Chapter 10

303 17 1
                                    

PIRENA'S POV

Masakit na ang ulo ko dahil sa paulit-ulit na pangitain.

Pangitain na hindi ko mabatid kung anong nais iparating. Ang malinaw lamang sa akin ay ang dalawang nilalang na kasama sa pangitaing ito.

Ang feeling Prince Charming ni Rhian na si Liam at ang walang kwenta kong amang si Hagorn.

Kung magkaugnay ba ang dalawa?...Hindi ko alam.

Maaaring magkaibang panganib ang dala nila at maaari rin namang iisa.

Ngunit kagaya ng sinabi ko hindi ko pa ito tiyak.

Dalawang bagay lamang ang nagtutugma sa kanila.

Una pawang maitim ang liwanang na nakikita ng aking mga mata na bumabalot sa kanila.

Base sa aking karanasan. Kapag itim ang liwanag na bumabalot sa isang nilalang ibig sabihin ay magdadala siya ng kapahamakan.

Matinding kapahamakan.

Pangalawa, pareho silang Hathor.

Ewan...hindi ko alam kung papaano ko natatagalan ang lahat ng ito.

Malapit na maghating gabi at pauwi pa lang ako. Ayaw akong paalisin ng aking ina matapos nila akong makumbinsing sumama sa kanila pabalik sa mansyon kaya hinintay ko muna na makatulog siya bago ako umalis.

Sinubukan kong mag-ivictus pabalik sa apartment na tinutuluyan ko ngunit tila yata pati ito ay naaapektuhan ng sakit ng ulo ko.

Sa isang lumang palaruan malapit sa aking tinutuluyan ako nakarating.

"Pashnea" Susubukan ko sanang mag-ivictus muli ng maramdaman ko ang isang pamilyar na presensya sa paligid.

Luminga ako at agad na hinanap ito.

Doon ko siya natagpuan sa may slide at tila malim ang iniisip.

Naisipan kong lapitan siya.

Malapit na ako sa kanya pero hindi niya pa rin ako napapansin.

Wala nga siyang maalala pero may mga bagay na hindi pa rin nagbabago.

May taglay nga siyang kakaibang bilis ngunit hindi siya ganoon kaalisto.

"Ms. Rhian pwedeng magpapicture?" Pabiro kong sambit para makuha ang atensyon niya.

Gulat siyang napalingon sa akin. Nakakatawa ang reaksyon niya pero ngumiti na lang ako sa kanya.

Naalala ko ang kwento ni Chynna. Kung pagbabasehan ang mga kwento nito at sa mga inaakto ni Rhian...Palagay ko'y hindi niya batid na nawala ang ilang bahagi ng kanyang alaala.

Ngunit ang malaking katanungan para sa akin ay kung sino ang tinutukoy niyang nawala ng dahil sa kanya.

Hindi naman maaaring ako.

Si Jade kaya ang tinutukoy niya?

May nangyari bang masama sa kanyang kambal-diwa kaya siya nagkaganito?

Alam kong may epekto sa isang Hathor ang pagkawala ng isang kambal-diwa. Hindi ko nga lang tukoy kung ano.

"Anong ginagawa mo dito Ms. Galura?" Mataray niyang tanong.

Pansin kong mahilig na siyang magsungit ngayon. Parang bumaliktad ang aming mundo.

"I'm not stalking you if that's what you're thinking. I live on that building" Paliwanag ko sabay turo sa isang gusali kung nasaan ang apartment ko.

Umiwas lang siya ng tingin at hindi na muling nagsalita.

Umupo ako sa tabi niya at tiniyak na may tamang distansya kami sa isa't isa.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now