I could still remember the first time I hugged you...[07]
Batid ni Kiro na masaya ang dalaga nang igala niya ito. Ang totoo ay hindi niya naman alam na gano'n ang magiging reaksyon ni Layla. Hindi man ito masyadong halata sa kanyang mukha ay makikita mo naman ito sa kanyang mga mata at para sa binata ay sapat na iyon kaysa naman sa makita niya itong walang emosyon.
"I need to go. Just text me when you're coming para masundo kita. I saved my number in your phone. Bye!"
Nasa mesa si Layla ng mga sandaling iyon nang sabihin iyon ni Kiro. Gusto niya itong sapakin sa pangengealam nito sa cellphone niya pero hindi niya na nagawa dahil ngumunguya pa siya. Isa pa, maayadong mabilis ang kilos ng lalake na halatang ayaw lang marinig ang sagot niya.
"That dumbass! Did he really save his number?" napapailing niyang saad sabay ligpit ng pinagkainan pagkatapos ay hinugasan na rin ito
Nang makarating naman sa unibersidad ay agad sumalubong sina Josh, Radleigh at Marc sa kanya na sobra kung makangiti.
"What's with that smile? You literally looked like joker!" pamimikon niya rito sabay akbay sa kanila habang naglalakad sa hallway
"Lol! Ikaw kaya 'tong mukhang joker!" banat naman ni Marc kaya bahagya niya itong sinuntok sa sikmura na agadran namang umarte na nasasaktan
"You really had fun with that girl, huh?" sabat ni Radleigh na agad ikinatigil ni Kiro
Pati narin sina Josh at Marc ay napahinto na kapwa may nagtatakang tingin sa dalawa.
"Tol, she has a name. And, she's not just a girl, okay? Tara na nga!"
Nang magpatiunang maglakad si Kiro na panay ang iling ay magkibit balikat lamang si Radleigh. Hindi niya naman alam kung alin sa sinabi niya ang ikinapikon nito at ang dapat ikagalit. Para sa kanya ay normal lang naman iyon kaya gano'n nalang ang pagtataka ng tatlo.
Habang abala sa klase, si Layla naman ay umalis na muna sa condo ng binata at gumala. Kung dati ay nagdadala siya ng kaha ng sigarilyo, ngayon naman ay hindi niya. Ang totoo, hindi naman talaga siya gano'n ka adik sa bagay na iyon, gusto niya lang ng mapaglibangan para hindi siya mainip.
Ilang araw niya ring hindi napupuntahan ang tulay kaya sinadya niya ang lugar hindi para sa masama niyang balak para sa sarili kundi para abangan ang paglubog mg araw. Gusto niyang subukan na mapasaya ang sarili kahit magsimula siya sa ganoong bagay.
"I wanted to feel happiness. This time, I wan to feel it. Gusto kong kalimutan na muna ang masasamang alaala. Gusto ko munamg maging masaya," nakangiti niyang sambit sabay pikit at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya
Maya-maya pa'y bahagyang lumakas ang hangin kaya napadilat siya ng konti sabay kuha ng bonnet at hinawakan na lamang ito pagkatapos ay nakangiti niyang pinagmasdan ang tanawin. Mula sa tulay ay makikita ang malawak na tubig at ang repleksyon ng asul na langit.
"Our paths crossed again,"
Nang marinig ang boses ay agad niya itong nilingon. Nang makita niya kung sino ay agad napalitan ng blankong ekspresyon ang mukha niya.
"Scarlet," banggit niya sa pangalan nito
"I undergo surgery because of what you've done to me, orphan! You ruined my face! You ruined my life!" mangiyak-ngiyak nitong sambit
Sa galit ng babae ay halos maugat na ang kanyang leeg.
"And you really have the guts to smile now, huh? My boyfriend broke up with me, I was grounded for months, I stayed in the hospital for months and even my parents hated me so much! You mess my school's reputation! You ruinedy life, you useless orphan!"
BINABASA MO ANG
THE BONNET GIRL ( COMPLETED )
Short StoryTwo persons with opposite personality. Is there a possibility for them to end up together?