Lumapit sya sakin at tumabi..
"Ano?? At sino naman yun? At tsaka paano mo nalaman?"-tanong nya sakin
"Kasi daddy ko ang may kagagawan nun..."-sagot ko
"Teka nga muna.. Hindi ko maintindihan,, ang ibig mo bang sabihin ay daddy mo yung may kagagawan neto kay sis?"-naguguluhang tanung nya
Tumango naman ako bilang sagot...
"Pero, panung...??"-tanong nya sana pero hindi ko na pinatapos
"Dahil sakin..."-panimula ko
Naramdaman kong tumitig sya sakin
"Dahil ayaw nya sa relasyon naming dalawa at gusto nya akong ipakasal sa anak ng kaibigan nya, si Stephanie, pero umayaw ako sa gusto nya kaya tinakot nya ako, na kung hindi ko hihiwalayan si Hailey, mapapahamak sya pero tumanggi pa rin ako kaya nangyari yan sa kanya"-dugtong ko
Lumingon ako sa kanya para makita yung reaksyon nya, iiling-iling na lang sya
"Di ako makapaniwala tsk tsk"-sabi nya
"At balak nya pa itong ulitin kung hindi ko pa rin sya susundin"-sabi ko
O_O- Andrie
"ANU??"-tanong nya
"Yup.. Kaya nagdecide ako na sundin na lang sya para hindi na mapahamak pa si Hailey"-sabi ko
"Teka muna.. Eh paano kayo ng kapatid ko?"-tanong nya
Huminga ako ng malalim...
"Andrei, pwede bang humingi ng favor sayo"-sabi ko
"Ano yun?"-tanong nya
"Pwede bang satin na lang yung pinag-usapan natin.. Tapos ikaw na yung bahala sa kanya?"-pakiusap ko
"Pero..."-alinlangan nya
"Please.. Para rin naman yan sa kapatid mo eh.. Ayaw ko naman na masaktan ulit sya at mapahamak eh"-sabi ko
Huminga sya ng malalim tsaka tumango..
"Salamat.."-sabi ko
After nun, bumalik na sya sa room ni cassandra habang ako umalis na ng tuluyan..
...fast forward...
HAILEY's POV
Hi guys, namiss nyo ba ako.. Yep, ako nga 'to si Hailey Zyx Sandoval nagbabalik hahaha djowk lang..
Monday na kasi ngayon, kailangan ko na ulit pumasok sa school, at tsaka nung sabado pa ako nagising at simula nun hindi ko pa nakikita si hon, kaya nga excited na akong pumasok e kasi makikita ko na sya.. Yess!
Kaya dali-dali akong nag-ayos ng gamit ko para makaalis na ako.. gusto ko kasi syang surprisahin eh ^___^
...
Sa school...
Nandito na ako sa school ko.. Papasok na sana ako sa loob ng room ko ng bigla akong nakarinig ng sigawan..
"Anong meron dun?"-bulong koNagtatakbuhan kasi yung mga estudyante dun sa may field e.. Makapunta nga..
Naglakad ako pupunta dun sa mga nagsisigawan at nakisingit sa maga estudyante.. Nung nakasingit na ako nagulat ako sa nakita ko...
O_O- ako
Si hon..
Si hon nakaluhod sa harap ng isang babae tapos may inaalok syang singsing, yung parang nagpo-propose na sya, ay mali pala talagang nagpo-propose na sya..
BINABASA MO ANG
When Mr. Heartthrob Meets Ms. Nerdy Girl •SHORT STORY• (COMPLETED) >>UNEDITED<<
Genç KurguSTARTED: MAY 2016 ENDED: JUNE 2016 PUBLISHED: SEPTEMBER 29, 2020