THREY's POV
Lumabas ako ng canteen para sagutin yung tawag.. Pinindot ko yung answer button..
"Hello, dad"-ako
(Umuwi ka dito.. Kailangan mong umuwi kasi kailangan nating mag-usap)-dad
Mukhang may problema.. Kasi galit yung tono nya..
"Pasensya na pero may klase pa ako eh.. Tungkol ba kasi saan yung pag-uusapan natin?"- tanong ko
(Basta umuwi ka, sumunod ka sa utos ko..)-dad
Haiz,, nakakainis!! Tungkol saan na naman kaya yun?
"Fine"-ako
Binaba ko na yung cp ko at pumasok na muli sa canteen..
"Sino yun?"-tanong ni Andrei sakin
"Si dad, pinauuwi nya ako ngayon sa bahay"-sagot ko
Biglang napatayo si hon..
"Bakit? anong problema?"-nag-aalala nyang tanong sakin
"Hindi ko rin alam eh.. Pero kailangan ko talagang umuwi"-sabi ko
"Eh paano na yung class mo?"-tanong ni Andrei
"Magpapasa na lang ako ng excuse slip bago umuwi"-sabi ko
"Mag-iingat ka huh?"-sabi ni hon
Tumango naman ako bilang sagot.. After nun, umalis na ako...
Sa bahay...
Nandito na ako ngayon sa mini-office ni dad sa bahay, nandito din si mommy..
"Bakit mo ba ako pinauwi dito?"-inis kong tanung
Hindi nya ako sinagot sa halip tumayo sya at may kinuhang folder tsaka inihagis sakin..
"Anong ibig sabihin nyan?"-galit na tanong ni dad sakin
Tumungin naman ako sa sahig at tiningnan kung ano yung tinutukoy nya.. Nanlaki yung mata ko nung makita ko kung ano yun, picture namin pareho ni Hailey na magkasama..
Pinulot ko yung isang picture tsaka tumingin kay dad..
"Saan nyo 'to nakuha?"-tanong ko
"Hindi na importante kung saan ko yan nakuha.. Ang mahalaga sagutin mo yung tanong ko, anong ibig sabihin nyan?"-galit nyang sabi
"Wala na kayong pakialam dyan"-sabi ko..
Lalabas na sana ako nang bigla syang magsalita ulit..
"Hiwalayan mo na yang babaeng yan.. Hindi sya makakabuti sa kinabukasan mo"-galit nyang sabi
Humarap ako sa kanila..
"Hindi ko sya hihiwalayan at wala kayong karapatan na sabihin sakin na hindi sya makakabuti sakin"-mariing kong sabi
"Ijo..."-mommy sabay hawak sa braso ko
"Sorry son, but you need to choose, papakasalan mo si Stephanie at hihiwalayan mo ang babaeng yan o ipagpapatuloy mo yung relasyon mo sa kanya pero mapapahawak naman sya.. Alam kong alam mong kaya ko yung gawin"-sabi ni dad
bigla akong nakaramdam ng takot..
"Huwag mong gagalawin si Hailey"-galit kong sabi
Ngimisi lang sya bilang sagot..
"Edi hiwalayan mo sya."-sabi ni dad
"A-Y-A-W K-O"-matigas kong sabi
"Okay, madali naman akong kausap eh.."-sabi ni dad tsaka umupo na sa kanyang upuan
BINABASA MO ANG
When Mr. Heartthrob Meets Ms. Nerdy Girl •SHORT STORY• (COMPLETED) >>UNEDITED<<
Teen FictionSTARTED: MAY 2016 ENDED: JUNE 2016 PUBLISHED: SEPTEMBER 29, 2020