Love Story
"Nakita ko si Clifford niyakap niya si Alexandra! Ahas siya! malandi!"
"Kylie hindi yon kasalanan ni Alexandra, Si Clifford ang may kasalanan, Siya lang naman ang may gusto kay Alexandra bakit sigurado kabang may gusto din si Alexandra kay Clifford? hindi mo ba alam na......"
"Na?" Na bitin si Kylie sa sinasabi ni Jenny at tinunga ang can ng beer.
"Alam mo Girl? Wag kang manlimos ng pag mamahal ng isang tao, kasi kung ayaw sayo ayaw sayo, dun ka sa taong kaya kang mahalin at kaya kang bigyan ng atensyon na hinahanap mo." At sabay tunga ng beer.
_Next Scene / Alexandra
"Oh bakit tulala ka, Anong iniisip mo ha?" Pang aasar ni Josh kay Alexandra.
"Ano ba! sa susunod na guguluhin mo ang buhok ko matuto kang mag paalam ah!" -Alexandra
"Nasaan si Xander?" -Josh
"Nasa kwarto niya, dun kana nga! panira ka!"
Tinapunan ni Alexandra ng masamang tingin si Josh, At agad naman itong umalis.Alexandra's POV
Kung maaga ko lang nalaman na si Clifford pala ang dahilan ng pag iyak ni Kylie edi sana hindi mag kakaganto, At ako pano ako? Bakit ako nag kaka ganto? Bakit sobra akong Nasasaktan kapag nakikita ko si Kylie'ng umiiyak?.
"Alexa aalis ako, paki sabi kay mommy"
Nakatayo si Xander sa likod ni Alexandra ngunit hindi man lang ito napansin ni Alexandra.
"Alexandra! Lalim ng iniisip ah!?" Nilakasan nito ang kanyang boses na kinagulat naman ni Alexandra.
"ah----h ano?a-nno? s--sabi mo?"
"Aalis ako, paki sabi kay Mommy pag hinanap ako" At agad itong lumabas kasama si Josh.
_Next Scene
Nag lakad pauwi si Jenny at mukang may tama, pa ekis ekis na ang pag lalakad nito at nag sasalitang mag isa, habang may hawak hawak na can ng beer.
Saglit pa ng lapitan ito ng 2 lalaki at mukang may binabalak na masama.
"Ano ba! wag nyo ngaahkong haawankan!" -Jenny
"Sumama kana samin ihahatid ka namin"
Sabi ng isang lalaki at pwersahang hinila si Jenny.Maririnig ang malakas na bosena ng Kotse at may bababang lalaki.
"Hoy bitawan mo siya!" Sigaw nito sa dalawang lalaking nag babalak kay Jenny.
"Heyy! Kya! help me ,help plss help" sunod sunod na sigaw ni Jenny.
Wala ng nagawa si Josh kundi ang patulan ang dalawang lalaki na nag babalak ng masama kay Jenny.
Ng maka takbo ang dalawang lalaki ay agad namang kinuha ni Josh ang can ng beer sa kamay ni Jenny at tinapon ito.
"Panong hindi ka babastusin tingnan mo naman ang sarili mo! Ka babae mong tao umiinom ka , at nagagawa mo pang mag lakad lakad sa kalye ng ganyang ang lagay mo?" Pag aalala ni Josh sa babae.
Sasakay na ng kotse si Josh ng hindi siya pinayagan ni Xander.
"Oh bakit?" -Josh
"Ganon lang yon? Iiwan mo yang babae jan sa kalye? Pano kung balikan yan?" -Xander
"Hyst!!" Wala itong nagawa kundi ang yayain si Jenny na sumama sakanya.
Hindi naman siya nahirapan dahil nag kusa si Jenny na pumasok sa sasakyan (ang kapal ng muka no?)
Magkatabi si Josh at Jenny sa likod at si Xander naman ang nag mamaneho.
"San kaba nakatira?" Tanong ni Josh
"Ikawww ba? Saan ka naka terah?" Sagot ni Jenny na kina inis naman ni Josh, Natawa nalamang si Xander sa dalawa.
Lasing na lasing na talaga si Jenny at wala ng kontrol sa sarili niya, Walang hiyang pina gewang gewang ni Xander ang kotse dahilan para mapasandal si Jenny kay Josh.
YOU ARE READING
"L O V E S T O R Y" SEASON 1
RomansaGaano mo man siya kamahal kung hindi kanaman minahal walang magagawa ang yong pag mamahal. "Tulad ng pangako ko, gusto ko kayong makitang masaya." Minsan kailangan nating sumuko para hindi tayo gaanong masaktan, dahil ang pag mamahal ng labis sa ta...