"Laro tayo"
Isa, dalawa, Tatlo.
Puso ko'y naging bato.Apat,lima, amin.
Ako'y aamin.Pito,walo,siyam
Pag-ibig mong inaasam.At pagsapit ng sampo
Ako'y nangangako.Halina,halina at maglaro.
Pag-ibig na nakatago
Sa nag-iisang puso
Na nagmamahal sayo
Nang tunay at totoo.Psst! Tara, laro tayo.
Kunware mahal mo ko.
At magmamahalan tayo.'Di na baleng ako.
Ako ang magsakripisyo.
Sa relasyon nating ito.Pwede ba?
Sabayan mo ako.
Kahit kunware lang sana ay mahalin mo
Mahalin mo rin ako.Alam ko sa larong to.
Ako yong talo.
Pero dahil sa pagmamahal ko.
Kaya kong ipadama sayo.
Na kahit nasasaktan na ko.
Ay kakayanin ko.
Hanggang sa matapos ang larong pinasok ko.
At ikaw ang kasama ko.Halika, Laro tayo.
Yong kunware masaya ka sa piling ko.
Yong kunware ako yong pinakamamahal mo.
Yong larong ako,ako yong taya sa 'ting tatlo.
At ako,ako yong nagpupumilit pumasok sa buhay mo.Patawad mahal ko.
Kahit na mahirap to para sayo.
Ay tinanggap mo ang laro,larong inalok ko.Sana maintindihan mo.
Kung bakit ko ginawa ito.
Kahit na masaktan pa ako.
Dahil sayo.
Ay ayos lang basta makasama ko ang katulad mo.----
BINABASA MO ANG
RED POETRY
PoetryMga tulang hindi ko inaasahang maisususlat at magagawa Mga tula ni pula. Pulang tinta📌