Umalis nako sa bahay nagkaliwanagan na kami ni ina lubos nyang pinaintindi sakin ang lahat
Sinabi nya ren kung pano kami napunta dito sa cruz salvidez street
Gayong nakatira naman sila sa Quincess teresa sa probinsya nilaSabi ni ina pinalipat lang daw sila dito sa cruz salvidez dahil sa Quincess teresa na tinitirahan nila ay inaayos at patatayuan ng panibagong bahay na gawa sa bato,
Naliwanagan nako alam kona ang lahat, kahit yung kung sino ang mga pinapatay ng magulang ko
Lahat ng mga nanggaling sa Quincess teresa tinatarget nila, pinapatay nila
Dahil naka tatak na sa mga magulang ko na lahat ng mga taga Quincess teresa ang dahilan kung bakit maagang nawala ang mga magulang nila,
Ang mga lolo't lola ko,
Pumasok nako sa paaralan ko gaya kahapon ganun din ang nangyare ngayon,
Mabilis na natapos ang araw may mga itinalagang mga proyekto may ibang magkikita kita pa para sa gagawin na mamaya
Naglalakad nako pauwi ng tawagin ako ng isa sa mga kamag aral ko
"Xavier sama ka samin may gagawin tayong project" sabi ng klasmeyt ko na si jona na siyang namumuno sa grupo namin
Nagisip muna ako kung sasama bako sakanila
Di alam nila ina na may proyekto kami ngayon kaya hindi ako basta bastang sasama agad sakanilaa
"Ahm, papaalam muna ako sa magulang ko, saan ba meet up?"
Seryosong untag ko kay jona"Sa bahay nila carlo"
Sa bahay nila carlo? Yung isa naming klasmeyt na ka grupo namin,
May binanggit syang lugar pero diko alam kung saan iyon gayong street lang naman namin ang napupuntahan ko at itong paaralan namin
" ah xavier papasamahan nalang kita sa isa nating kagrupo, bago kalang ata dito at dimo pa alam ang pasikot sikot" sambit ni jona ng di ako nagsalita
Di nako nakapalag tumango nalang ako at may tinawag si jona na klasmeyt namin at pinasama sakin
Naglakad kami ng klasmeyt ko na kagrupo ko din,
Tahimik lang kaming naglalakad diko naman sya pwedeng kausapin baka mapalapit ang loob ko sakanya at maging close ko sya
Sa totoo lang palakaibigan naman talaga ako kung hindi lang bawal baka lahat ng klasmeyt ko ay kaibigan kona
"Xav san kaba nakatira?" Pambasag ng katahimikan ng kasama ko
"Cruz salvidez" mabilis na sagot ko sakanya
Malapit na kami sa street namin ng.....
Napaisip ako kung pag aantayin koba sya sa labas ng gate namin o sa malayo sa gate naminAyokong may makaalam ng tinitirahan namin kaya minabuti ko nang pag antayin sya malayo sa bahay namin
"Ahh antayin mo nalang ako dito mabilis lang ako" untag ko sakanya
Diko na inintay pang magsalita sya at naglakad nako ng mabilis papunta sa bahay namin
Papaalam lang naman ako kay ina at aalis nadin ako, ayokong tagalan dahil baka sundan ako nung kasama ko
Nakapasok nako sa bahay at nagpaalam kay ina
Syempre yan nanaman ang bilin ni ama at ina na wag daw mapapalapit ang loob ko sakanila,Hindi ko alam kung baket pati ako kailangan iwas din sa mga tao pero ayoko ng isipin pa yon at maguluhan nanaman ang isip ko
Umalis nako at pinuntahan ang klasmeyt ko
"Antagal mo naman xavier"
Untag saken ng kamag aral ko tiningnan ko lang sya at naglakad na uletDi talaga ako nag sasalita kung di naman kailangan
Nakikisama ako sa mga pag gawa ng proyekto sa pag suggest at kung ano ano pang bagay,
Madami kaming nag kakagrupo halos kalahati ng seksyon namin
Sa proyekto namin kailangan nakalagay ang details naminIsa isa kaming tinanong
Pangalan
Edad
TirahanNapatingin ako sa klasmeyt kong nag sasalita na para mag bigay ng detalye patungkol sakanya
Nagulat ako ng sa cruz salvidez din sya nakatiraKaya nung ako na ang magsasalita ay ganun din ang naging reaksyon nya
"Xavier sabay tayo uwii aah" masiglang sabi ni shena na ka street ko
Tumango nalang ako at laking tuwa nya ng pumayag akoKinabahan ako napaisip ako na may pinatay na kaya sila ama at ina na kapamilya nya?
Sa Quincess teresa kaya nakatira dati mga magulang nya?
Gusto ko mag tanong pero baka ma wirduhan sya saakin at paghinalaan ako
Tulad ng napag usapan sabay kaming umuwi ni shena kwento sya ng kwento sakin halos lahat ata kinukwento nya
May tiwala sya agad saken kahit dipa nya ako lubos na kilala
Napatigil ako sa huling nyang binanggit at napatingin ng seryoso sakanya
"Xavier okay kalang?"
Nag aalalang sambit nya sakin habang takang taka na nakatingin sakin"Namatay ate mo netong taon lang?"pagkukumpirma ko ayoko mang magtanong sakanya pero binabalot talaga ako kuryusidad
"Oo may naka kita sakanya sa isang gilid malapit sa street naten at wala ng buhay" malungkot na sambit nya
Sa street namin?
Hindi kaya kapamilya nya yung nakita kong pinapatay nila ama at ina"Baket xavier may alam kaba tungkol dun" nagtataka ng untag ni shena sakin
"Ha w-wala wala" pag tatanggi ko pinilit kong wag maging wirdo sa paningin nya
Para di sya magtaka at manghinala sa kilos ko
Iniba ko nalang ang usapan hanggang sa nagkaiba na kami ng daan
Pumasok nako sabahay gaya ng unang pasok ko ay nagkwento ulet ako kay ina
Dahil sabi nya saaken gusto nya malaman ang nangyayare sakinsa loob ng paaralan kaya nagkwento ako skanya
Nakwento ko den sakanya si shena na nakasabay ko kanina
Biglang naging seryoso ang awra ni ina
"Kaibiganin mo sya" seryosong untag saakin ni ina habang seryosong nakatingin sa kawalan