Nagdaan ang ilang buwan
Nalaman at naintindihan kona lahat ng kung ano man ang estado ng buhay namin noon pa manGusto kong maging matatag ayokong mangyari sa magulang ko ang nangyari sa lolo't lola ko noon
Hindi ko alam kung anong gagawin ko gayong nalaman ko na hanggang ngayon na malaki nako pumapatay padin sila ama at ina
Pano kung mapahamak sila
Pano kung dumugin kami dito
Makulong sila
Patayin sila ng mga tao
Pero di ako makakapayag hindi mangyayare yun diko hahayaan na masaktan ang mga magulang ko
Hindi pwede.
Gayong alam ko na ang sikreto ng mga magulang ko sakin,
Pinayagan na nila akong lumabas pero mahigpit na pinagbabawal sakin nila ama at ina na wag na wag akong makikipag kaibigan sa kahit na sinong tao na makakasalamuha koSabi ni ina na hindi daw dapat sila pinagkakatiwalaan
-
-Maaga akong matutulog ngayon dahil kinabukasan ay sasamahan ako ni ina ieenroll nya ko para maka pag aral na ng secondarya
Simula palang nung bata ako mga 4yrs old si ina na ang nag silbing guro ko sabi nya lahat daw ng natutunan nya nung nag aaral sya ay ituturo nya sakin
Natuto ako kahit na nasa loob lang ako ng bahay pero sinabi ko kay ina na gusto ko maranasan na makapag aral sa pam publikong paaralan
KINABUKASAN
paalis na kami ni ina sa bahay hindi kami balot ng kung ano ano mang pantakip sa mukha,
gaya ng mga taong nakakasalubong namin ganun din kami normal na taong namumuhay sa syudad
Sana nga ganun nalang ang estado naminPagdating namin sa paaralan na papasukan ko andaming tao
Nakakapanibago maingay at magulo ang mga studyante may nagtatakbuhan at may kanya kanyang mga nilalaroSana noon naranasan kodin yung mga nararanasan ng isang normal na bata
Binaliwala kona lang yung mga iniisip ko pumasok kami ni ina sa isang kwarto na kung saan may gurong makakausap namin para sa pag papa enroll ko sa paaralang papasukan ko
"Ano pong maipaglilingkod namin sayo misis" magalang na sambit ng guro kay ina sabay tingin sakin
Napayuko ako sakanya bilang paggalang
"Madame pwede pa po bang maka pag enroll itong anak ko?" naiilang na tanong ni ina sa guro
Nag usap na si ina at ang guro hinanapan ng kung ano ano si ina na requirements daw para sa pag eenroll ko
Nagtaka pa ang guro na sa edad kong 13yrs old ngayon palang ako mag aaral
Sabi naman ni ina na nag homestudy ako at kaya ko nang mag secondarya
Pumayag naman ang guro na kausap ni ina at may papasagutan daw saakin, isang test na kung saan nakasalalay kung papasa bako sa paaralang ito o hindi
Hindi nako kinabahan sa magiging resulta ng test na sasagutan ko dahil may tiwala ako na makapapasa ako
Ilang minuto lang at sa wakas natapos ko nang sagutan ang test
Madali lang para sakin yung mga tanong duon diko din alam pero para silang pamilyar ng basahin at sagutan kona
Umuwi na kami ni ina bukas na ang start ng klase ko medyo late nako kaya kailangan kong mag habol
Dahil bukas pa naman ang pasok ko sa iskwelahan nag gala gala muna ako dito sa street namin
Mukhang okay naman, para lang akong normal na bata na naglalakad lakad sa kalsada
Pauwi nako sa bahay dahil masyado ng hapon ng may ka edad kong lalake na makakasalubong ko
Titig na titig sya saken malayo palang
Naisip ko nanaman tuloy sina ina'y
Sana di na lang sila nag higanti sa mga tao edi sana normal na pamumuhay ang meron kami ngayonYung malaya kang makakalakad sa labas ng walang mga taong nanghihinala sa kung ano ka
Oo nag sisisi ako sa lahat gusto ko mamuhay ng isang normal na bata tulad ng mga nakikita ko hindi yung ganto saakin na limitado ang kilos
Pag pasok ko sa bahay umakyat nako sa kwarto ko
"Xavier" tawag ni ina sakin
"Bakit po ina?"
"Xavier anak ayusin mo na yung mga gamit mo para bukas"
"Opo ina, ina matanong kolang po, bakit po hanggang ngayon naghihiganti padin kayo ni ama sa mga tao?" Maingat na pagtatanong ko
"Anak di mababayaran ng kahit na sino man ang pagkamatay ng lola at lolo mo, wala"
Sabay alis ni ina sa kwarto ko diko mawari kung ano bang punto ni ina nang sabihin nya sakin yun siguro wala pako a wastong edad para lubos na maunawaan ang pinagdadaanan nila ama at ina
Ayokong kuwestyonin kung ano man ang mga plano nila ama at ina kung ilalagay ko naman kase sa sitwasyon nila ako siguro malalamon din ako ng galet sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay
Kaya ipinapangako ko babantayan at poprotektahan ko sila ama at ina
//