Chapter 8
Past
"Hey miss..." a voice of someone gently whispered at my ears.
Maybe, ginigising ako noon kaya gusto ko nang imulat ang mga mata ko pero imbis na gawin iyon, bumaling lang ako sa kabila at itinuloy ang pagtulog.
That someone chuckled at bahagya na akong niyugyog.
"Come on, Miss marami pa akong kailangang gawin."
Kumunot ang noo ko sa nagsalita. Sino ba 'to?
"Let me sleep for 5 minutes, okay?" I murmured. Bakit nga ba inaantok ako bigla?
"Sinabi mo na rin iyan 5 minutes ago."
Dumilat ako para tignan ang nagsasalita pero naaninag ko lang siya dahil bumababa talaga ang talukip ng mga mata ko.
"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong... gisingin? May... kailangan ka ba?"
"Yes, you're sleeping on my bag. I need it now miss."
Kumunot ulit ang noo ko, kalaunan ay bigla nalang akong nagdilat ng mata. Nanlalaki itong tumingin sa lalaking nasa tabi ko at pabalik sa kulay itim na bag na ginawa ko palang unan?
Hala?
At mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino ang may ari ng bag na kanina pa nanggigising sa akin. "Oh my god! I'm sorry Vann! I mean, Mr Secretary," halos maisigaw ko na iyon ng malakas.
"Shhhh... quiet!" Napatingin ako sa librarian na nagbawal sa akin kaya naitikom ko na lang ang labi ko at humingi rin ng paumanhin.
Natataranta kong kinuha ang bag sa lamesa kaya naman nahulog ang mga paper works ko sa lapag pero hinayaan ko na muna iyon.
Inabot ko kay Vann ang bag at yumuko pa para mag sorry ulit.
"Pasensiya na ulit Mr. Secretary. Naabala pa kita," napapikit ako.
Bakit nga ba kasi nagawa kong unan ang bag niya? Bakit ako natutulog? Sa library pa talaga?
And... what's with my sudden personality? Bakit parehong pareho ang nasasabi ko sa nasa isip ko?
Andito ba si Leon? Pero bakit hindi naman nakahinto ang paligid? Hindi ko rin magawang lumingon para hanapin si Leon. Nakayuko lang ako.
Narinig kong tumawa si Vann.
"Okay lang miss," mahinanahon nitong sinabi bago inabot ang bag na hawak ko.
Bakit ganito na ang tawag sa akin ni Vann? Hindi pangalan ko? At napansin ko ring Mr. Secretary ang tawag ko sakanya? 'Diba SSG president na si Vann?
And parang ang corny ng Mr. Secretary?
Ano na namang nangyayari? Another weird happenings again?
Pagkakuha niya ng bag sa akin, humingi ulit ako ng paumanhin at yumuko na para simulang pulutin ang mga nalaglag kong paper works sa lapag.
"Clumsy Narizz as ever," bulong ko sa sarili ko habang nagpupulot ng papel nang matigilan ako dahil sa mga kamay na nakita kong tumutulong sa pagpulot.
Inangat ko ang tingin ko doon at nakitang naroon pa rin si Vann at tinutulungan ako?
Nagtama ang tingin namin at naramdaman ko na naman ang literal na slow motion ng paligid. My heart is drumming loudly again.
Stop it heart! Baka marinig ka!
Sabay kaming tumayo nang mapulot na naming lahat ang papel. Tipid akong ngumiti sakanya nang iniabot niya sa akin ang iba kong paper works.
"Thank you..." muli akong yumuko bago nag-angat ng tingin sakanya, may tipid pa ring ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...