Kabanata Isa

8 0 0
                                    

Abala sa pagpupunas si Ganika ng mga table sa karinderya ni Aling Mameng ngayon dahil sa dami ng taong kumakain at kailangan mag madali ng kilos dahil May mga customer pang pumasok sa maliliit na kainan. Pinagpapawisan na ang dalaga dahil na rin sa alinsangan ng panahon, isa ang pagiging serbidora sa karinderya na ito sa tatlong part time jobs ni Ganika para lamang buhayin ang sarili mabuti na lamang at scholar sya sa isang pampublikong kolehiyo sa bayan nila. Pero kailangan parin kumayod ng dalaga para May pang kain sya at pang bili ng mga kailangan sa school katulad ng projects nya lalo pa at college na sya. Napa buntong hininga na lamang sya ng tawagin ni Auring para mag serve sa iba pang customer sa kainan. Katatapos pa lamang nyang ihatid ang mga order nito ay tinawag na naman sya ni Auring para ihatid pa ang mga susunod na order dalawa lang kasi sila ni Auring na nag se serve sa customer at si aling Mameng naman ang sa cashier habang ang asawa nito at anak na lalake ang mag ka tulong sa pag luluto ng mga order.

Hapong-hapo si Ganika ng matapos ang pag se serve sa last na kustomer nila na tila nag me- meryenda na. Alas dos na ng hapon at ito pa lang oras para kumain siya ng pananghalian. Dahil nga dagsa kaninang tanghali ang kustomer ay hindi pa kumakain si Ganika. Matapos kumuha ng pagkain galing sa kusina ay naupo si Ganika sa bakanteng upuan sa tabi ng electric fan. Kanina pa maalinsangan nag punas pa ng noo ang dalaga ng pawis niya bago sumubo ng kanin at adobong ulam nya. Mabuti na lang at Mabait si aling Mameng at libre ang pagkain nila dito sa karinderya hindi na nya poproblemahin ang pagkain sa oras na ito. Yun nga lang at talagang hapon na sila kung makakain ng tanghalian kaya kumakain sya palagi ng almusal bago mag trabaho.

Mamayang alas singko naman ay papasok sya sa isang burger stand na bukas 24 hours at pag kagaling duon diretso sya sa palengke mamayang mag  uumaga para naman mag tinda ng isda dahil market day bukas. Dahil alas tres naman ng madaling araw ang out nya sa burger stand. Ang pagiging serbidora sa karinderya ni aling mameng ay Sabado at Linggo lang kung May pasok sya pero dahil bakasyon pa namn ngayon araw araw na ang pasok nya. Kapag naman May pasok ay isang student aide sya sa school nila kapalit na din ng pagiging scholar nya pero May binibigay din namang allowance sakanya ang school at ang binibitawan nyang raket ay ang pagtatrabaho sa burger stand dahil hindi nya kakayanin kung wala syang tulog at papasok kinabukasan kaya ngayong bakasyon ay todo kayod sya para makapag ipon sa susunod na pang gastos nya.

'Ganika hoy! tulala ka dyan bhe?'

Napatingin naman ako kay Auring ng magsalita ito.

' ha? Wala iniisip ko lang kung papaano pako makakapag ipon'

'luh sya dami muna ngang trabaho yan parin sa isip mo?'

'eh mag papasukan na next month kaya dapat maka pag ipon nako ng pang gastos ko'

Napailing na lamang ito sa akin at tiningnan ako ng May awa

'alam mo bhe kung mayaman lang ako kinupkop na kita pero wala eh pareho lang tayo hays saklap ng mahirap ka kailangan kayod kalabaw para lang mabuhay'

Halata sa tinig nito ang lungkot. Kung ako mag isa na lang sa buhay Si Auring naman ay May dalawang kapatid na binuhay hindi na nya na ipagpatuloy ang pag aaral dahil mas inuna nitong buhayin ang mga kapatid nito. Iniwan na sila ng tatay nila ng bata pa lamang, namatay naman ang ina nito sa sakit sa puso kaya napilitan itong maging magulang sa dalawang nakababatang kapatid. Kung tutuusin hindi naman mukhang mahirap si Auring dahil sa mukha nitong mestiza itim na itim pa ang alon alon na buhok nito na bumagay sa mala porselanang kutis nito. Ito rin ang isa sa mga asset ni Auring dahil sa suma-sideline din sya sa pageant sa ibat ibang mga barangay pandagdag kita na rin.
Hindi ko naman alam na napatitig na pala ako sa kanya

'Aray naman Auring! Bat ka nambatok?'

'e pano titig na titig girl? Ano na tomboy Kana sakin? Well alam ko naman na maganda ako pero sorry di tayo talo bhe' sagot nito sabay flip pa ng buhok nito

' tangi tiningnan ko lang yung kuto na naglalakad sa ulo mo' ngisi ko sa kanya para ma asar pa sya lalo

'fyi wala po akong kuto no🙄'

'meron nakita ko nga nag ha hiking sa ulo mo May dala pang flag😂😂'

'ahh Ganika pang aasar ka talaga😤😤'namumulang sabi nya

Hahaha asar talo talaga itong babaeng to

Ipinag patuloy ko na ulit ang pag kain ko habang bubulong naman si Auring at humahaba ang nguso. Para talagang bata sa isip isip ko. Nasulyapan ko pa si Aling Mameng na nangingiti siguro ay narinig nito ang pang aasar ko kay Auring.

Papunta na si Ganika sa sa burger stand na pag tatrabahuhan  nya ngayong gabi.
Na abutan nya dun si Mika na kapalitan nya Naka handa na ito upang umalis ibinigay lang sa kanya ni Mika ang inventory list ng mga paninda at dali dali na itong umalis. Hindi naman masyadong nakakapagod ang trabaho nya dito lalo na kung madaling araw na dahil matumal na lang ang tao sa kalsada ang kalaban lang talaga nya sa trabahong ito ay antok hindi naman sya pwedeng umidlip ng kaunti dahil baka manakawan pa siya kahit na nga ba malapit itong pwesto nya sa istasyon ng pulis. Mabilis na lumipas ang oras nasa palengke na si Ganika para mag tinda ng isda na inaangkat din niya sa mga mangingisda sa May pantalan May pwesto sya sa palengke dahil nga medyo malaki ang kita nya dito ay talagang nag pursigi sya para maka kuha ng pwesto. at May maipang puhunan sa paninda sa awa ng diyos ay nauubos naman ang mga paninda nya dahil narin sa mga mababait na suki nya.

Pagod at puyat yan ang nararamdaman ng dalaga ng makauwi ito sa bahay nila na syang naiwan ng mga yumao nyang magulang mabuti na lamang kahit papaano ay hindi na nya poproblemahin ang renta ng bahay dahil May sarili na sya.

Kumain lamang ng kanyang almusal si Ganika dahil alas singko na ng umaga pagkatapos nito ay nag linis ng katawan at natulog na dahil alas 9 pa ang pasok niya sa karinderya mamaya.

Devil's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon