Chapter 11

312 13 2
                                    

MIRA'S POV

Nag-ivictus ako kasama si Luna sa lugar malapit sa kinaroroonan ng tinig dahil hindi naman kami maaaring basta basta na lang maglakad sa isang madilim na lugar na puno ng patibong.

Sa itaas ng isang puno namin natagpuang nakabitin ang isang malaking kulungan na may tatlong nilalang sa loob.

"Tiyak kong alam na ni Edeya Pirena na lumabas nanaman tayo sa pananggalang" Bulong ni Luna habang pilit naming inaaninag kung sino ang mga nilalang na nahulog sa patibong.

"Hindi naman tayo lumayo. Natatanaw ko pa mula rito ang pananggalang. Basta hindi tayo gagamit ng kapangyarihan wala tayong magiging problem." Bulong ko rin pabalik.

Si Luna ay kapatid ng aking ina sa ama. Deshna ang tunay niyang pangalan.

Noong sanggol pa lamang siya ay nagkaroon ng pangitain si Cassiopeia na naging dahilan upang mawalay siya sa kanyang mga magulang.

Nanatili siya pansamantala sa pangangalaga ng mga Nymfas ngunit dahil sa walang kakayahan ang mga ito na hasain ang kanyang kapangyarihan ay kinuha siya ng aking ina.

Sa pagkakaalam ko ay, inalis nila sa mga nymfa ang alaala tungkol kay Deshna para na rin sa ikabubuti ng lahat.

At dahil hindi gaya ko na naitago na simula pa lamang nang nasa sinapupunan ako ng aking ina, kinailangan nilang baguhin ang pangalan ni Deshna upang siya ay mapangalagaan. Kaya siya naging si Luna.

"Bakit hindi gumagana ang ivictus?! Subukan mo nga"

"Hindi rin gumagana"

"Sinasabi ko na nga ba at hindi magandang nagtungo tayo rito. Naway kaawaan ako ng bathalang Emre. Kinikilabutan na ako sa maaaring gawin sa akin ng inyong ama at ng inyong mga ina!"

Muli kaming napatingin sa malaking kulungan.

Ngayong mas malapit na kami ay tiyak ko na, na tama ang aking hinala kahit pa hindi ko makita ng malinaw ang kanilang mukha.

"Si Lira at Kahlil..." Aking nasambit.

"Lira at Kahlil? Ang mga sanggreng pinsan mo?" Tanong niya at tumango ako bilang tugon.

Habang nagsimula nanamang magsisigaw ang mga nabihag.

Napaka-ingay nila!

"SHEDA!" Sigaw ko sa kanila upang sila ay manahimik. Hindi naman ako nabigo.

Mahirap na kung may iba pang Hathor na makakita sa kanila.

Mas lumapit pa kami ni Luna sa may paanan ng kulungan.

"Sinong nariyan?!" Tanong ni Lira na akala mo'y bingi ang kinakausap.

Pagkalakaslakas ng kanyang tinig.

"Si Mira ito." Ang aking tugon.

"Mira? Bessy? Ikaw ba yan?!"

Napalingon naman kami ng sabay ni Luna sa loob ng pananggalang. Pawa kaming nag-aalala na baka may paparating na mga kawal.

Maging ang ibang mga Hathor ay hindi batid ang tunay na kaugnayan namin sa Hara. Sa mga mata nila'y mga pangkaraniwang Hathor lamang kami. Kaya kung mahuhuli sila ay wala kaming magagawa para makatulong.

"Ako nga ito at maaari bang pakihinaan ang iyong boses bago pa kayo marinig ng mga kawal Hathor." Saad ko.

Mabuti naman at agad din silang nanahimik.

"Gagawa kami ng paraan para makababa kayo. Sandali lamang" Saad ko.

Agad naming hinanap ni Deshna ang tanikalang nakakabit sa kulungan.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now