I could still remember the first time I saw you...[01]
Masaya silang tumatambay sa likod na bahagi ng paaralan kasama ang mga tropa.
Mahangin do'n at tahimik kaya walang makakapansin sa kanila na mga estudyanteng sipsip at papansin sa mga instruktor.
Isa pa, madalas na nila iyong ginagawa dahil mas nalilibang sila kaysa sa pumasok sa kani-kanilang klase.
"Tol, pasindi," anas ni Kiro sabay abot ng sigarilyo sa tropang si Marc
"Uso bumili ng lighter, tangina!" may inis na sagot nito matapos iyon sindihan pero nagtawanan lang ang iba sa tropa nila
Naisip kasi ni Marc na bibisyo-bisyo itong si Kiro pero hindi naman bumibili ng sariling panindi at nakakaasar yun para sa kanya pero di niya lang pinapakita. Ano pa't sila-sila lang din naman. Isa pa ay parang magkakapatid na rin naman silang lima.
Sa oras namang iyon ay katatapos lamang ng babae na makatanggap ng sermon mula sa matandang instruktor.
"Please naman, Layla! Listen to them so that you'll learn. This is for you, okay? Wag mong sayangin ang chance na makapag-aral ka!" napatawa siya ng mapakla nang maalala ang sermon sa kanya pero ilang segundo lang ay balik ulit sa walang emosyong mukha lalo na't sa classroom ulit ang punta niya.
Pero imbes na pumasok sa klase ay mas pinili niya na dumiretso sa likuran para puntahan na sana ang tambayan niya kung kaya't di maiiwasan na madadaanan niya ang mga tanyag na rule breakers kasama na ro'n si Kiro.
Agad naagaw ni Layla ang atensyon ni Kiro kasama ang mga tropa nito na kunot-noong nakatingin sa kanya habang diretso lamang siya sa paglalakad.
Ang plano niya ay lagpasan lamang ang mga ito. Yung tipong parang hangin lang siya.
Pinagdarasal niya na sana ay babalewalain lang ng mga binata ang kanyang presensya dahil wala naman talaga siyang plano na maglaan ni segundo ng kanyang oras.
At, ayaw niya talaga ng atensyon. Mas gugustuhing niya walang makapansin sa kanya. Mas gugustuhin niya ang mag-isa.
"Bulag ata.." sambit ni Josh sabay iling pero hindi inaalis ang tingin sa babae
Hindi itatanggi ni Layla na nakita niya naman talaga ang lima pero wala lang talaga siyang interes na tingnan ang mga ito lalo na't masama ang loob niya.
Kunsabagay, lagi nga palang masama ang loob niya.
Ang dahilan?
Ano nga ba?
Si Kiro naman ay hindi mapigilang mainis sa inasal ng babae kaya binato niya ito sa ulo ng walang laman na canned beer.
"I'm sure, lilingon yan! Haha Ano, pustahan pa?" natatawang sambit ni Jonjie pero nanatiling nakatingin sa babae na ngayon ay napatigil sa paglalakad
Inayos ni Layla ang kanyang suot na bonnet na kulay maroon sabay hinga ng malalim.
Pinipigilan niya ang sariling patulan ang mga ito.
Pinipigilan niya rin ang sariling mainis dahil siguradong masasayang lamang ang oras niya.
"Ayan na! Lilingon na!" rinig niyang sigaw ng lalake kaya napapikit na lamang siya habang hindi parin pagkakakitaan ng anumang emosyon sa mukha
Si Kiro naman at Radleigh ay tahimik lang na naghihintay na lingunin sila ng babaeng naglakas loob na sila ay hindi bigyang pansin pero bigo sila dahil dumiretso lamang ito sa paglalakad at tuluyan na silang nilampasan.
BINABASA MO ANG
THE BONNET GIRL ( COMPLETED )
Cerita PendekTwo persons with opposite personality. Is there a possibility for them to end up together?