{Chapter 49- Love}

247 13 3
                                    


Skyler's POV

Nagising ako ng marinig kong nag i-ingay ang cellphone ko sa side table.

Mabilis ko yun kinapa kahit na nakapikit pa din ang mga mata ko.

Ng sa wakas nakuha ko na ang phone ko ay agad ko yun sinagot ng nakapikit at dinala yun sa tabi ng tenga ko.

"Hello?"- tamad kong sagot.

"Skyler!"- sigaw ni xier sa kabilang linya dahilan para mailayo ko ng konti ang hawak kong cellphone.

Inis akong napasimangot.

Tangina. Umagang umaga nang i-istorbo ang loko.

"Pre, balita ko sinundan ka ni jami diyan!"

"Kailangan bang sumigaw estallio?"- inis kong saad at saka dahan dahang nagmulat.

Bumungad sakin ang ang kisame ng kwarto ko.

"Wala lang pre. Excited lang ako sa kwento mo."- tawa pa nito na parang walang bukas.

"Bakit ka ba nangengealam kang ugok ka? Ang tsismoso mo."- inis kong sumbat at saka tumagilid ng higa.

Nakita ko agad ang kulay asul na kalangitan dahil bukas ang veranda ko.

Muli na naman itong natawa na kina irita ko.

"Sige na vellarde. Mag kwento ka na. Alam kong kinikilig ka." Sabi pa ng gago.

Ngunit natigilan ako ng biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

Galit na galit talaga ako dahil lumabas siya ng hindi man lang nag papaalam. Kung hindi ko pa sana nakitang bukas ang kwarto niya ay baka hindi ko pa nalamang lumabas siya.

Ang tigas talaga ng ulo ng babeng yun. Hindi man lang niya naisip na baka may mangyaring masama sa kaniya. Tsk.

Sa ganung suot ba naman ni jami? Tangina. Halos kita na lahat ng katawan niya. Kaya sinong hindi magagalit?

I sighed.

Wala sa sariling napatingin ako sa kamao ko. Bakas pa din ang pamumula nun dahil sa pagsuntok ko sa tarantadong yun.

Kung hindi lang sana talaga ako pinigilan ni jami dun ay baka nasa hospital na yung gago ngayon.

Hindi ko talaga siya tatantanan hanggang sa hindi na siya makagalaw pa.

Sa galit ko sa kumag na yun ay hindi pa din yun nawawala hanggang ngayon.

"Tsk. Tangina niya."- wala sa sarili kong sabi.

"Tangina mo din! Hoy! Ano bang pinagsasabi mo?"- nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ulit ang boses ni xier sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"We're still not okay."- sagot ko at hindi na lang pinansin ang tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin? Ayaw mong maging okay na kayo?"

"I came here because I wanted to forget my feelings for her, xier. That's my reason."- seryoso kong tugon pilit na iniignora ang malisya sa kaniyang boses.

Hindi naman agad ito nakaimik. Muli na lang akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kalangitan.

"Sigurado ka bang yan pa rin ang dahilan mo magmula ng makita mo si jami diyan?"

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon