katotohanan

4 4 0
                                    

Di ako makapaniwala sa nakikita ko,
Gusto kong isipin na isa lang tong bangungot

Gusto ko paniwalain ang sarili kong hindi ito totoo

Pero hindi, ilang beses kong kinusot ang mga mata ko

Nakikita ko padin,  para silang pumapatay ng hayop,
hindi nag sisink in saken ang lahat,
Nanghihina ako
Nagagalit

Kaya pala talagang ma control ng galit mo ang isip,

Mga magulang koba talaga sila?,

Kilala koba talaga itong mga kinikilala kong magulang?,

Nalaman kona ang katotohanan, pumapatay ang mga magulang ko pero kapag pala nakita mo ng harapan yung akala mo na naiintindihan nyong estado nyo sa buhay, hindi pa pala
Hindi kopa lubos na naiintindihan at natatanggap,

"A-ama" nalupasay nako sa sahig sa sobrang panghihina

Napahinto si ama sa walang awang pag saksak sa babae

Gulat syang napatingin sakin pero nawala din ito at bumalik yung mukha nya sa seryosong awra

Hindi ko alam kung paano nila nasisikmurang gawin ang krimeng ito sa mga inosenteng tao na ang gusto lang naman ay ang mabuhay sa mundo

Puro dugo,
umaagos na dugo padaloy sa paanan ko

Ng tingnan ko ang babae halos masuka ako gutay gutay ang pang itaas na damit nya tadtad ng saksak ang puso nya butas ang ulo nya na halos hindi na mamukaan ang mukha nito dahil walang awa itong hiniwahiwa

Hindi ko masikmurang tagalan pang tingnan ang katawan ng babaeng wala ng buhay

Napatingin ako kay ama
Tingin na maipapahiwatig ko sakanyang ikinasusuklam ko ang kademonyohang nagagawa nila ng dahil sa galet nila,

Halohalong emosyon ang nararamadaman ko ngayon

Tinalikuran ko si ama at ina tumakbo ako hanggang sa bahay namin at nagkulong sa kwarto

Pinilit kong makatulog pero diko magawa, naaalala ko nanaman ang  walang awang pagpatay ni ina at ama sa babae kanina

Sino ba sya

Bakit sya pinatay nila ama

Mga magulang ba nya ang dahilan ng pagpatay ng lola at lolo ko?
Pero impossible ang tagal ng panahon yun

Naguguluhan ako akala ko matatapos na ang mga tanong sa isip ko pero hindi,
Habang tumatagal mas lalong dumadami

Sobrang sakit ng ulo ko andaming tanong ang pumapasok sa isip ko na sila ina at ama lang ang makakasagot

Gusto ko mang tanggapin ang nakita ko kanina,

Tanggapin na dapat masanay ako kase natural lang yon sa pamilya namin pero hindi, hindi ko masikmura

Matagal pa bago ko matatanggap na ganun talaga ang pamilya namin ayokong magalit kila ama at ina
Ayun sila kaya dapat tanggapin ko, pamilya ko sila

Sila ang nakakaalam ng mga dapat na gawin

Hindi kona namalayan ang pag pikit ng aking mga mata ko dahil sa pagod kakaiyak,

Lalake ako, ako ang anak na lalake ng pamilyang rivas hindi dapat ako mahina

Hindi dapat ako nagmumukmok sa kwarto para lang iiyak lahat ng mga natutunghayan ko

**//

Hinayaan ako nila ama at ina kagabe ni hindi sila pumunta sa kwarto ko para tingnan ako,

Ni hindi sila nagpaliwanag sa nakita ko

Matapang sina ama at ina lahat kinakaharap nila, malinis sila kung gumawa ng krimen kaya hanggang ngayon wala pang nakakaalam na sila ang dahilan ng pagkakapatay ng tao sa lugar namin

May mga usap usapan na,
Pero walang kasiguraduhan

Takot ang mga tao sa bahay namin dahil sa postura netong napakaluma at nakakatakot

At dahil naden sa mga usap usap na wala namang mga ebidensya kaya chismis lang kung matawag,

Bumaba nako sa kusina para maghanda na papasok sa eskwelahan

Pagbaba ko agad kong nakita sila ama at ina na seryosong nakatingin sakin

Iniwasan ko sila ng tingin di kopa talaga kayang ungkatin ang nangyare kagabe
Ayokong ma dismaya ang magulang ko dahil sakin, dahil lang na tutol ako sakanila

Tutol sa pagpatay ng mga taong inosente
Ayoko dumating ako sa punto na matulad ako sakanila

Na hilingin nila na makisama ako sakanila

Na pumatay din ako

Di ko ma isip sa sarili kong pumatay ng isang inosenteng tao,

Ayoko, diko kaya

Hindi ko alam kung ano pang mga susunod na mangyayare sa pamilya namin

Hindi sa lahat ng oras ligtas kami dito sa tinutuluyan namin

Hindi habang buhay tago ang sikreto ng pamilya ko,

Walang araw na di ko nakakausap si ama at ina,

Di ako sanay na di sya nagsasalita sa hapag, nagkakailangan kaming tatlo nila ina at ama diko alam ang sasabihin ko, diko alam ang pambungad na salita ko kaya minabuti kong manahimik nalang at kumilos para sa pagpasok ko

Paalis na sana ako ng bahay pinakikiramdaman ko talaga ang paligid ko gusto ko bago ako umalis ay maging maayos kami nila ama at ina ayaw ko ng ganto kami

Ayokong umalis ng di kami okay pamilya,

Magsasalita na sana ako ng mag salita si ina

"Anak xavier alam kong matapos ang nakita mo kahapon maraming katanungan ang nasa isip mo"

"Xavier hindi ako mawawalan ng pag asang ipa intindi sayo ang lagay natin, gusto kong punan ng mga kasagutan yang mga tanong na bumabagabag sayo,

Hayaan mong ikwento ko sayo lahat ng pangyayare,

Hindi ako nagsalita nakinig lang ako kay ina bumalik sa loob at umayos ng upo, pahiwatig na gusto kong makinig sa kwento nya,

Gusto kong malaman lahat,

Sana kapag nakwento na nii ina ang lahat,
magising nako sa katotoohanang

Yun na talaga ang pamilya ko
Ang buhay ko

SILVIA POV

Simula nung namatay ang mga magulang namin ng ama mo
Nagsama na kami sa iisang bahay
Wala kaming ibang maaasahan kundin ang sarili lang namin

Simula palang bata kami ng ama mo close na kami magkaibigan at magkapit bahay nang nag elementarya kami nagsimula akong magkagusto sakanya hanggang ngayon,

Ang nanay ko at ang nanay ni xeb na tatay mo ay magkaibigan din simula ng bata palang,

Nagsama kami ng ama mo sobrang walang wala kami noon natuto kaming kumayod para sa mga sarili namin para mabuhay

Para makapaghiganti

Simula ng namatay ang mga magulang ko dinako nag aral, nag sikap ako magtrabaho nag ipon ako nagipon kami ni xeb

Masaya kaming nagsama ni xeb pero andun paden ang puot at galit na nararamdaman namin na kahit kailan hindi mawawala, hindi maglalaho

Nagkasundo kaming maghihiganti kami sa mga taong umapi sa mga magulang namin

Tuwing naaalala namin kung paano pinatay  ang mga magulang namin napupuno kami ng galit

Galit na nakaka control ng isip namin

//**


Xavier RivasWhere stories live. Discover now