Shey's POV
"Ano pala gusto nyo? Libre ko na." sabi ko.
"Ikaw." banat ni Jiruel. Kaya ayun naging maingay ang canteen.
"Yieeee"
"Uy, may namumula."
"Sana all."
Nahihiya na ko kaya pinatigil ko na sila. "Manahimik na nga kayo kutusan ko kayo e. Sige kayo na bumili ng pagkain nyo leche."
"Hala lagot kayo."
"Eto kasing si Jiruel pabanat banat pa."
"Joke lang yun Shey. Eto naman di mabiro."
"Suyuin mo yan Jiruel."
"Shey, love." si Jiruel. aba anong love love tinutuloy neto. "Its not banat, its true na ikaw gusto ko." dagdag nya.
Hala ka ano pinagsasabi neto???
"Uyyyyy"
"Gague when"
"Respeto please"
"Sana pinutok nalang ako sa kumot hahahaha"
"KOKORNI NYO!" biglang singit ni Ella. "Bumili ka na nga ng pagkain don shey. Lalandi." inis na sabi neto.
"Wala ka lang bebe e."
"Bitter of the year."
"Maglove life ka na kasi beh."
"Sige isa pang salita nyo tatahiin ko na yang mga bibig nyo." sabi ni ella kaya nanahimik nalang sila at bumili nalang ako ng pagkain.
Connie's POV
Ang kj talaga neto ni Ella kahit kailan. Sinasabihan na namin na mag lovelife na sya kaso ayaw kasi na trauma sa ex nyang babaero kaya ayun bitter of the year na.
Dumating na si Shey at tinulungan naman sya nila Wade, Hans, Mytt, Aljur at Cedrick. "Wow ang dami naman, nakasahod ka ba ngayon shey?" si Stephanie.
"Tanga allowance lang beh." sagot ni Shey.
Kumain na kami dahil baka maabutan kami ng time.
Napansin ko na parang ang tahimik ni Angel at Sammy. Ano kaya nangyari dto sa dalawa bat angtahimik.
Angel's POV
Kanina pa kami tahimik ni Sammy siguro nagtataka na yung mga kaibigan namin. Naalala ko nanaman yung usapan namin ni Sammy
~Flashback~
Si Kurt na pinauna naming umuwi kaya kaming dalawa ni Sam ang magkasama ngayon. tahimik, tanging hangin at mga dumadaang sasakyan lamang ang maririnig.
Nabasag ang katahimikan ng biglang magsalita si Sam, "Angge." pagtawag nya sakin.
"Bakit?" tanginag sagot ko.
"Ahh kasi may napapansin ako, gusto mo si Kurt no?" prangkang tanong nya natigilan ako at medyo kinabahan.
Di ko alam ang isasagot ko. Sabihin ko ba yung totoo? baka magalit sya, di ko alam gagawin ko.
"Huh? ha ha ha ha anong sinasabing gusto ko sya?" kunwaring tanong ko.
"Hahaha diba gusto mo sya?" pekeng tawa ko. pero ang totoo gusto ko talaga si Kurt di ko lang masabi dahil ayokong magalit sya sakin.