Chapter 4

479 25 2
                                    


RHIAN'S POV

I woke up once again in an unfamiliar room.

Nasaan ba ako? Tanong ko sa aking sarili

Until naalala kong nasa teritoryo pala ako ng Max Collins na yon.

Bumangon ako at saka ko naman naramdaman ang sakit ng ulo ko.

Takteng hangover.

Anong oras na ba?

Asan na ang mga gamit ko?

Hindi ko ito mahagilap kaya naman ay naisipan ko na lang magshower muna.

Pakiramdam ko kasi ang baho baho ko na at nakakadagdag pa ito sa sakit ng ulo ko. Nanghiram na lang ako ng damit doon sa closet kasi nga hindi ko alam kung nasaan ang mga gamit ko.

Question mark pa rin kung ano talagang nangyari kagabi that leads me here. Wala pa rin kasi akong maalala.

Ganun na ba ako kalasing kagabi?

Lumabas ako sa aking silid at nagtungo sa baba.

Napakatahimik naman. Nasaan na kaya ang mga tao rito?

Sakto namang nakita ko si Glaiza sa baba at parang gulat na gulat.

Nakabalot sa katawan niya ang isang floral na tela.

May kung anong pulang drawing din sa kanyang mukha.

Anong trip ng babaeng ito?

Pero familiar yung drawing sa mukha niya. Saan ko nga ba nakita yon?

"I need my car keys. Kailangan ko nang umuwi" Sabi ko at di na lang nagcomment sa weird niyang pananamit.

Hindi naman siya sumagot. Nakakunot lang ang noo niya na para bang hindi niya ako naintindihan.

Ano bang problema ng babaeng ito?

"I said I need my car keys Ms. Galura!" Inis ko nang sabi rito.

Luminga siya sa paligid at pinulot ang remote saka inabot sa akin.

What the hell?!

Sa inis ko ay tinabig ko ang kamay niya at nahulog ang remote sa sahig.

I think it's broken but who cares?

I told her I need my car keys tapos bibigyan niya ako ng remote ng TV?

Nakadrugs ba siya?

"Aalis na ako and you're fired Ms.Galura." Inis na sabi ko at nagwalk-out.

Gagawa na lang ako ng paraan para maka-uwi.

Humanda talaga sakin ang tatlong warka. Kotangkota na talaga sila sakin.

Nagtaxi na lang ako pauwi.

May kinuha akong cap at sunglasses doon sa condo ni Max para naman kahit papaano ay hindi ako pagkaguluhan.

Masakit pa ang ulo ko baka masungitan ko lang silang lahat.

Pagdating ko sa bahay ay sumalubong kagaad sakin yung tatlo.

Sila ang pinagbayad ko sa taxi dahil di ko nga nakuha yung gamit ko dun sa mukhang nakadrugs kong ex-bodyguard.

Dumiretso ako sa kitchen at naghanap ng makakain.

Di naman nagtagal ay sumunod sakin yung tatlo.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasan na ang bodyguard mo?" Tanong ni Chynna

"I fired her"

Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Why?" - Kat

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now