HBD Prosecutor

394 48 1
                                    


1 month ago.

"Prosecutor, you may deliver your closing arguement." Judge Mendoza said


"Your Honor, I demand a penalty. He didn't repent his crime has he lied during the whole trial. Pursuant to Article 205 of PD 603, Council for the Welfare of Children. I ask that he  be sentenced for 15 years in prison for the second decree violation." I said before taking my seat.


Pagkalabas ko sinalubong agad ako nila Mark sa Office.



"Congratulations Prosecutor Suvillan!" kaagad na bati nila Chloe Cherry at Chief Admin at Mark.


Sumunod na lumabas sila Azi at Vaughn. "Congratulations bro, grabi kakapalit lang ng position natin nung last prosecution semester. Natalo agad ako, hanep ang galing ah" tawa namang nakipagkamayan si Vaughn.

Natatawa lang talaga ako dahil natalo ko siya sa unang pagkakataon sa unang pagkakatuos. "Congratulations Men" niyakap naman ako ni Azi.


"Im too cool for it." pagmamayabang ko.

Pagkasabi ko naman non nilayasan nila ako! Aba aba! Pagkapasok ko sa Office ko. "Congratulations Prosecutor Grey!"

"Shupaktina!" sigaw ko sa gulat. Dahil nagpasabog lang naman si Jay ng conffetti.


"Sayo talaga yung solid na reaction pag ginugulat. Congratulations buddy!" halatang masaya talaga siya. Bigla ko naman siyang niyakap at alam kong nagulat siya.

"Thankyou Renjay for staying by my side the whole time." niyakap niya ako pabalik. Hala wala naman sigurong iyakab dito!


"The best ka bro!" nakipagkamayan naman siya sakin.


"Congratulations, Greyson!" masayang bati ni Alicia

"Thanks, Alicia"


Tumawag naman ako kay yiena through video call, pero di niya sinagot! Guys sa tingin niyo mahal pa ba ako ni wifey?! Huehueee wifey ko!


December 12 na bukas, birthday ko na. Sabi niya uuwi siya dahil icecelebrate namin ang birthday ko! 27 nakuu bukas wifey! Bakeet ganorn? Nilimut mo na ba ako dyan sa puso mo? Huhueee 1TS R43LLY HURTS ang malimutan ng gani2!



Naka ilang call nako kay yiena pero di niya sinagot kaya di na ako sumama sa party nila Mark kanina, pero mukang di naman party ang pupuntahan nila e!


Pinakamalungkot na birthday ko! Wala ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko! Si Mommy at yiena ko. Saket sa heart wanpipti tawsan.


Nakatulog agad ako. Naalimpungatan ako sa tama ng sinag ng araw sa mukha ko. Agad naman aking napaupo. "Fuck!" sigaw ko nakaayos na ang kurtina sa magkabilang gilid. Weird? Nakasara yan ha!


Kinusot kusot ko pa ang mata ko at nagtoothbrush muna. Pagkatapos non nagsuot lang ako white plain shirt at black short. Bumaba na ako ng hagdanan.

Nahulog ako sa hagdanan sa sobrang gulat ko! "Happy 27th Birthday Prosecutor!" sabay sabay nilang bati! Napatingin ako sa orasan 10 palang ah!

Aray yung pwet ko mami, napatayo ako at nakahawak sa pwet ko. Nagtawanan naman silang lahat! Halos kompleto kami, ang saya.


Lumapit sila Vaughn, Mark, Azi, Renjay. "Happy Birthday Man" sabay sabay nilang saad at niyakap ako.



"Best buddies!" sigaw namin medyo naluluha na kami. Hindi kasi namin inaasahan na 18 years ang itatagal ng pagkakaibigan namin.

"Happy Birthday Greyson" Lumapit naman si Alicia saakin at niyakap ako.


"Thanks Alicia." sunod na lumapit sakin sila Chief Admin, Chloe, Cherry.


"Happy 27th Birthday for the Best Prosecutor!" sabay sabay nilang sambit at niyakap ako.


Ansarap sa pakiramdam ng ganito! Naluluha na talaga ako dahil sobra silang nageffort di ko inasam na pahahalagahan nila ako ng ganito. Mga kaibigan ko.

Lumapit naman saakin si Jeaver at Tita. "Happy Birthday Prosecutor." niyakap ako ni Jeaver at si Tita naman hinalikan ako sa pisnge. Don na tumulo ang luha ko dahil kahit nobya ko palang si yiena tinuring nila akong miyembro ng pamilya nila.


Mas naiyak ako sa taong papalapit sakin. "Happy Birthday to My One and Only Son." bati ni Mommy na nakahawak ngayon sa Cake.

"Mom!" sigaw ko at yayakapin ko na sana siya kaso sinenyas niya na hawak niya ang cake ko.


"Make a wish my son" ngiting saad niya. Pinkit ko ang mata ko.


'Sana maging maayos tayong lahat, sama sama tayo sa hirap at ginhawa. Hindi mabubuwag kailan man, at sana makarating ang mahal ko'


I blow the candles. Nagpalakpakan pa sila may nag yehey pa. Para naman akong 7 years old oh! 


"Happy Birthday Anak" don ko na niyakap si Mommy dahil nilapag niya na ang cake.



Nagiyakan kami, Ang aga pa para sa iyakan ohhh. 11 palang huehue, "Wait anak there's more, halika." hinila niya ako sa backyard kung saan nakalagay ang swimming pool ko.



"I have my gift for you, I want you to open it right away and see for yourself." napatingin ako sa malaking kahon na nasa gilid ng swimming pool,


"Hala anlaki naman Mommy! Thankyou poo, I love you"


"I love you too, Anak." niyakap ko muna siya at humakbang papalapit sa malaking kahon. Binuksan ko iyon pero walang laman? Biglang dumiliim ang paningin ko nang may tumakip sa mata ko.



Agad niya naman yon tinanggal at napaharap ako. Don na ako humagulgol sa iyak at niyakap siya ng mahigpit! "Happy Birthday Hubby, wish you all the best. Have a blast! Iloveyoumost." sinabu niya habang yakap yakap ko siya.

Panay naman ang hiyawan nila Mommy. "Ayieeeeeee!" sigawan nilang lahat. This is the best birthday happened to me!



"I loveyoumooost yiena." tinapik tapik niya naman ang likod ko, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.



Sa 1 month na yon, sobrang namiss ko siya! As in everyday kaming nagtatawagan pero di ko parin mai-paliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na to.



Nagpapasalamat ako lord god, sobra! Sobra po, lakas ko po talaga sainyo hueheue


"Oh why are you crying hubby, ayaw mo ba?"


"Im crying because it was a tears of joy wifey, you stupid"



"Aba!" saad niya habang hinahampas ako.



"Haha joke lang" pinunasan ko ang mga luha na umagos sa mukha ko

     

******************************



P.S: sobrang konti nalang matatapos na ang Save you. Defendant! Again thankyou very much for supporting yiena and greyson, lovelots <3

Save you, Defendant (LAW SERIES 1)Where stories live. Discover now