Chapter 20

4 1 0
                                    

Love Story

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi  parin kinakausap ni Kylie si Xander.

Hindi narin nag papakita si Alexandra kay Kylie. Kung kayat nag taka ito.

Nalaman niya din ang balitang hindi na nag pa pansinan ang mag kapatid.

Kung kayat nakapag pasiya ito.

Kylie's POV

"Mahalaga kadin sakin Alexandra, Isa ka sa mga alaalang hindi ko makakalimutan, kung alam mo lang, crush kaya kita kaso ayokong masira yung friendship natin kaya mas minabuti kong alisin kung ano man ang nararamdaman ko para sayo, at hindi nako nahirapan don, kasi dumating si Xander, Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya."

"Parehas kayong mahalaga sa buhay ko, Kaya hindi ko hahayaang masira ang pag sasama niyong mag kapatod ng dahil sakin ako nalang ang iiwas, Wala akong pipiliin sa inyo, Tuluyan narin akong makikipag hiwalay kay Xander, Dahil marami lang ang masasaktan kapag pinag patuloy pa namen ang relasyon namin ni Xander."

"Sakabila ng kabutihan ni Alexandra wala pa akong nagagawang mabuti sakanya, Kaya kahit masakit gagawin ko, iiwan ko si Xander, Para sa katahimikan ni Alexandra, Gusto ko din kasing mabuhay ng tahimik at malayo sa gulo."

_Next Day / Library

Nakipag kita si Kylie kay Xander sa Library kung saan nag simula ang pag mamahalan nila. Kung saan sinagot niya si Xander ng matamis na Yes/OO.

"Salamat naman at pumayag kanang makausap kita, Kylie pakinggan mo ko, sasabihin ko sayo lahat" -Xander

"Xander, Sorry pero wala na akong oras para makinig sa mga sasabihin mo, Gusto ko lang sabihin sayo na ayoko na at itigil na natin to, Hindi na kita mahal Xander."

"Hindi ako naniniwala sayo Kylie,alam ko at Nararamdaman kong mahal moko," Pinipilit ni Xander pagaanin ang loob, at e kalma ang sarili.

"Diyan ka nag kakamali, Ayoko na talaga Xander" Mabilis ang naging sagot ni Kylie.

Nilagpasan niya si Xander ng  bigla siya nitong hawakan sa kamay.

"Sabihin mo sakin yan ng Mata sa mata, saka lang ako maniniwala Kylie." Pag pigil ni Xander, nabago ang tono ng boses nito at na mumula ang mga mata dahil sa mga luhang gusto ng kumawala.

Tinitigan naman ito ni Kylie ng mata sa mata na walang pag aalinlangan.

"Hindi na kita mahal Xander!" At tuluyan niya itong nilagpasan.

Napa luhod si Xander sa sinabi ni Kylie at hindi niya namalayan ang pag bagsak ng mga luha sakanyang mga mata.

Xander' POV

"Hindi to totoo! Mahal niya ko, Nararamdaman ko yun, Hindi ganon si Kylie hindi niya ko iiwan!"

_Flash Back / Garden

"Ang ganda ng mga bulaklak" Sabi ni Kylie habang naka ngiting pinag mamasdan ang mga bulaklak.

Pasimpleng kukunan ni Xander ng litrato ang babaeng ito.

Naupo si Kylie at inilapag ang bag sa tabi niya. Meya meya ay nakita niya ang napaka gandang paro paro at agad niya itong sinundan. Naiwan niya ang bag niya sa upuan.

Agad namang iniwan ni Xander sa ibabaw ng bag ni Kylie ang litratong kinunan niya kanina lang at umalis.

_Flash Back Off

"Hindi ko kayang sumaya kung hindi ko makikita ang mga ngiti ni Kylie, Hindi ko kaya ng wala siya, siya na ang mundo ko, hindi ko magagawang sumaya ng wala siya."

At patuloy ito sapag iyak. Habang bumabalik sa kaniyang alaala ang mga nakaraang mayasa silang mag kasama.

_Next Scene

"Ano!!? nag break na sila ni Kylie?" Gulat na tanong ni Josh.

"Oo kanina lang, Iyak nga ng iyak si Kylie eh, Wag kang maingay ah!" -Jenny

"Bakit? Anong dahilan? sino sakanila ang nakipag break? ano bayan!?" Sunod sunod na tanong ni Josh.

"Aba malay ko! Parehas silang umiiyak ni Xander eh, ayoko namang tanungin si Kylie, ayokong sirain yung moment niya, Hayaan muna natin silang umiyak, gagaan din ang loob ng dalawang yan"

"Oh sige sige, Anong balita kay Alexandra?"

"Tama! Samahan moko Josh at hahanapin natin si Alexandra, Sigurado siya ang dahilan nito." -Jenny

_Next Scene / Airport

Alexandra's POV

"Alam kong makakabuti ito para sa lahat,
Alam kong mahal nila ang isat-isa kaya ako nalang ang lalayo."

_Next Scene / Classroom

Huli na ng pumunta sila sa Classroom ni Alexandra.

"Ano? 3 days na siyang absent?

Hindi sinasadyang nag ka sabay ng tanong si Jenny at Josh.

Lumabas sila ng Woon Sung University, Mabilis nitong minaneho ang sasakyan papuntang Mansion nila Alexandra.

Ng makarating si Jenny at Josh agad nilang tinanong ang guard ng gate.

"Kuya Guard? asan po si Alexandra?"

"Wala napo si Maam, Nakaalis napo."
Sagot naman nito.

"Saan po siya papunta?" Tanong ni Josh

"Ay iho, kanina pa siyang madaling araw naka alis, baka nga nasa Singapore nayon ngayon."

_Fast Forward

"Ito na nga lang ang natitirang pag asa natin para mapag ayos natin si Kylie at Xande. Na palya pa!" -Josh

"Oo nga! Si Alexandra lang naman ang may kakayahang makapag pabago ng isip ng dalawa, Kasi si Xander kapatid niya, si Kylie naman Mahal niya at syempre kaibigan niya kaya mapag aayos niya ung dalawa. Kaya kailangan talaga natin siyang makumbinsing bumalik dito" -Jenny

Kaso ngalang hindi na nila ma contact si Alexandra. Kaya mas minabuti nilang kausapin nalang si Kylie at Xander.

"Pano yan sino ang kakausap kay Xander? Ikaw o ako?" Tanong ni Josh.

"Ako! Ako na ang kakausap sakaniya at ikaw naman kay Kylie, ayusin mo ang mga sasabihin mo ah? sensitive panaman yun" -Jenny

Ngunit lumipas na ang ilang araw ay hindi nila ito nakumbinsi, ayaw ni Kylie at Xander  mag pa istorbo. Mag mumuka kalang tanga sa kakapilit na makausap sila.

Huli na ang lahat at wala na silang nagawa, hindi na nila nalaman ang dahilan ng pag alis ni Alexandra at kung ano ang dahilan kung bakit nag hiwalay si Kylie at Xander.

Napagod nadin si Jenny at Josh sa kakapilit sa dalawa. Kung kayat tumigil na sila at tinangap nalang ang ng yare.

Palagi ng mag kasama si Jenny at Josh.
At habang tumatagal ay nababawasan na ang pagiging asot pusa nila. Bihira nalang sila mag bangayan, madalas narin silang kumain sa labas at mag simba linggo linggo.

At si Clifford naman ay palagi mong makikitang tumatakbo, hindi para sa
sport, Kundi para mag tago sa babaeng palagi sakanyang bumubuntot.

Naaalibadbadan kasi ito sa babae, at kahit  may ichura o maganda ito, hindi niya magawang patulad dahil sa pagiging isip bata ng babae.

"L O V E S T O R Y" SEASON 1Where stories live. Discover now