I could still remember the first time we talked...[03]
Natapos ang gabing yun nang hindi man lang nasagot ng dalaga ang tanong ni Kiro. Balak niya kasing tumambay do'n hanggang sa dalawin siya ng antok pero biglaan siyang nakatanggap ng tawag mula sa Mommy niya. Agaran siyang pinauwi nito dahil daw isinugod sa ospital ang panganay nilang anak.
Samantala, tulad ng dalaga ay pumunta rin ang lalake sa lugar na yun para magpahangin sana pero kapwa nila hindi inasahan na magkikita sila sa gano'ng pagkakataon.
Hindi siya sinagot ni Layla dahil para sa dalaga ay hindi niya naman talaga iyon kailangan sagutin. Isa pa, hindi niya ito kilala at paniguradong hindi rin siya nito maiintindihan. Baka tulad lang din siya ng iba na kunwari concern, yun pala ay hindi kundi naghahanap lang ng pweding pag-usapan.
"How is he? Okay lang ba siya?" tanong ni Kiro sa doktor ng Kuya niya
May sakit kasi ito sa puso kaya masyadong napasakanya ang atensyon ng lahat. Mula sa grandparents at parents niya, laging Kuya niya ang bukambibig. Yun ang dahilan kung bakit malayo ang loob niya sa pamilya kasi pakiramdam niya, hindi siya naging parte nito. Pakiramdam niya ay ayaw sa kanya ng lahat. Pakiramdam niya wala siyang lugar sa pamilyang mayroon siya.
"He's stable now. No need to worry. If you won't mind, may I excuse myself?" tumango lang si Kiro bilang pagsagot
Nang makalayo ito ay agad siyang pumasok sa kwarto kung saan naka confine ang kapatid. Kahit naman hindi sila magkasundo ay hindi niya naman pinagdasal na mangyari ito. Kahit na kinamumuhian niya ay hindi umabot sa ganito ang nasa isip niya.
"Bilisan mong gumising diyan. Hihiga-higa tsh! Di bagay sayo.." kunwari galit niyang sambit pero ang totoo, may pag-aalalang namuo sa dibdib niya
Ilang minuto ang lumipas nang makarating ang apat niyang tropa.
Magkasabay sila na pumasok sa loob kasama ang lolo at ang parents niya kaya naman biglang nag-iba ang aura niya. Pakiramdam niya naging mas malamig ang hangin."Let's go. I did my part already.." malamig niyang sambit sa tatlo na nagkatinginan lang sa isa't-isa
Matapos sambitin yun ay napadako sa kanya ang mga mata ng kanyang lolo habang ang parents niya naman ay abala sa pagtitig sa kanilang masakiting anak.
"Tara na.." sambit ulit ni Kiro
Ang totoo ay gusto niya lang naman sana ipaalam sa mga magulang na andun siya, nasa paligid siya at humihinga. Nais niya ipaalala sa mga ito na may isa pa silang anak na nangangailangan din sa kanilang atensyon at pagmamahal pero bigo siya dahil pagpasok palang ng mga ito, agad nang dumapo ang kanilang mga tingin sa kanyang nakatatandang kapatid. Ni hindi siya nito nabigyan ng kahit ilang segundong tingin.
"Have you eaten, hijo? Kung hindi pa ay sasabayan kita.." suhestyon bigla ng kanyang lolo nang mapansin nitong kanina pa siya nakatingin sa mga magulang
Malamig na tiningnan ni Kiro ang kanyang lolo sabay balik ng tingin sa likuran ng kanyang mga magulang habang ang apat naman ay nauna ng lumabas at naghihintay na sa pintuan.
"No need. Just spend your time with my damn brother. Mas kailangan niya kayo.." walang emosyon niyang sambit
Matapos banggitin ang mga salitang yun ay agad nagpantig ang tainga ng kanyang Daddy kaya agad siya nitong kinwelyuhan hindi paman din siya nakakahakbang patalikod.
"Kiro!" sa galit ay yan na lamang ang naisambit ng kanyang Daddy habang ang kaliwang kamay nakakuyom at natigil lang sa ere. Halos mamula na ang mukha nito sa gali at ang mga mata'y halos nanunubig na
BINABASA MO ANG
THE BONNET GIRL ( COMPLETED )
Short StoryTwo persons with opposite personality. Is there a possibility for them to end up together?