HAILEY's POV
...fast forward...
Boracay...
Yup, tama yung basa nyo.. Nasa boracay nga kami, it means nanalo pa rin sila kahit hindi na nakalaro si Threy.
At simula din nung araw na yun, hindi ko na sya pinansin pa kahit hindi ko kaya..
Nandito lang ako sa tabing dagat, nakaupo sa buhanginan pinagmamasdan yung mga alon.. Habang pinanunuod ko yung alon may narinig akong bulongan sa kabilang side ko..
"Ang gwapo nya diba?"-bulong nung babaeng nakabikini
"Oo nga e, kaso mukhang suplado"-sagot naman ng kasama nya
Tumingin naman ako sa tinutukoy nila.. Paglingon ko si Threy pala.. Sya pala yung tinutukoy nila..
NAkaupo din kasi sya sa buhangin habang nakasuot ng puting sando at short tapos naka-sun glasses pa habang may suot ng headset..
Aminado naman ako e, na gwapo sya..
Nakakainis!
Tumayo ako at nagtungo sa dagat. Hindi ako marunong lumangoy kaya dito lang ako sa mababaw na bahagi...
Habang nagtatampisaw ako dito sa tubig biglang may lumapit sakin na tatlong foreigner.. Pinalibutan nila ako..
"Hi, miss"-bati nung nasa unahan ko
"Hehe, hello po"-sabi ko
Whaaaa!!! help ayoko dito.. Please tulungan nyo naman ako..
"You know what? you're beautiful"-sabi nung isang foreigner sa kanan ko habang hinihimas yung braso ko
"Hehe"-pilit kong tawa habang inaalis yung kamay nya
Gusto ko na talagang umalis dito.. Pero paano?
THREY's POV
Nakakainis.. Bakit nya ba hinahayaang bastusin sya ng mga walang modong lalaking yun? Tapos yung dalawang babae naman kanina pang nagpapacute sakin hindi naman cute..
Bigla akong napatingin sa kinatatayuan ni Hailey. Bigla nyang nasampal yung isang lalaki na nasa unahan nya. Halatang galit na galit na sya tapos umiiyak na..
Bigla naman akong napatayo at sumugod sa kanila..
"Bastos"-sabi nya na galit na galit
"Hey, why did you do that?"-tanung nung isang foreigner
"Can you please let me go"-pakiusap nya
Aalis na sana sya ng bigla syang hawakan sa braso nung nasa kanang lalaki..
Lumapit na ako ng tuluyan sa kanila at hinawakan yung braso nung lalaking nakahawak sa kanya. Halatang nagulat si Hailey nung makita ako..
"And who are you?"-tanung nung nasa kaliwa
"I'm Threy Miller, boyfriend of that woman"-sagot ko sabay turo kay Hailey
O_O- Hailey
Hindi ko na sila pinansin pa at sa halip hinila ko na lang si Hailey at dinala sya sa loob ng hotel na tinutuluyan nung team..
Kung nagtataka kayo kung bakit kami lang dalawa ang nandito ay dahil sa sina Andrei, Mark at Coach ang bumibili ng pagkain namin sa bayan pati mga pasalubong habang yung iba ko pang teammate e naglalaro ng kung anu-anu sa tabi-tabi..
Pinasok ko sya sa kwarto nya.. solo lang sya sa kwarto nya..
"Bitawan mo nga ako"-inis nyang sabi
BINABASA MO ANG
When Mr. Heartthrob Meets Ms. Nerdy Girl •SHORT STORY• (COMPLETED) >>UNEDITED<<
Teen FictionSTARTED: MAY 2016 ENDED: JUNE 2016 PUBLISHED: SEPTEMBER 29, 2020