016

435 49 2
                                    


YUNA'S POV

Maaga akong nagising, I texted Mark sakanya ako nakakuha ng updates tungkol kay Grey. Di muna ako masyadong nagparamdam kay Grey kasi naiintindihan ko siya.

Frustrated at pagod din yong tao kaya lumayo muna ako. Nabalitaan ko nga na napagalitan siya ng Chief Administator dahil di niya trinato ng tama ng kanyang kliyente.

Dahil don bababa ang rates ng boards niya this year at maalis siya pag nagkataon.

Sabi ni Mark, medyo nalulungkot daw siya at nasa bahay lang niya yon magdamag panigurado

Kaya ngayon mag eeffort nako ng todo, kelangan ni hunnybunch ng karamay! Kailangan ko siyang smaahan sa hirap at ginhawa! Char assumera talaga ako kahit kailan.

Nagluto ako ng tinola dahil para gumanda ang mood niya. Kaya ayon sinarapan ko na kung pwede lang akong maging tinola ginawa ko na para makain niya. Rawr!

Nagsuot ako ngayon ng tattered highwaist maong pants na sinamahan ko ng oversized t-shirt at chucks nagdala rin ako ng paper bag para dun ilagay ang niluto ko

Nag high messy bun ako at naglagay lang ng konting makeup.

Binilhan ako ni Mommy ng bagong kotse naka Mercedez narin ako, mamaya may isipin nanaman si Justine na hindi pako move on kasi ni mismong kotse niya ginagaya ko! Pero sorry siya neknek niya dzuhhhh!!!!

Sumakay nako sa kotse at pumunta agad sa bahay niya. Pagkababa ko binuksan ko ang gate.

Papasok na sana ako ng biglang.

"Tangina!" sabay naming sigaw!

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Anong ginagawa mo rito?" sabay pa kaming nagsalita! Omygash

"Binibisita kita, hindi ba obvious?" tanong ko at nagiwas naman siya ng tingin. Pumasok ako sa loob at pumunta agad ng kusina.

Nilabas ko ang niluto ko at inayos sa hapag kainan, naglagay din ako ng plato at nagtimpla ako ng kape.

"Halika kumain ka muna, hula ko di ka pa kumakain" aya ko sakanya, nakaupo lang siya sa couch.

"I dont want to"

"Hay sayang tong tinola, i guess ako nalang kakain" pangaasar ko, agad naman siyang napalingon

"Talaga?! Tinola? Grabi kagabi pa pala ako gutom" umupo siya at kumuha ng plato nagsalin na siya ng kanin tas ulam.

Nagsimula siyang kumain, pinanood ko lang siya. Ang saya niya. Ineenjoy niya pa ang bawat nguya, cant wait na makita araw araw sakanya to. Syempre soon to be misis niya na ko noh! Char.


Pagkatapos niyang kumain, bigla nanaman siyang sumimangot! Hala mood swings!

"Bakit may problema ba?" nagaalalang tanong ko.


"About......that day.. Im very sorry, I dont know how to face you now" sinsero niyang saad. Kinilig naman ako psh! Ang sweeeeet!


"Ano ba! Ayos lang yon. Wag kana malungkot pleaseee. Di bagay sayo"
Lumapit ako sakanya at kumuha ng upuan para tumabi.

"Alam mo halika" hinila ko siya papuntang couch, umupo kami don.

"Pag malungkot ako, ito lang stress reliever ko" sabay labas ko ng selpon at pinakita sakanya ang kinaaadikan kong laro. ML,


"Marunong ka?!" sabay tingin niya sakin.

"Oo naman" sagot ko.

"Rank mo na lods?" biglang tanong niya natawa naman ako!

Save you, Defendant (LAW SERIES 1)Where stories live. Discover now