CHAPTER 2

1 0 0
                                    

HAILEY's POV

Hoo!! Hailey, kaya mo 'to!! kaya mo 'to!! whaaaa!! Paano ko ba isasauli 'tong pam-PE nya.. Eh nahihiya ako.. Sya nga pala nandito ako ngayon sa rooftop ng campus namin. Sinundan ko kasi sya kanina para maibigay 'tong pam-PE nya..

Huminga ako ng malalim, tsaka ko binuksan ang pinto papasok sa rooftop..

Dahan dahan ko itong binuksan.. Pagbukas ko nakita ko syang nakaupo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang buong campus..

Bakit ba ang gwapo nya sa angulong ganyan? Yung tipong ang siryoso ng mukha nya..

"Anung kailangan mo?"-biglang tanung nya

"Ay kabayong ginahasa ng bulati!!!"-gulat kong sabi habang nakahawak sa may dibdib

Biglang kumunot ang noo nya..

Ako naman, ay lumapit sa kanya at inabot yung paper bag na may lamang pam-PE..

"Anu yan?"-masungit nyang sabi

"Anu kasi,, yan yung pam-PE mo.. Salamat nga pala sa pagpapahiram sakin"-nahihiyakong sabi

Agad naman nyang kinuha yung paper bag tsaka ibinalik yung tingin sa baba at hindi na ulit ako pinansin... Hindi pa rin ako umaalis,, may gusto pa kasi akong ibigay sa kanya pero di ko alam kung panu?!

Bigla syang napalingon ulit sakin..

"May kailangan ka pa ba?"-naiirita nyang sabi

Umupo ako sa harap nya tsaka may kinuha sa bag ko, pagkakuha ko ng lunchbox ko tsaka ko inabot sa kanya.. Biglang kumunot ang noo nya..

"Aah,, ehh,, anu kasi,, hmm ito nga pala.. Nagluto ako ng adobo para sayo, bilang pasasalamat sa ginawa mo kahapon"-kinakabahang sabi ko

"Pasensya na, pero hindi ako gutom"-masungit nyang sabi

"Talaga,, pero kahit na kailangan mo pa ring kumain.. Masama yung palaging nalilipasan ng gutom, alam mo ba yun?"-sabi ko

"Bakit ba ang kulit mo?"-tanung nya

"Hindi ako makulit kung tatanggapin mo 'to"-sabi ko naman

Agad nyang inabot ang hawak kong lunchbox at binuksan iyon.. Bigla naman akong napangiti kasi kinain nya yung niluto ko..

Nung makita kong kinakain na nya, dali-dali rin akong tumayo at tsaka nag-umpisang maglakad palabas..

Nung nasa may pintuan na ako, humarap ulit ako sa kanya..

"bye.."-pahabol ko tsaka lumabas ng tuluyan...

THREY's POV

"bye.."-pahabol nya tsaka lumabas na ng tuluyan.

Agad naman akong napailing dahil dun.. Ngayon lang ako nakakita ng makulit..

Hindi ko alam sa sarili ko, pero inubos ko yung pagkaing ibinigay nya.. Ang plano ko lang naman ay kakainin ko lang sa harap nya yung pagkain then, pag-umalis na sya tsaka ko titigilan ang pagkain..

Masarap naman yung food eh,, sana may next time pa..

Bigla naman akong napailing dun..Threy seriously, anu ba yang pinag-iisip mo? Tantanan mo na yan pwede ba?!!

Maya maya pa'y naisipan ko na lang matulog dito sa rooftop kesa isipin pa yung makulit na babae..

(--_--)Zzzzz

ANDRIE's POV

"Cap, pwedeng magtanung.."-sabi ni mark

Lumingon naman ako sa kanya.. Nandito kasi kami sa canteen eh, nagla-lunch pero wala si Threy.. Ewan ko ba dun, ayaw kasi sa maiingay na lugar eh..

When Mr. Heartthrob Meets Ms. Nerdy Girl •SHORT STORY• (COMPLETED) >>UNEDITED<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon