saken panay ang tingin nila sa pwesto ko naiilang ako sa mga tinginan nila

Pero isinawalang bahala ko nalang at tumindig ako ng tayo at diko nalang sila pinansin

Ilang minutong lumipas ng pag aantay ko may dumating ng guro na sa tingin ko ay mga nasa 30 nasya matangkad at mukha ng matanda ang itsura nya kung tingnan sa awra ng kanyang mukha, mukha syang mataray at istriktong guro

Babati na sana ako sa guro para mapansin nya ko

Pero pagkapasok nya sa loob ng klase nya ay nag sermon na agad sya sa mga estudyante nya

Makikita sa mga mata ng studyante na takot sila sa guro nila dahil nung pagdating nito sa seksyon nila ay agad sila nag sitahimik at nag si ayos

Pinaglinis ng guro ang mga studyante agad na nagsikilos ang mga ito agad ko namang kinuha ang pagkakataon habang abala ang mga studyante sa kani kanilang gawain,

"Magandang umaga po madame" agaw atensyon ko sa gurong nakatayo malapit sa pinto habang nakatingin sa mga studyante nyang todo kilos

"Ano yun iho?" maawtoridad na tanong nya saakin

Dinako nag salita at inabot ko sakanya yung binigay ng guro kay ina kahapon, pahiwatig na late enrollies ako at sa seksyon nato ako papasok

Pinapirma nya nako sa attendance kuno daw nya sa studyante nya at nilagay ko pangalan ko

Pinakilala ako ng guro sa mga magiging klasmeyt ko,

Nagbulung bulungan sila kahit na dinig na dinig naman ang pag uusap nila

Isinawalang bahala ko iyon at pumwesto sa upuan na walang katabi

nag hanap ako ng bakanteng upuan sa gitnang bahagi ng mga upuan may bakante at kapag umupo ako duon ay wala akong makakatabi
Ni isa kada upuan kase tig dadalawang magkakatabi lang

Nang mauupo ako sabay may nagsalitang may nakaupo daw dun pero diko sya pinansin at umupo nalang sabay tingin sa harapan

"Sungit" bulalas ng babaeng nasa likuran ko

Nagsimula ng magturo ang guro namin ngayon

Sa kalagitnaan ng pagtuturo nya may mga nagsipasukan pang studyante at meron naman babae at lalakeng papalapit sa inuupuan ko

Diko sila pinansin nakinig lang ako sa sinasabi ng guro

"Hi pwede patanggal ng bag mo dito uupo ako" salitang mahinahon ng babae sa gilid ko

Diko sya nilingon sadya ko talagang ilagay yung bag ko sa kabilang upuan para walang makakaupo

Tiningnan kolang ng masama yung babae at umiwas nako

Ilang sigundo ang nakalipas tumingin ako sa gilid ko wala na yung babae duon

Mas okay na alam nilang masungit ako at di pala kaibigan para nadin maiwas ko ang sarili ko sa kanila

Break time na habang nililigpit ko ang mga gamit ko sa bag may naririnig akong bulong bulungan

"Bago sya dito diba?"

"Ang sungit nya naman"

"Ampogi nya kaso masungit"

"Nakakainis sya di marunong makipag kaibigan"

Diko sila tiningnan at deretso lang ako na lumabas

Tumambay nalang ako sa bench na malapit sa building namin di naman kase ako sanay ng break time

Unang araw ko ngayon sa klase ko pero anlungkot gusto ko man ng maraming kaibigan kaso bawal bilin ni ama at ina

Mga pala kaibigan naman siguro yung mga klasmeyt ko sadyang ang sungit ko lang sakanila,

Habang naka upo ako dito sa bench pinagtitinginan ako ng mga tao, ng mga kapwa ko studyante

Sa dami ng tumitingin tingin saken isa lang ang naka agaw ng pansin ko

Yung babaeng bumubulong sa kasama nya, habang nakatingin saken
Alam nya kaya yung tungkol sa pamilya ko
Taga dun ba sya sa lugar namin

Maraming mga bagay ang pumasok sa isip ko sa simpleng kilos lang ng studyanteng yun,

Kailangan ko pading mag doble ingat dito sa labas , sa mga taong nakakasalamuha ko pwedeng isa jan ang may alam tungkol sa pamilya namin

Makalipas ang ilang oras natapos na ang klase ngayong araw
At pauwi na ako,

Palakad nako sa street namin ng may narinig akong humihingi ng tulong

Sa kuryusidad ko nilapitan ko ito
Isang pamilyar na lalake ang walang awang pinagsasaksak ang babaeng sa tingin ko ay ka edad ko lang

Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa, nangangatog ang mga binti ko di ako makapaniwala na kahit alam ko naman na ang totoo

nakita ng dalawa kong mata,
Nakita ko mismo

Kitang kita ko kung paano sila walang awang pumatay ng inosenteng tao

"A-ama?"





Xavier RivasWhere stories live. Discover now