Hometown
We still had a little conversation before deciding to go home. Hinatid niya ulit ako bago siya umalis.
He decided to take me to his hometown next week. We will be staying there for 3 days so I had to take a leave from work.
Pumayag ako kasi ilang buwan na din simula no'ng huling gala ko.
Mabilis na lumipas ang araw. Nag i-impake na ako ng mga dadalhin ko sa lakad namin dahil bukas na kami aalis. We will travel by land , that's what he said. I just get a carry on luggage bag. Ayoko ng maleta , hindi naman ako mangingibang bansa.
Nagkasiya na sa isang bagpack at isang duffel bag ang gamit ko. Inside my bagpack is my skincare products , and other essentials. My clothes are on my duffel bag. I also bring a slingbag para hindi ko na kailangang dalhin ang bagpack ko sa tuwing mamamasyal kami.
I just wear a pair of white shorts and a black halter top. I paired it with my white rubber shoes and black sling bag.
Sinundo niya ako sa basement. He then surveyed my look before helping me with my things. He was wearing a dark maong pants and a plain gray v-neck shirt.
He really look so hot and handsome with his outfit.
Habang inilalagay niya sa likod ang gamit ko ay umupo na ako sa front seat. 8 hours ang biyahe namin so sasakit ang pwet ko. Pinakialamanan ko ang stereo niya saktong pagpasok niya sa driver's seat. Hinalikan niya ako sa pisngi dahilan ng pag init ng pisngi ko. He saw his effect on me so he parted his lips out of shock.
" Bumili tayo ng pagkain sa drive-thru. I'm a bit hungry. " I said trying to start a topic.
He gazed at me before looking back on the road. " You didn't eat breakfast? "
" I did pero unti lang. "
It's 4 o'clock in the morning. Mas maganda raw pag maaga para saktong pag dating namin do'n ay lunch na.
" Kain nalang tayo sa isang restaurant , maaga pa naman. "
Tumango ako atsaka niyakap ang sarili.
Ang lamig pala and I didn't even bother wearing a jacket.
Nagulat ako ng abutan niya ako ng hoodie.
" Wear it. Ang aga aga kasi naka sando at shorts ka. " sermon niya.
Ngumuso ako atsaka sinuot 'yun. He parked his car in front of a restaurant. 24 hours open pala sila.
Paglabas ko ay doon ko lang napagtanto na masiyado palang malaki saakin ang green na hoodie niya. Para tuloy akong walang shorts.
Inakbayan niya ako bago pumasok. I felt so little beside him.
Pagka-upo namin ay agad kaming dinaluhan ng waiter. " Good morning sir and ma'am. May I take your order , please? "
I look at their menu before telling my order.
I ordered a butter chicken and one iced coffee.
I'm obsessed with coffees.
He ordered the same , too.
" Gaya gaya " I teased which made him laugh and roll his eyes.
Nagpa take out rin siya ng burgers , fries at drinks para daw mamaya.
" Saan tayo tutuloy do'n? " I asked pertaining to their hometown.
" We have a resort sa hotel tayo tutuloy. "
" Okay. "
We were quietly eating when suddenly a waiter walk towards us and he handed me a bouquet or roses.
I was hesitant at first to get it but when I saw Riz's name on it I immediately get it.
" Ikaw nag papadala ng mga bulaklak sa opisina , 'no? " tanong ko.
" Yup " he said popping the p.
Kumalabog ang puso ko at nag init ang mukha ko. Hindi ako nagsalita dahilan ng pag angat niya ng tingin.
" You're blushing , " he said while pointing at my face using his fork.
Umirap ako dahilan ng pagtawa niya.
I feel so embarrassed because he saw me blushing.
" Just eat your meal , please. " I almost begged.
He chuckled before finishing his meal.
Nang matapos kami ay nagbayad siya bago kami tumuloy sa paglalakbay.
" Your hometown is in Ilocos Norte , right? " I asked and he just gave me a nod.
" We're staying in a beach resort. " he said before looking at me.
I smiled excitedly , oh how I love beaches.
" Pagudpud beach? "
I heard maganda daw do'n. I've never been there.
" Uhuh , you've been there already? " tanong niya pero umiling lang ako.
" Sa Baluarte Zoo lang "
Bumaling nanaman siya saakin bago ibinalik ang paningin sa daan.
" Stop looking at me! Pag tayo nadisgrasya , ah! " asik ko.
" Tss , we won't. "
Nakangiti tuloy ako habang nakatanaw sa bintana.
I miss the waves touching my skin!
" You're smiling like an idiot. " he commented.
Sumama ang mukha ko , inis akong bumaling sakaniya.
" You really are so mean! "
He laughed making me stare at him.
" Kidding "Damn even his chuckles are so hot.
He then told me to sleep kasi mahaba pa daw ang biyahe and that's what I did.
I woke up when I can feel the sun touching my skin. Hindi pa naman nakakapaso pero nakakasilaw na.
Humikab ako atsaka tinignan ang katabi. Bumaling siya saakin ng maramdamang gumalaw ako.
" If you're hungry may burger at fries pa diyan. " he said.
I get it from where it was since I'm really hungry.
Kumagat ako sa burger at inalok siya. Kumagat din siya do'n. Huminto ulit kami sa isang drive-thru para umorded ng inomin.
I was the one who pay it this time.
Sinusubuan ko siya paminsan minsan at tinutulongan ring uminom.
Like we can stop so he could eat properly but when I checked the time and I realize that it's already 11:00 am hindi na ako nag reklamo.
" Malapit na tayo? " tanong ko.
" Isang oras na lang , no worries may nakahanda ng lunch natin do'n pagdating natin. "
Mukha ba akong gutom?
" Hindi naman ako masiyadong gutom. "
His brow shot up " You're telling me that when you already ate 4 burgers. "
Nagsalubong ang kilay ko. " Nakikain ka rin kaya! "
Tumawa lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko.
Nag pa music lang kami at sinasabayan ko lang ang kanta hanggang sa i-anunsyo niya na nandito na kami.
Nag picture pa kami sa mga windmills kanina , e.
" Ang ganda " puno ng paghangang sabi ko ng makita ang kulay asul na dagat.
Ngumiti siya at bumaling saakin , naka labas na kami ng sasakyan.
" Yeah , just like you. "