Chapter 5

417 25 3
                                    

RHIAN'S POV

"Rhi nakapagbigay na kami ng statement sa press tungkol sa kalagayan mo. But it's not enough for them. Kaliwa't kanan ang nagrerequest ng interview. They want everything in detail" Sabi ni Chynna habang kumakain kami ng breakfast.

Pinatawad ko na din silang tatlo. Isa pa, wala naman akong ibang family dito kundi sila.

"We want the same thing. I want everything in detail as well. Pero paano ko sasagutin ang mga tanong nila kung hindi ko rin maaalala kung anong milagro ang nangyari that night" Paliwanag ko.

"Walang miracle na naganap Rhirhi. Kung hindi mo kasi pinairal ang init ng ulo mo at hindi oraorada mong tinanggal si Ms. Galura eh di sana alam natin kung anong talaga ang nangyari diba?" - Bianca

"Speaking of that Galura woman. Tumawag siya kanina at nagtatanong kung kailan ang next schedule ni Rhian. At parang gulat na gulat siya ng sinabi kong tanggal na siya at si Rhian mismo ang nagtanggal sa kanya." - Katrina.

Napairap naman ako.

"Malinaw naman ang sinabi ko sa kanya kahapon. Siguro nga tama yung hinala kong nakadrugs siya kaya hindi na talaga siya pwedeng maging bodyguard ko" Sagot ko naman.

"Eh pano na yan? Hindi ka maaaring umalis ng bahay nang walang bodyguard Rhi. Mananagot tayong lahat sa parents mo pagnagkataon. Hindi rin naman kami pwedeng sumama sayo dahil may trabaho din kami." May pag-aalalang saad ni Bianca.

"Kaya ko naman ang sarili ko. Huwag niyo na akong alalahanin. At tungkol sa parents ko nam-"

"Hay naku Rhian Denise. Para namang hindi pa natin yan nasubukan noon. Dalangdala na kami kaya hindi pwede. Dito ka lang sa bahay hangga't wala pa kaming nahahanap na ipapalit sa ex-bodyguard mo" Mariin namang sabi ni Katrina.

Nakakainis talaga!

Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapatunayan sa kanila na kaya kong pangalagaan ang sarili ko?

Hindi na ako bata. I need a little freedom.

"May naghahanap ba ng bodyguard for Rhian? Pwede ako. Kahit for free." Sabat naman ng bagong dating na gwapong lalaki.

Teka....

"Liam!" Napatakbo ako patungo sa kanya sabay yakap dahil sa tuwa.

"I miss you grabe" Sabi ko ng maghiwalay na kami.

"I miss you too Princess" Sabi nito saka hinalikan ang likod ng palad ko.

"Hoy! Mga pashnea. Nandito kami. Hindi kami mga istatwa hello" Sabat naman ni Katrina.

Kababata rin kasi namin si Liam. Close rin ang pamilya niya sa mga pamilya namin. Kaya lang siya napahiwalay saming apat eh dahil sumama siya sa parents niya sa Singapore.

"Namiss ko rin kayong tatlo syempre" Patutuon naman ng pansin ni Liam sa tatlo.

Natutuwa talaga akong magkakasama kaming muli.

Parang tulad ng dati lang noong mga bata pa kami.

...........

"Oh ikaw na ang bahala diyan sa mahal nating prinsesa ha? Ingatan mo yan dahil kapag may nangyari sa kanyang masama idedisplay namin ang ulo mo sa bakuran" - Katrina.

"Napakamorbid mo naman Kat." Naaasiwang saad ni Bianca. Hindi kasi siya yung tipong mahilig sa violence.

"Aalis na nga lang kami. Kung ano ano pang sinasabi" Reklamo ko sa kanila.

"Huwag kayong mag-alala at kahit hindi mo ako pagbantaan. I'll give my life to protect Rhian." - Liam

"Hay naku. Paprince charming ang peg. Umalis na nga kayo baka malate pa tong si Rhian matalakan pa ng handler niya." - Chynna.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now