Isang magarang yate ang nakadaong sa isang lumang pantalan. Hindi angkop ang itsura nito sa lumang pantalan na pinag babagsakan ng mga huling isda ng mga mangingisda sa lugar na iyon. Subalit hindi ito alintana ng mga abalang tao. Hinahabol nila ang oras para sa kakarampot na makikita nila sa bawat isdang maibibinta nila sa palengke. Kasama na dito si Ganika na nakikipag agawan at nakikipag tawaran ng sariwang isda sa mga mangingisda. Mabuti na lamang at suki na sya ng ibang mangingisda dito at ipinagtatabi na siya ng mga huli nila. Pero ang ibang suki nya ay matumal ang huli kaya kailangan nyang makipag sapalaran sa ibang mangingisda.
Matapos makapamili ng panindang isda ay natuon naman ang atensyon ni Ganika sa magarang yate na nakadaong sa malayong parte ng pantalan. Tanaw din niya ang mga itim na sasakyan at mga lalaking bumaba dito at pumasok sa yate. Nasa madilim na parte na ito ng pantalan kaya hindi na nya maaninag kung anong ginagawa ng mga ito sa parteng iyon. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang nakita at nag pa tulong na sa kargador ng palengke na ipabuhat ang mga paninda nya.
'ISDAAA!! ISDAA!! PO KAYO DYAN !! Fresh na Fresh pa po bagong huli po ito bili na po kayo!!'
Yan ang paulit ulit na sigaw ni Ganika sa palengke. 4:30 na ng umaga medyo marami pa ang paninda nya dahil hindi dumating ang isa nyang suki na may ari din ng isang karinderya. Maramihan ito kung kumuha sa kanya bukod kasi sa mas mababa ang paninda nya kumpara sa iba, fresh din ang mga isda nya.
Todo sigaw pa si Ganika buti na lamang at may mga na namalengke na kaya paubos na din ang paninda nya. Five thirty na ng maubos ang paninda nya medyo late ng kaunti sa dapat na uwi nya. Mabuti na lang at Linggo ngayon at walang pasok sa karinderya dahil dumalaw sa kamag anak nila si Aling Mameng at nag sara muna ngayong araw ang karinderya.
Naglalakad na si Ganika pa uwi sa bahay ng madaanan nya ang madilim na parte ng pantalan. Na alala nya ang kalalakihan kanina at ang magarang yate. Inilibot nya ang paningin pero wala naman na ang yate at ang mga sasakyan kanina. Maglalakad na sana ulit si Ganika ng makarinig ito ng isang ungol. Kinilabutan ang dalaga sa pag aakalang may nag mumulto sa parteng iyon. Tatakbo na sana sya ng may marinig na tinig at tila humihingi ito ng tulong.
'Hhhelp me ughh' mahina lamang iyon pero narinig parin ni Ganika dahil tahimik ang paligid. Hinanap ng kanyang paningin ang boses at na aninag nya sa may parteng gilid ng pantalan kung saan nakatambak ang mga lumang bariles ng gasolina ang bulto ng isang lalaki. Agad nya itong dinaluhan. Nakahandusay ito at puno ng dugo ang suot nitong itim na shirt at may naka patong ditong coat inilagay nya sa kanyang kandungan ang ulo nito. Hindi nya maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim parin sa parte nila.
"Mr. Ayos ka lang po ba?"
"Help me " nahihirapan nitong salita at May dugo ng lumalabas sa bibig nito. Nataranta naman si Ganika at pilit na itinatayo ang lalaki pero mabigat ito. Kaya naman tumayo sya para sana humingi ng tulong pero hinawakan ng estranghero ang wrist nya.
"Please help me "
"I will sir but I need to get help first, I can't lift you my self, wait for me here, ok? I will be right back"
Dali dali ng tumakbo ang dalaga at humingi ng tulong sa pantalan kumuha na din siya ng tricycle para madala sa ospital ang lalaki.
Imbes na mag pahinga dahil pagod sa trabaho ay nandito sa ospital si Ganika para bantayan ang lalaking iniligtas nila. Labis din ang pasasalamat nya sa mga taga pantalan na tumulong para madala dito ang lalaki.
Ngayon lamang napagmasdan ni Ganika ang mukha ng estranghero. Ang gwapo pala nito dahil naka upo sya sa may gilid nito kaya malaya nyang napapag masdan ng malapitan ang mukha nito. Matangos ang ilong nito at ang haba ng pilikmata makakapal ang kilay at nadedepina ang panga na lalong nag pa gwapo dito hula nya ay May lahi ang lalaki dahil na din sa tono ng pag sasalita nito ng makausap nya kanina at sa itsura nito parang May lahing taga middle east ata ang lalaki.
Ang pogi naman
Ngayon lamang siya nakakita ng ganito ka perpektong nilalang. Hindi namalayan ni Ganika na nakatulog na sya habang Naka tungko ang ulo sa kama na kina hihigaan ng lalake.
Nagising si Ganika na kumakalam ang sikmura tiningnan nya ang wrist watch nya at nakitang alas dyes emedya na pala ng umaga. Tiningnan na muna nya ang lalaki at wala parin itong malay. Hindi nya parin maisip kung papaano ito nasangkot sa gulo at may tama pa ito ng baril. Mabuti na lamang at hindi masyadong malala ang tinamo nitong pinsala pero ang sabi ng doctor ay kung nag tagal pa ito baka naubusan na ito ng dugo at hindi na umabot pa sa ospital. Muli na namang nag alburoto ang tiyan nya kaya dali-dali naman siyang pumunta sa canteen para kumain.
Napag pasyahan nya rin na umuwi na muna para makapag palit ng damit dahil amoy isda pa sya. Mamaya na lamang na hapon ulit siya babalik dito sa ospital para mag bantay. Ibinilin na lamang nya sa mga nurse ang lalaki.
Pag uwi ni Ganika sa bahay ay naligo siya at nag luto na rin ng pananghalian at babaunin. Para mamaya ay ihahanda na lamang nya dahil iidlip muna siya ng ilang oras bago pumunta sa ospital.
Pag dating nya sa kwarto ng lalake ay wala syang na datnan doon. Kaya naman dali-dali siyang pumunta sa CR baka nandun ang lalaki pero wala ito. Pumunta sya sa nurse station para itanong kung nasaan na ang pasyente nila pero wala din silang alam. Nag tawag ng guard ang mga nurse para ipahanap ang lalaki pero bigo silang makita ito.
Sino ka ba talaga at bakit bigla ka na lang nawala ?
I hope you are safe where ever you are.Yan ang mga tumakbo sa isip ng dalaga sa mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Devil's Possession
General FictionA possessive devil trying to possess an innocent angel.