Love Story
Dahan dahang lalapit si Kylie kay Xander ng makitang hawak nito ang Diary niya.
"Xander bakit nasayo yan?" Sabay turo sa Diary.
"Sinadya ko talagang kunin to para bumalik ka dito, sorry po hindi ako nag paalam."
Sabay abot ng bouquet at Diary kay Kylie."Para sayo, Pati tong Teddy Bear, sana magustuhan mo" Medyo na nginginig ang boses ni Xander dahil first time niya itong ginawa sa buong buhay niya.
"X-Xander? anong ibig sabihin nito?"
Tanong ni Kylie."Kylie I like you, gusto kitang maging akin, Gusto kitang ligawan araw-araw."
Biglang darating si Alexandra at makikita niya ang kapatid niyang si Xander at ang babaeng mahal na mahal niya na si Kylie.
"Kylie can you be my girlfriend?" Tanong ni Xander.
Matutulala si Alexandra sa narinig niya.
"Yes!" Matamis na yes ang naging sagot ni Kylie kay Xander.
At dahan dahang tutulo ang mga luha ni Alexandra na tila gumuho ang mundo niya ng sinagot ni Kylie si Xander.
Alexandra's POV
Ang sakit, ang sakit sakit, para akong sinaksak ng kapatid ko at ng taong Mahal ko.
Akala ko mahal niya ko, akala ko lang pala, tama ang sinabi ni Clifford, umaasa lang ako.
Ang hindi ko lang matangap, pano nila nagawa sakin ito. Sarili ko pa talagang kapatid?
"K-kuyaaa...?" Hindi ko na maintindihan ang tono ng tanong ko.
Naka ngiting lumingon si Kylie at Xander kay Alexandra at nag laho ang mga ngiti sa labi nila ng makita nila ang pag patak ng mga luha ni Alexandra.
"Bunso bakit?" Pag aalalang tanong ni Xander sa kapatid.
"Kuya, Bakit si Kylie! Bakit sa dami ng babae si Kylie pa talaga! Anong klase kang kapatid! Lahat nalang ng gusto mo nakukuha mo! pano naman ako? pano naman ako kuya!!"
Tumakbo palabas ng Library si Alexandra, umalis ito ng Campus, Mabilis niyang pinaharurot ang kotse.
Naka tanaw naman si Clifford sapag alis ni Alexandra.
_F L A S H B A C K
"Saan ka pupunta Kylie?" -Clifford
"Sa Library, tabi!" Mabilis na tumakbo si Kylie papuntang Library.
Saglit pa ng dumating si Jenny.
"Sinong hinahanap mo?" -Clifford
"Nakita mo ba si Kylie?" Tanong ni Jenny na hinihingal pa.
"Si Kylie? hmmm, Nakita ko siya pauwi na, At nasa gate na siguro yon"
Nag sinungaling si Clifford kay Jenny.
Agad niya namang sinundan si Kylie sa Library at doon niya nakitang matagumpay si Xander.At agad niyang sinilip ang Squad Area, Kung saan nag hihintay si Alexandra sapag dating ni Kylie.
Saglit pa ng dumating si Jenny, at nalaman niyang wala na si Kylie. Agad lumabas ng Room si Alexandra at hinanap si ito.
"Saan ka pupunta Alex?" Tanong ni Clifford kay Alexandra.
"Umalis ka sa harap ko Clifford! nag mamadali ako!" Seryosong muka ni Alexandra.
"Si Kylie ba ang hinahanap mo?" Tanong nito.
Natigilan si Alexandra, at tiningnan ni Clifford ang oras.
"Nasan siya!?"
"Asan si Kylie?"
"Sabihin mo sakin Clifford.""Sige, pwede kanang pumunta sa Library"
Ngumiti pa ito.Tatakbo na sana si Alexandra ng.
"Sandali" Pag pigil ni Clifford. At inabot ang panyo.
"Dalhin mo, just in case" Namay pang iinsultong ngiti.
Kinuha ito ni Alexandra, hinulog at inapakan.
Ng maka alis si Alexandra ay pasimpleng sinundan ito ni Clifford at pinanood ang mga ng yareng eksena.
_F L A S H B A C K O F F
Clifford POV
"Sorry Alexandra, Pero kahit anong gawin mo masasaktan at masasaktan kalang kay Kylie, Hindi ka niya gusto. At kahit naman magustuhan ka niya hindi ako papayag na mag ka tuluyan kayo."
"Sorry Alexandra pero Akin kalang"
-CliffordNaka uwi na ng bahay si Xander at agad niyang hinanap si Alexandra.
"Alexandra mag usap tayo, buksan mo ang pinto!" Sigaw ni Xander
Ng hindi niya makumbinsi sa pakiusap si Alexandra ay malakas niyang sinipa ang pinto dahil narin sapag aalala niya sa kapatid, baka anong gawin nito sa sarili niya.
"Sinira mo na nga yung pangarap ko para samin ni Kylie pati banaman pinto ng kwarto ko sisirain mo"
Sabi ng kapatid niyang si Alexandra na naka upo sa kama at naka tulala sa labas ng bintana, may hawak itong bote ng beer at makikitang nag kalat sa kwarto niya ang walang laman na bote. Umiiyak parin ito hanggang ngayon at awang awa naman sakanya ang kapatid niyang si Xander.
"Alexandra sorry" -Xander
"Kuya yung pinto ng kwarto ko maayos mo ba?" Tanong ni Alexandra
"Oo ayusin ko, sorry hindi ko sinasadya, natakot lang ako , akala ko kasi kung ano na ang ginawa mo sa sarili mo." Mabilis nitong sagot.
Tumayo si Alexandra at hinawakan sa braso si Xander.
"Eh yung relasyong inaasahan ko para samin ni Kylie maayos mo ba?" Sabay ngisi at hinagis ang bote ng beer.
Binanga niya pa ang kapatid niyang si Xander at lumabas ng bahay, Sumakay ito ng kotse at pinuntahan ang bahay ni Kylie.
Agad itong pinag buksan ni Kylie at pwersahan naman siyang hinila ni Alexandra sa kwarto at ihiniga sa kama.
Mabilis ang pang yayare at agad niyang hinalikan si Kylie.
"ALEXANDRA! ano ba!" Sigaw ni Kylie kay Alexandra at mariin siyang tinulak.
"Kahit onti Kylie? hindi moko nagawang mahalin?"
"Alexa-(cut)"
Biglang tinakpan ng mga daliri ni Alexandra ang labi ni Kylie, at mahigpit niya itong niyakap.
"Alam ko na Kylie, Wag mo ng sabihin, sorry ah mahal na mahal lang talaga kita."
Matagal siyang nakayakap kay Kylie at sa sobrang kalasingan niya ay naka tulog ito.
Hindi naman naiwasan ni Kylie'ng Hindi maiyak sa kalagayan ni Alexandra.
YOU ARE READING
"L O V E S T O R Y" SEASON 1
RomanceGaano mo man siya kamahal kung hindi kanaman minahal walang magagawa ang yong pag mamahal. "Tulad ng pangako ko, gusto ko kayong makitang masaya." Minsan kailangan nating sumuko para hindi tayo gaanong masaktan, dahil ang pag mamahal ng labis sa ta...