Chapter 6

3 0 0
                                        


"Nandito kayo?"tanong ko nang madatnan sila sa living room at komportableng nanonood.At ang mga timang naka-uniform pa.Nauna sila samin ni Tyro kase tumigil pa kami sa Mall para bumili nang libro at mga gamit sa school,naubusan na kase ako.Masipag na ba ko nun?

Napatingin sakin si Jaja "Bat ba lagi ka nalang huli?"

Naglakad ako papunta sa kanila "Tss.May binili kami sa mall,teka bat ba kayo nandito?"tanong ko.

"Nabalitaan naming magluluto si Tita nang Adobo,kaya pumunta kami."ani Maya at nagkibit-balikat.

I arched my brow "Kanino nyo naman nabalitaan yan?"

"Sa Mama mo."ani Shawn.Tss,pustahan late na sila makakapagdinner.Late kase si Mommy umuuwi pag gantong Thursday.

Napa-ingos ako sa kanila bago nagpaalam na aakyat lang ang magpapalit nang damit.Wala naman silang naging tugon dahil busy sa panonood.I went to my room and clean my self before changing my clothes.I just wear a oversized pink jacket partnered with white pajamas and tied my hair in a bun.

Nang makababa ako ay ganun pa din ang sitwasyon nila at tutok na tutok sa panonood.Napailing-iling nalang ako at dumeretso sa kusina para uminom nang tubig,medyo namamalat kase yung lalamunan ko.

"Oh,Ma nandito kana?i thought malelate ka nang konte?"i asked nang madatnan ko si Mommy sa kusina,nakasuot sya nang purple apron at naghihiwa nang karme.

Napatingin naman sya sakin at ngumiti "Tinapos ko na ang dapat kong tapusin sa opisina kaya maaga ako,also i'm cooking adobo for them,they told me na namiss nila adobo ko kaya naman ipagluluto ko sila."aniya.

Napangiwi ako dahil dun.Tss,kakapal nang mga peslak ah? "Need help,Mommy?"i asked.

Umiling naman sya at ngumiti "It's ok,i can handle this."she said.

Tumango-tango ako saka dumeretso sa ref,para kumuha nang tubig "If you need help,tawagin mo lang ako."i said,tumango naman sya.Dumeretso ako sa living room at naupo sa tabi ni Chase na komportableng nakahiga sa sofa.

Tinapik ko ang binti nya dahilan para mapatingin sya "Paupo ah?"sarkastikong aniko.

Binaluktot naman nya yung binti nya para mabigyan ako nang kakarampot na space.I tsked bago maupo.Para tuloy akong nasa jeep na sisikan.

Tiningnan ko kung anong pinapanood nila.My face went blank nang makitang Cartoons yun na Mr.Bean,psh!mga isip bata.

Napabaling ako kay Chase nang bigla syang umupo at medyo sumiksik sakin.

"Diba jacket ko yan?"biglang tanong nya.

Napatingin naman ako sa suot ko.Oo nga no? "Oh,ano naman?"tinaasan ko sya nang kilay.

Bigla syang humarap sakin "Alam mo bang ilang araw ko yang hinahanap,nasayo lang pala."aniya at pinitik ang noo ko.

Napahawak ako dun at hinimas-himas dahil sa sakit at hapdi "Sira ka ba?di ba sabi ko sayo akin nalang?pumayag ka naman diba?"pinitik ko din sya sa noo.Napakunot ang noo nya,he tilted his head,iniisip kung kelan yun.

Mariin akong napapikit nang pitikin uli nya noo ko "I didn't say na pumayag ako,sabi ko hiram lang hindi bigay."

"Parehas lang yun!syempre pag hiniram mo,di mo na ibabalik!arbor ba."pinitik ko sya sa ilong.

Napakunot noo nya "Anong arbor?"

Mali ba? "Albor."ani ko at binago.

"Luh?shungag."aniya at malakas na tumawa.

"Ay bwisit!manahimik ka nga!"saway ni Jaja at pinalo sya nang malakas.Napaigtad naman sya nang konti at napangiwi.Natawa din ako nang makitang bumakat dun yung kamay ni Jaja at namumula-mula pa.

Ever since we're kid(Barkada Series #1)Where stories live. Discover now