Jami's POV
Gago talaga ang hudas na yun. Walangya! Pinaghintay ba naman kami ng halos 15 minutes bago makadating!
Baka kapag di ako makapag pigil, susunugin ko na siya kasama ang pinagyayabang niyang kotse! Gago niya.
"Uy sungit! Long time no see! Nakaka miss din pala yang pagmumukha mo minsan."-bati niya pagkababang pagkababa sa kaniyang bulok na kotse.
Nakashade pa ang ugok at akalain mong pormadong pormado ang kingina. Naka dark blue polo na tinupi hanggang siko. Naka jeans tas naka tuck in yung polo niya. At naka rubber shoes pa ng blue ang loko.
Aba, pinaghandaan ano?
"Huwag mo kong kausapin."-gigil kong sambit at saka sinenyasan na lumapit samin si bata.
Bagama't nahihiya, naglakad pa din ito papalapit samin.
"Hey, kid."-gulat na sambit ni hudas.
Hindi naman ito umimik dahil nahiya. Tss, baka natakot sa kumag na to. Malamang jami! Hudas yan eh!
"Huwag mong takutin, tss."-irap ko. "Sige na, sumabay ka sa lokong to at ituro mo ang daan sa bahay niyo at dun tayo mag usap."-pahayag ko.
"What?"-gulat pa ding bulalas ng loko.
"What mo mukha mo! Sige na!"-sigaw ko at tinulak na sila.
Mabilis akong umangkas sa motor ko at saka sinuot ang helmet ko. Mabuti na lang, umandar na ang sasakyan ni skyler kaya mabilis ko itong nasundan.
Medyo natagalan kami dahil malayo layo din pala tong bahay ng batang to. Tss.
Tumigil agad kami sa isang malaking mansion. Automatic na bumukas ang malaking gate kaya naman agad na kaming pumasok. Dumaan pa kami ng deretso bago marating ang mansion nilang sobrang laki!
Ang masasabi ko lang ay,
Pucha! Ang yaman pala talaga nang batang to ano.
Di pa din mawala ang pagkamangha ko sa bahay kahit nakababa na ako saking motor. Sabay ding bumaba ang dalawa sa kotse at saka nagpamulsang lumapit sakin si skyler.
"Ito pala ang bahay ni Governor Gurrero."-wika niya dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya.
"W-weh? Yung totoo?"-gulat pa ding tanong ko habang may nanlalaking mata.
"Mukha ba kitang pinagti-tripan sungit?"-taas kilay niyang tanong atsaka hinubad ang suot niyang shade. Sinabit niya yun sa kaniyang polo at muling nagpamulsa.
So, ama nung batang yun si Governor Andrei Gurrero? Hanep!
"Skyler, come in."-yaya ni bata samin at saka naunang pumasok.
Aba, close na agad sila? Tss.
Nagkatinginan muna kami bago umakyat sa porch nila at pumasok. Bumungad samin ang malawak na living room. May malaking chandelier sa taas. May malawak na hagdan sa gitna. Parang lahat na materyales ng mansion na to ay sobrang mamahalin! Ang dami pang katulong na bumungad samin.
May isang malaking picture pa akong nakita sa pader. Si Governor Guerrero tapos yung asawa niya at yung bata. Tangna, ang yaman pala nitong batang to. Governor pa ang ama tapos takot-takutin lang ng lorenz na yun? Baka pag nalaman niya kung sino ang batang tinatakot niya ay magpakamatay yun.
"Let's go upstairs. "-saad niya at saka binaba ang suot na hoodie. Sumunod kami sa kaniya hanggang sa marating namin ang pinakagilid na kwarto.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)
AkčníHer name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a word it feels like she forget that love do exists. She turn her soft side to cold one just to forget all the memories they have. And she pro...