I could still remember the first time I saw you smile...[06]
Kinabukasan ay naunang nagising si Layla. Agad siyang bumangon sabay alis ng bimpo na nakadikit sa noo at pinakiramdaman ang sarili. Nang mapansing loose T-shirt na ang suot niya ay agad siyang nagtaka sa kadahilanang paano niya iyon naisuot.
Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Nang makatapat niya ang isang human sized mirror ay pinagmasdan niya ang sarili. Yung sugat niya sa mukha ay may band aid na pero hindi iyon ang pinagtuunan niya ng pansin kundi yung mga mata niyang namamaga. Malaki ang kanyang eye bags na halatang kagagaling sa pag-iyak. Masyado ring matamlay ang mga mata niya dahil ramdam niya na sobrang taas parin ng kanyang lagnat.
Paglabas niya ay nagpasya siyang pumunta na muna sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pagdating niya roon ay naabutan niya si Kiro na nakatalikod habang naka towel lang ito. Nang mapansin siya ng binata ay agad nanlaki ang mga mata nito habang nakanganga at nakaturo sa kanya.
"H-hoy, hoy, h-hoy! Bastos 'to! Tumalikod ka nga!" sigaw nito pero malamig niya lang itong tiningnan sa mga mata pero hindi maipagkakaila ni Layla na palihim na humanga sa maganda nitong katawan
"Tss," anas niya na lamang sabay talikod at naghanap ng ref para kumuha ng bottled water doon
Nang makaalis na ang dalaga sa kusina ay napahawak naman si Kiro sa kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman.
"Fuck! She saw my naked body! What a lucky girl!"
Matapos ang ilang minutong paghahanda para sa almusal ay pumasok na muna si Kiro sa kwarto niya hindi lang para magbihis kundi para narin kunin ang mga damit at bonnets na ibibigay niya sa dalaga.
Nasa kabilang kwarto ito. Nakatayo lang ito sa tapat ng bintana nang pasukin ito ni Kiro na hindi man lang kumatok.
"Di ka man lang kumatok. What if you see me here, naked?" malamig na tanong sa kanya ni Layla pero nakatalikod parin ito sa kanya
"Sorry, okay?" panimula ng binata sabay pasok
Sinara niya nalang din muna ang pinto bago naglakad palapit sa dalaga habang dala ang dalawang paper bags.
Lumingon naman sa kanya ang dalaga sabay tingin sa kanya pababa sa dala nito.
"Here, take this," kunot-noong inabot ng dalaga ang mga iyon nang wala man lang pag-aalinlangan
Napangiti naman ang binata nang makitang bahagyang napangiti si Layla kahit paano. Hindi man ito gaano kalaking ngiti pero ayos narin sa kanya iyon dahil sa katotohanang kahit paano, nagawa niya itong pasayahin.
"Tara, kain na muna tayo..." pag-aya niya rito sabay una sa paglalakad
Ayaw niya kasing ipakita sa dalaga na masaya siya. Parang dati lang, ayaw pa siya nitong kausapin. Ni tingnan siya ay hindi nito magawa pero ngayon, nakita niya na ang iba't-ibang side ng dalaga. Pakiramdam niya ay nakikilala niya na ito. Hindi man gano'n kalalim at karami ang alam niya rito, alam niya na kung gagawa lang siya ng paraan ay malalaman niya rin iyon kalaunan.
"Tol, sama ka? Ihahatid namin si Jonjie sa airport bukas. Pinapapunta kasi siya ng Dad niya sa Thailand dahil may emergency daw,"
Agad naman tumango si Kiro sa sinabi sa kanya ni Marc. Di rin kasi nila alam kung hanggang kailan ang kaibigan doon kaya napagdesisyunan nila na ihatid ito.
"What? Ang tanong kung papayag ba siya," kunot-noong anas ni Josh nang sabihin ni Kiro sa kanila na isasama niya si Layla para malibang naman ito
BINABASA MO ANG
THE BONNET GIRL ( COMPLETED )
Short StoryTwo persons with opposite personality. Is there a possibility for them to end up together?